"Ano ba naman yan Jill? Pwede ba kahit ngayon lang wag kang kj?!" My bestfriend hissed.
"Ang aga kaya? Hello, 4:30 am yun! I can't.." pagpupumilit ko sakanya.
She was asking--- more like pushing me to that damn funrun of our school. Okay lang naman saakin at first but then sobrang aga uumpisa ang funrun and I know I can't make it.
"You know i'm not a morning person Vyel tsaka medyo malayo ang school natin sa bahay namin you know that" sabi ko pa.
"If there's a will there's a way! Jill, i can pick you up sa house niyo. Just please, sumama ka parang awa mo naman!" And now she's begging. Hays how can I say no to ny bestest best friend?
I sighed. Hindi pa man ako nakasalita ay niyakap niya na agad ako. Yep, alam na niya kung ano ang ibig sabihin nun."Yey thanks girl! Finally, sa dinami dami ng pawis na na- secrete ko ay pumayag ka na rin!" Masayang sabi niya.
"But you promised me, you'll pick me up sa bahay" i reminded her.
She rolled her eyes on me "Of course naman, basta sasama ka lang. I can be you alarm clock too, i'll call you para magising ka tsaka eto na yung chance oh! Malay mo mapapansin ka na ni Darren diba" she said.
I faked a smile "Asa! Sa dinami dami ba naman ng sasali sa funrun AKO? mapapansin niya? Impossible" natatawa kong sabi.
"Bessy, if there's a will----"
I stopped her by covering her mouth with my hands "Pwede ba? Tigil tigilan mo yang paguulit ng favorite quote mo. Nakakarindi ka na" reklamo ko.
"Eh sa hindi ka marunong lumandi kahit slight lang, jusko! Hindi uunlad ang love life mo pag ganyan ka bessy!" Sabi niya saakin.
I rolled my eyes. Okay fine she won again. Pagkatapos ng klase namin ay kaagad akong umuwi. To think na hindi pa sumisikat ang araw ay kailangan ko nang umalis ng bahay? God! I hate it. I need a lot of sleep para bukas may gana naman akong bumangon ng sobrang aga.
The next day came. I woke up around 3am. Good thing tumawag si Vyel at nagising ako. I immediately went straight to the cr and took a bath pagkatapos ay nagbihis na ako ng white t shirt and then work out shorts tsaka rubber shoes. Inihanda ko na rin yung extra clothes ko para mamaya pagkatapos ng funrun. I stayed at our living room while eating my breakfast. Gosh! Ang creepy pala kapag ganito ka kaaga nagising, sobrang dilim sa labas then sobrang tahimik pa.
Maya maya pa ay may narinig ako na beep sa labas ng bahay. Finally nandito na si Vyel. I went to our kitchen para ilagay ang pinagkainan ko. And I hurrily grab my bag tsaka lumabas ng bahay. I immediately saw Vyels face.
"Goodmorning to you too" sabi niya saakin ng makapasok ako sa sasakyan.
She gave me a neck pillow. Napangiti naman ako. She knows me well.
"Thanks girl!" Nakangiti kong sabi tsaka agad na kinuha ang neck pillow mula sa kanya.
Nagising nalang ako nang narinig ko ang boses ni Vyel na ginigising ako. Nandito na pala kami sa school. I feel way better dahil naka idlip ako kahit saglit lang.
Medyo marami na rin yung mga tao. Agad kaming nagtungo sa registration to put our names on and para makuha namin yung wrist band kung saan nakalagay yung number. Kapag hindi mo nawala yung band may makukuha kang price after the run.
"Tara na dun sa starting line Jill, magsisimula na yata" aya saakin ni Vyel. I nodded in return.
"OMG! Jill, si Darren! Si Darren mo " she giggled. Agad namang bumilis yung heartbeat ko by just hearing his name.
