Chapter 4

38 0 0
                                    

CHAPTER 4

Tuloy pa rin kami sa paglakad nang may

nakita akong bata na may suot na t-shirt

na katulad na katulad ng kay Dustin.

Pinagmasdan ko sya habang papunta sya

doon sa palaruan. Maya-maya lang,

hinatak na naman nya na naman yung

kamay ko. Pumasok kami doon sa

tindahan ng silver accesories.

“Bibili ka?” tanong ko sa kanya. Hindi

siguro ako narinig dahil hindi sya

sumagot.

“Miss, ayun nga po.” Tinuro nya yung

bracelet na may palawit na ....heart?

Nyay! Bakit pangbabae?

Tinanggal nya sa lalagyan tapos isinuot

nya sa wrist ko.

“There, it’s perfect for you. Ikaw naman,

pili ka para sa akin.” Ok? Ako ba

magbabayad nito? Dahil kung oo, lagot.

Dahil 90 pesos na lang ang natitira sa

pera ko.

“Ako naman magbabayad.” Sabi nya sa

akin. Nabasa nya yung utak ko? Since sya

naman yung magbabayad, pumili na rin

ako. Sa dami ng pagpipilian, dun ako

bumagsak sa susi yung palawit. Parang

mali no? dpat kasi kapartner ng susi ay

something na may lock. But anyway, yun

ang pinakamaganda doon kaya yun na

lang. Pinakuha din nya doon sa sales

lady. Nagpatulong pa nga sa akin na isuot

ko sa kanya. Tsaka ko lang napansin na

pareho pala yung chain.

“Miss, magkano ‘to? Both.”sabi nya sa

sales lady.

“450 po,Sir.” Sabi nya ng sales lady.

“200 yang sa’yo, yung sa kanya 250.”

Nagulat naman ako dun. 450 na para sa

dalawang bracelet? Ang mahal

naman.Tapos mas mahal pa yung sa akin

kaysa sa kanya.

“V-jay, wag na kaya. Mas mahal pa itong

sa akin eh. Nakakahiya naman.”

“Hindi. Bigay ko yan sayo. Tsaka di bale,

mas ... naman kita eh.” Ano daw? Hindi

ko masyado naintindihan eh. Bwisit

naman kasi yung isang lalaki. Sa dami ng

babanggain sa mundo, ako pa ang napili.

Napa ‘ouch’ na lang ako nun. At kung

hindi rin naman sya bastos, ehP umasta

pa na parang walang nangyari.

“Pare, wala man lang bang sorry?”

"Candy Shop"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon