The Bodyguard of The Princess
"Maaari ka bang maging guardia ng aming anak?"
Nagulat ako sa sinabi ng reyna. "H-ha p-pero diba may guardia na akong i--" Di na natapos ng hari ang kanyang sinasabi nang magsalita ang reyna. "Kahit na. Siya ang nagligtas sa ating anak." Napansin kong dahan dahan na lumalapit sa akin si Dorothy.
"P-Pero---" Di nanaman natapos ng hari ang kanyang sasabihin nang pinatahimik siya ng reyna.
"Walang pero pero." Napatango na lang ang hari. "Sige na nga...."
Tumingin sa akin ang hari."Ipakita mo sa akin bukas ang iyong abilidad, bata." Tumalikod na ang hari. "Ashley!" Sumigaw ang reyna. May babaeng lumapit sa amin. Maputi siya at matangkad pero mas matangkad ako.
"I-ikot mo nga ang bago---" Di natapos ng reyna ang sasabihin niya. Bumukas ang pinto at may tatlong lalaki na tumatakbo papalapit sa amin at may mga sundalong sumusunod sa kanila. Kala ko kung sino...sina Brent lang pala.
"Althea!" Niyakap ako ni Michael. "S-Sino ang mga yan!?" Sigaw ng hari. "A-Ah mga kaibigan ko p-po." Tugon ko. "Ah...ganun ba? Sigurado ka bang hindi sila rebelde?" Tanong ng hari.
Naglakad si Brent papalapit sa hari at nagbow. "Hindi po kami masasamang tao. Kaibigan po kami ni Althea na siyang nagligtas sa iyong kaisa-isang anak." Napahimas-himas ang hari sa kanyang balbas. "Ganun ba? Sige lumabas na muna kayo General." Tumango ang sundalo na may balbas at inutusan ang kanyang mga tauhan na lumabas.
"Hmm...alam mo Jasper." Lumapit ang reyna sa hari. "Pwede natin sila hikayatin maging sundalo. Tutal...kakaunti ang sundalo natin at kailangan natin magdagdag." Ngumiti ang hari at tumango. "Hmm...mukhang maganda ang naisip mo Rio."
Nakita kong ngumiti ang prinsesa.
"Very well....Bukas may pagsasanay at pagsusulit kayo. Kapag nakapasa kayo, isa na kayong ganap na sundalo." Napatango ang tatlong binata. "S-Sige po." Sabi nilang tatlo.Tumango ang hari at naglakad palayo. "Ashley. Dalhin mo na sila sa kwarto nila at ang uhmm...yung babae naman ay sa kwarto na katabi ng kwarto ni Dorothy." Nakangiting sabi ng reyna. "Sige...tara na." Sinenyasan niya kami para sumunod.
"Ma.. maaari ba akong sumama sa kanila?." Narinig kong tanong ni Dorothy. "Mamaya na lang. Please tell me what happend and how did you escape." Sabi naman ng reyna.
"Dito na kayo." Nasa kwarto kami ngayon ng mga sundalo. "Dito ang magiging kwarto nyo kapag nakapasa kayo." Sabi ng babae. "O-Opo, madam." Sabi ni Brent. "Wag nyo na akong tawaging madam. Mukhang magkaidad naman tayo. Diba?"
Nakangiting sabi ng babae."Oh..sige na magpahinga na kayo at si Althea naman ay ihahatid ko sa kanyang kwarto."
Sinarado na niya ang pinto at tumingin sa akin. "Tara na?" Tumango ako.Naglalakad na kami sa mahabang pasilyo. "Uhm...A-A--" Tumingin siya sa akin at ngumiti. "It's Ashley." Napalunok ako bago magsalita. "Uhmm....binibining Ashley? Malapit na ba ang kw-kwarto. P-parang nalibot na ata natin ang buong palasyo." Natawa siya. "Nakakatawa ka. Oo, Malapit na tayo." Biglang gumaan ang kalooban ko nang sabihin niyang malapit na kami. Gusto ko nang magpahinga.
"Nandito na tayo." Nasa tapat kami ng isang pinto na katamtaman lang ang laki habang ang katabi naman nito ay sobrang laki. "Umm....b-binibining Ashley? Kaninong kwarto ang katabi ng kwarto na tutuluyan ko?" Ngumiti siya sa binuksan ang pintuan ng kwarto ko. "Ah yun ba. Yan ay sa prinsesa. Katabi mo ang kwarto niya. Kung sakaling magkagulo makaka responde ka ng mabilis at....wag mo na akong tawaging binibini, kahit Ashley na lang."
