•Narrative•
Ten ten ten ten ten ten ten ten tenenen tenenen, tenenenenen🎶Okay, hindi ito kanta para sa kasal.
Ito ay... Graduation March! Este, Moving Up March.
Napakasarap sa feeling na nagp-practice na kami ngayon para sa Moving Up Ceremony. Ibig sabihin, nakaraos na kami ng mga batchmates ko ng apat na taon ng Junior High School.
Kaso may Senior High School pa—at syempre College. Matagal-tagal pa bago maabot ang pangarap na trabaho.
Anyway, nandito kami ngayon sa School Quadrangle namin at init na init, gutom na gutom, at inip na inip na dahil 4 hours na kaming nandito. Sobrang dami kasi naming Grade 10 students na kailangang tawagin isa-isa sa stage at syempre bukod pa dito ang pag-a-award sa mga honor students.
Kanina pa ako nakabusangot ang mukha dahil unti-unti nang nagiging boring ang practice—plus the fact na wala man lang akong makausap dahil malayo si Larrent sa'kin dahil pinaghiwalay ang boys and girls.
After an hour, recession part na sa wakas! Uwian na rin namin, yey! Patakbo na akong lumapit kay Larrent at umabrisete.
"Kain na tayo. Uwi na tayo. " sabi ko na agad naman niyang sinang-ayunan.
Pagkalabas ng school ay bumili muna kami ng streetfoods at kung ano pang tinda sa gilid ng kalsada. Nagulat nga ako dahil kahit hindi ko hinihingi, nilibre ako ni Larrent ng potato chips, chicken pops at cheese roll.
Nagpaalam muna si Larrent sa'kin na bibili lang muna ng barbecue sa isa pang tindahan. Habang kumakain ako sa tapat ng aming pinagbilhan, nakita kong bumibili din pala sina Tenecius. At dahil katabi ko lang naman siya, binati ko ito. "Hi Kuya Ten! Congrats sa'tin. Libre naman diyan oh. Kahit Choco Sago lang. "
Syempre, pabiro lang ulit 'yon. Lagi namang joke lang kapag sinasabi kong palibre. Gusto ko lang naman kasi na mayroon kaming pag-usapan. Napakatahimik naman kasi ng taong 'yon.
Nagulat ako ng tinotoo na naman niya ang biro ko. Inabot niya sa'kin ang Choco Sago na worth 10 pesos. "Ito na oh. "
Kinuha ko ito at nginitian siya. "Salamat Tenecius! "
Yes! May panulak na sa pambara na binili sa'kin ni Larrent. Hehe.
Paglipas ng ilang minuto, nasa tabi ko na ulit si Larrent.
"Kiyarah. " tawag niya sa'kin habang busy ako sa pagkain.
"Hmm? "
"May... sasabihin ako sa'yo. "
I don't want to hear those kind of words. Nakakakaba kaya!
"Halaaaa. Ayoko pa naman nakakarinig ng ganyang salita, feeling ko may mangyayaring masama. " sagot ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng ayos sa mata. "Kasi... "
Ano kaya ang sasabihin ni Larrent?
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
JugendliteraturPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...