Zia's POV.Nandito ako sa canteen at kumakain, sinadya kong pumuwesto dito sa dulo at tagong lugar dahil gusto ko mapag isa. Lately nagiging cold sakin si Migs kaya't napapaisip ako kung ano ang nagawa ko, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may nagbabago. Malapit na malapit kaming magkaibigang dalawa at hindi nya alam na may gusto ako sa kanya. Gusto kong ilihim sa kanya dahil ayaw kong magbago ang pagkakaibigan namin. Sa isang tao ko palang nasasabi, kay Nikki. Sya lang ang namumukod tanging nakakaalam ng feelings ko kay Migs, tiwala naman ako dahil kaibigan ko naman sya at alam kong di nya sasabihin kay Migs.
Nagulat ako nang makita sya na bumili ng pagkain na pangdalawang tao, akala ko ba hindi sya naguguton at may practice pa sila ng basketball?
Pagkalabas ni Migs ng canteen, sinundan ko agad sya, hindi ako nagpa halata dahil nagtataka ako kung bakit kailangan nya mag sinungaling sakin.Baka naman inutusan sya ni coach na bumili ng pagkain?
Pero bakit ganun? Iba yung kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa maaari kong makita. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa likod ng Building namin. May mini garden kasi doon at may mga gazeebo na pwedeng tambayan at kainan.
Kusa nalang tumulo ang mga luha ko nang makita ko ang mukha ng babaeng hinalikan nya sa pisngi, pagkatapos ay pinatong nya ang pagkain sa lamesa at tinabihan ito.
"Hi Love, sorry napatagal, kailangan ko pa kasing tignan kung nandun ba si Zia"
"Okay lang Love." Sabay ngiti ng malanding babaeng pinagkatiwalaan ko, pero niloko lang pala ako.
Kahit parang ambigat ng katawan ko ay naglakad ako papalayo. Wala akong ibang maramdaman kundi pagkadurog ng puso ko. Wala akong ibang maramdaman kung hindi sakit. Ang sakit, sobrang sakit, pero wala akong magawa kasi hindi naman kami. Wala akong karapatan pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi na ako pwedeng masaktan diba?
Nakita ko ang sarili ko na naglalakad papuntang tambayan namin ni Nikki, dito ko ipinagtapat ang nararamdaman ko sa kanya 8 months ago. Dito ko sinasabi ang mga bagay na hindi ko masabi kapag nasa paligid si Migs. Dito ko din naikukuwento sa kanya yung mga naging crush ko na laging ang nagugustuhan kaibigan ko. Naaawa ako sa sarili ko dahil lagi na lang akong hindi pinipili. Lagi nalang KAIBIGAN ko ang pinipili nila.
Napahagulgol na lamang ako habang hawak hawak ang aking dibdib, ang sakit sa puso. Ramdam ko yung kirot eh.
Nag text ako kay Nikki na kung pwede syang pumunta dito dahil may ikukuwento ako sa kanya, agad naman syang nag reply na papunta na daw sya kaya't hinanda ko ang aking sarili, pinunasan ang luha at nag ayos ng mukha. Hindi nya dapat malaman na alam ko na, gusto ko makita sa mukha nya ang reaksyon kapag sinabi kong alam ko na.
"Bes! Ano nanaman ikukuwento mo? Malamang about kay Migs nanaman yan? Ghaad bes ang landi mo talaga!"
"Malandi? AKO?! Ako pa talaga ang malandi? Mas malandi ka!" Gusto ko sana sabihin sa kanya yan pero pinigilan ko ang sarili ko, ngumiti ako sakanya at lumapit.
*PAAAAAAK*
Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya, pagkatapos non ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak muli.
"Plastic ka! Ang galing mo magpanggap! Mang aagaw! Alam mo naman na may feelings ako kay Migs pero anong ginawa mo? Pinatulan mo sya nang hindi sinasabi sakin?! Nagmukha akong tanga Nikki! Kaibigan pa man din ang turing ko sayo tapos ganto?! Ganto ang gagawin mo?!" Kitang kita sa mukha nya ang gulat at pagka tuliro, marahil ay hindi pa sya handa na sabihin sa akin. So kailan pa nya balak? Pag niyaya na sya magpakasal ni Migs?
"Zia, let me explain please. Sasabihin ko naman talaga sayo eh, nauunahan lang ako ng kaba." Umiiyak narin sya, hindi manlang ako nakaramdam ng awa dahil mas naaawa ako sa sinapit ko.