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya."Ito yung kwarto ng mga guardia ng prinsepe at prinsesa." Pinagmasdan ko ang buong paligid. May isa siyang kama at kalapit nun ay isang lamesa. May malaking aparador din at katabi nito ay isang pinto. Sa tingin ko paalikuran iyon. Ang huli...ay isang pinto na pinagitnaan ng dalawang bintana.
Naglakad ako papunta sa pinto. Binuksan ko ang pinto, balkonahe lang pala."Uhm...Althea?" Lumingon ako sa likod ko. "Hmm.." Sagot ko. "Parito ka." Sabi ng dalaga. Lumapit ako sa kanya. "Nandito nga pala ang iyong susuotin na damit." Binuksan niya ang malaking aparador. "Bukas ay lunes kaya ito ang susuotin mo." Inabot niya ito sa akin.
"Lunes hanggang Miyerkules iyan. Tapos ang asul naman ay tuwing huwebes hanggang sabado. Kapag linggo kahit ano na ang suotin mo sa dalwa." Nakangiting sabi ni Ashley."S-Sige...s-salamat." Tinapik niya ang balikat ko at naglakad papunta sa pinto. Bago niya buksan ang pintuan. Tumingin muna siya sa akin.
"Oo nga pala. Alam mo na kung saan yung kusina?" Tanong nito. "O-opo" Ngumiti siya at sinarado na ang pinto.Ibinalik ko na ang damit sa aparador at nahiga sa kama. Lumipas ang ilang minuto, nakatulog ako.
***
"Althea....B-Bakit? Bakit mo ako iniwan?" May babaeng nakatayo, umiiyak. Nagtatanong kung bakit ko ba siya iniwan. "Althea!" Biglang naglaho ang lahat.
"Gwaahh!" Ang lakas ng tibok ng puso ko. "P-Panaginip lang p-pala." Oo..panaginip lang pero bakit parang....parang..nangyari na ito. Parang...may kinalaman ito sa akin. Bakit iba ang nararamdan ko?
"Pff...ano ba itong pinag-iisip ko? Gutom lang ito. Hindi ako nakakain ng umagahan at tanghalian. Makabawi nga."
Kinalimutan ko na lang ang aking napanaginipan at lumabas ng kwarto para kumain.Nakarating na ako sa kusina. Malaki ang kusina nila at kadalasan ang kumakain doon ay mga sundalo at mga kasambahay.
"Oh..Althea. Bakit wala ka kanina?" Tanong ni Brent. "Nakatulog ako eh." Nakangiti kong sabi. "Halika na. Umupo ka na't kumain. Mukhang hindi ka kasi nakakain ng almusal." Inabutan na ako ng pagkain ni Michael. "Bukas...kapag naging sundalo na tayo. Kukuhain natin ang ating mga damit." Seryosong tugon ni Brent. Tumango naman kami.
Nang malasahan ko ang pagkain. Napakasarap, parang nakalimutan ko na lahat ang problema ko. "S-Sinong nagluto nito?" Tanong ko sa kanila. "Hmm..iyon ata." Tinuro ni Jan ang isang babaeng may blue violet na mata. "Ah...ganun ba. Kilala mo?" Tanong ko sa kanya.
"Syempre hindi. Bago pa lang tayo dito." Bigla na lang kaming natawa ng walang dahilan.
Tapos na kami kumain at oras na ng pagtulog. Madilim na rin ang mga pasilyo. May ilaw naman mula sa buwan. Kaya may kaunting liwanag.
Narating ko na ang kwarto ko. "Hay..salamat..nakarating na din." Pumasok na ako sa loob.
Pumunta ako sa balkonahe para pagmasdan ang mga bituin."Napakaganda." Narinig kong sabi ng isang dalaga. Lumingon ako kung saan nanggaling ang nagsalita. Nakita ko si Dorothy. Nakatayo siya habang nakatingin sa langit.
"Princess?" Tumingin siya sa akin. "Althea? Diyan pala ang kwarto mo?" Ngumiti ako at tumango. "Sige, kailangan ko ng matulog. Baka masira ang kagandahan ko." Nakangiti niyang sabi at pumasok sa loob ng kanyang kwarto.
"Aba...sinunod niya pala ang payo ko." Lalong lumawak ang aking ngiti. "T-Teka lang!? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?"
Bulong ko sa sarili. "Pff....bayai na nga!" Napakamot na lang ako sa ulo at bumalik sa loob sabay talon sa kama.
BINABASA MO ANG
The Princess and The Soldier
Historická literatura《BOOK 1 OF TPATS》 Balik tayo sa 1912 sa bansang Apollious. Meet Althea Leñor and Dorothy Jane. Dalawang magkaibigan na pinaghiwalay ng tadhana pero muli silang nagkita matapos ang pitong taon. Habang tumatagal....nahuhulog ang loob nila sa isa't i...