[A/N: Pinangungunahan ko na po kayo , ito ay hindi gawa ng amateur writer , kundi isang hamak na FRUSTRATED Writer lang :)) Napulot ko lang to sa baul :)) gawa ko nung 3rd yr. HS ako :)) SHARE !! :)) ]
Mahirap hanapin ang tunay kaibigan
Lalo't hindi tapat ang samahan
Kailangan may mabuting samahan
Busilak ang puso,may kadakilaan .
Hindi sagabal ang kahirapan
Upang humanap ng mabuting kaibigan
Sa sandali ng ating pangangailangan
Doon mo masusubukan ang kaibigan .
Sa ano mang pagsubok , kaibigan ay karamay
Anumang problema handang dumamay
Masasandigan mo sa lahat ng oras
Magiging payapa ang iyong bukas .
Ang Kaibigan kung tapat makisama
Handang ibigay alinmang kaya niya
Basta't ikabubuti ng bawat isa
Umasa kang kang dakila ang puso niya .
[A/N : BOOM !! Ayun !! Libreng-libre po ang criticism :)) pasensya ,parang andaming mali >.< Hope you'll comment and vote :) ]