"KABA?! SA ARAW ARAW NA MAGKASAMA TAYO NIKKI HINDI KA KINAKABAHAN AT NAKOKONSENYSA NA PINAGMUMUKHA MO AKONG TANGA?! ALAM MO MATATANGGAP KO NAMAN EH. KASI ALAM MOMG SANAY NAKO. SANAY NAKO NA KAIBIGAN KO YUNG GUSTO NG GUSTO KO. PERO B*LLSH*T NIKKI! PARA NA KITANG KAPATID. MAY RELASYON NA PALA KAYO BAKIT HINDI MO NASABI SA AKIN?! BILANG RESPETO LANG SA PINAGTAPAT KONG FEELINGS SAYO!"
"Zia, I'm sorry. Sorry bes, sorry" paulit ulit hanggang sa nakaluhod na sya sa harap ko. Hindi ko matanggap na niloko ako ng bestfriend ko.
MIGS POV
"Mahal mo ako?" Lumabas ako sa pagkakatago at hinarap si Zia nang naguguluhan.
Sinundan ko si Nikki dito dahil gusto kong masiguradong okay sya. Pero hi di ko alam na ito pala ang maaabutan ko.
Kaya pala? Kaya pala ganun nalang ang concern nya sakin? Kaya pala ang sweet sweet nya sakin. Fvck! Bakit hindi ko man lang nakita yon?
"Migs please umalis ka muna, hayaan mo muna kami mag usap ni Zia please" sabi naman ni Nikki habang pinapahid ang luha sa kanyang mga mata.
"ANSWER ME ZIA! DO.YOU.LOVE.ME?!!" Hindi ko na napigilang sumigaw, ayaw kong nasasaktan ang babaeng mahal ko nang dahil sa akin.
"Oo! Masaya ka na nasagot ko na yung tanong mo? Masaya kana na nagmukha nanaman akong tanga? Ha? Masaya kana na for the Nth time nangyari nanaman yung laging nangyayari sakin? Masaya kana bang makita kung paano masira ang friendship namin?" Humahagulgol sya ngunit malinaw na malinaw ang mgasalita sa aking pandinig, mararamdaman mo ang sakit at lungkot sa bawat salitang binitawan nya. Ramdam mong sawa narin sya sa paulit ulit na nangyayari sa buhay nya.
"Please Zia, please forgive me I'm so sorry." Umiiyak parin si Nikki at nasasaktan akong nakikita syang nasasaktan dahil sa akin. Lalo na at magkakasira sila ng bestfriend nya dahil sa akin.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw nya pa ipaalam kay Zia ang relasyon namin, dahil natatakot syang dumating ang araw na 'to. Pero ngayon nandito na, at mukhang hindi nya napaghandaan.
Tinanggal ni Zia ang kamay ni Nikki sa kanya at tumakbo palabas ng school. Sinundan naman siya ni Nikki kaya sumunod narin ako sa kanilang dalawa.
"ZIA!! NOOO!" Huli na ang lahat dahil hindi na namin nahila si Zia mula sa gitna ng kalsada dahilan para mabangga sya ng humaharurot na van. Napaiyak narin ako, kaibigan ko din si Zia kaya't hindi ko matanggap ang nangyayari sa kanya.
Nilapitan namin sya ni Nikki at niyakap sya nito. Agad naman akong tumawag ng ambulansya upang madala agad sya sa ospital.
"Zia please hold on. Please I'm begging you. Please I'm so sorry please bestfriend" sunod sunod na sabi ni Nikki kay Zia habang si Zia naman ay kalahati na ng mata ang nakapikit. Umupo ako upang hawakan ang kamay nya katulad ng ginawa ni Nikki.
"I'm sorry bestfriend, but I think I'm meant to be alone. Sorry for slapping you. Sana maging masaya kayong dalawa." Kahit na hirap na hirap ay nasabi nya parin ang mga katagang iyon, rumaragasa naman ang mga luha ko, nag aagaw buhay na sya pero kami parin ang iniintindi nya.
"No Zia, listen to me. Wag ka magsalita ng ganyan. Dadalhin ka namin sa ospital please kumapit ka lang." Pilit kong pinapatatag ang loob ko para sa akin sila humugot ng lakas ng loob.
"No Migs it's okay. Tanggap ko na. Alagaan mo yung bestfriend ko ah? Mahal na mahal kita pero mas mahal ko sya. Please m-mumultuhin k-kita k-kapag p-p-pinabayaan mo s-sya please be happy the both of you. I love you." By that Pinikit nya na ang mga mata nya.
"No Ziaa! Please!" Hinila ko naman patayo si Nikki dahil kukunin na si Zia ng ambulansya. Ma rerevive pa sya! Naniniwala ako doon. Sinakay na sya sa ambulansya at dinala sa ospital.
Nasa ER na sya at nirerevive ng doctor nang may marinig kaming natinis na tunog.
Sht! Flat line! No Zia lumaban ka please!
"Time of death, 5:30 PM"
Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo kasabay ng hagulgol ni Nikki ay niyakap ko sya at tahimik din na umiyak sa balikat nya.
*END*