Chapter 1: Ninakaw Na Kinabukasan Part 1

727 12 3
                                    

"SAAN po ba tayo Mang Kardo pupunta?" usisa ng dalagitang si Mae. Tinatahak nila ang daan papuntang ilog. "Sigurado po bang nandiyan si Tiyo Estong?"

"Oo, pinasundo ka nga niya sa akin. Hindi daw niya kayang tumayo dahil sa kalasingan. Naroon siya sa kabilang ibayo." sagot ni Mang Kardo.

Ayon dito ay lasing na lasing ang tiyuhin niya. Nagtatakang tumingin si Mae sa kabilang ibayo. Para naman walang indikasyon na may tao doon. Ganoon pa man at nagkibit-balikat na lamang siya at sumama. Tiwala naman siya dito dahil kaibigan ito ng tiyuhin.

Sumakay sila ng bangka. Panaka-nakang tinatapunan siya ng tingin ni Mang Kardo. Mukha din itong balisa.

"M-may problema ho ba?" hindi makatiis na tanong niya.

"A-ah, wala naman." maikling sagot nito. Hindi na siya nagusisa.

Ilang minuto lang ay nasa kabilang pampang na sila. Bumaba agad siya sa bangka at nagdiretso sa nagiisang kubo na nasa gitna ng talahiban. Madalas siyang nagpupunta doon dahil kalimitan ay doon umiinom ang tiyuhin niya kasama ng mga katrabaho nito. Isang mangangangkong ang tiyuhin niya. Kaya madalas ay ginisang kangkong ang ulam nila o kaya ay isdang tawilis.

Ulila na siya sa mga magulang. Ang tiyuhin niya ang kumupkop sa kanya. Kapatid ng tatay niya. May narinig siyang kaluskos sa loob ng kubo. Marahil ay ang tiyuhin iyon.

"Tiyo Estong?" tawag niya pagkabukas niya ng pinto. May nakita siyang nakatalikod na bulto. Lumapit siya dito. Humarap ito. Nagulat siya dahil hindi ito ang tiyuhin niya.

"Hi." malisyosong bati nito. Pinasadahan pa siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Kasalukuyan siyang nakapalda noon. Kauuwi lang niya galing sa bahay ng kanyang kaeskwela dahil may tinapos silang proyekto.

"S-sino po kayo?" tanong niya. Hindi niya kasi kilala ito.

"Ako si Tasyo." sagot nito at naglakad palapit sa kanya.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito. "A-ah sige po," saad niya at mabilis na tumalikod ngunit nahawakan siya nito sa braso.

"Sandali lang, iha."

Nagpumiglas siya. "Bitiwan ninyo ho ako."

"Relax, iha." sabi nitong nakangisi.

Amoy alak ito at namumula ang mga mata na parang sa adik. Nakita niya sa may pintuan si Mang Kardo. "Mang Kardo! Tulungan ninyo po ako!" sigaw niya ngunit tumalikod lamang ito. Hindi!

Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ni Ka Tasyo. Ngunit sadyang malakas ito. Binigyan siya ng malakas na sampal kaya napasadsad siya sa lupa. Napaiyak siya sa sobrang sakit. Nalasahan din niya ang sariling dugo sa mga labi. Pinilit niyang tumayo subalit dinakma ni Ka Tasyo ang buhok niya at binigyan siya ng isang suntok sa sikmura. Lugmok siya sa lupa. Hindi siya makahinga. Napakasakit. Nawalan ng lakas ang buo niyang katawan. Nakita niyang nagalis ng baro si Ka Tasyo.

Forbidden FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon