Mahal Ko Si... Secret! (Season 2 of CKSS)
Written by: Sofie Terry Red
Eunice's POV
"Uy Eunice tahan na." Pag-aalo sa akin nila Hestia, Hera at Athena habang hinahagod ang likod ko.
"A--ayaw *sob* tumigil sa pagpatak ng luha ko e." Sagot ko bago ako humagulhol na may kasama pang malakas na pagsinga sa palda ko.
I'm sure mukhang ewan na talaga ang itsura ko ngayon kasi magang-maga na ang mata ko sa kakaiyak tapos puro sipon na ang palda at mukha ko. Kung bakit ba naman kasi hindi ako nakapagdala ng panyo ngayon?
"Eunice ito ang panyo ko hiramin mo muna." Alok sa akin ni Hera habang inaabutan ako ng panyo.
Grabe kanina pa akong singa ng singa sa palda ko tapos ngayon lang ako naalalang abutan ng panyo?
"Salamat." Sabi ko na lang bago ulit ako malakas na suminga sa panyong inabot niya.
Mukhang naparami ata ang isininga ko kaya basang-basa na ang panyo ni Hera.
"O, Hera iyo na ulit." Tapos binalik ko na sa kanya yung panyong pinahiram niya.
"Ha? Naku Eunice alam mo namang friend tayo di ba? Kaya sige iyo na lang iyan." Pilit ang ngiting sabi niya habang ibinabalik sa akin yung panyo.
"Talaga? *sob* Sala---- Hachoo!!!" Malakas kong bahing.
Aish! Promise ayaw ko na hindi ko na kaya. Sobrang sakit na nang ulo ko dahil sa kakaiyak at sipon ko. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako umiiyak ngayon samantalang noong isang linggo lang e sobrang saya ko kasi nalaman ko na ang ultimate crush kong si Ace pala ang matagal ko nang secret admirer tapos niyaya pa niya akong makipag date. Kung inaakala ninyong masaya ang naging pagde-date namin well hell no!
Alam ninyo bang halos isang linggo ko ring pinaghandaan ang date na iyon? Napilitan pa akong gumastos sa Salon at bumili ng magandang damit sa mall tapos malalaman ko lang na isang charity work pala ang sadya ko doon. Napag alamanan ko lang naman na may isang charity foundation palang sinusoportahan si Ace na kung saan may layuning tulungan ang mga batang lansangan at kaya niya ako inimbitahang pumunta sa Otaku Espresso which is a coffee shop that commonly known for a couple ay para tulungan siyang ipasyal sa mall ang mga batang paslit na iyon. Kainis! Bakit ba naman kasi puro cosplayer pa ang waitress sa coffee shop na iyon? Nag-assume pa naman ako na kaya niya ako niyaya doon kasi gusto niya kaming maging couple pero yun pala request iyon nung mga batang tinutulungan niya kasi nga siyempre mga mukhang anime ang taga-serve doon kaya naman talagang enjoy na enjoy sila habang nagluluksa ang puso ko.
"E kasi naman Eunice masyado ka agad nag-assume saka mag-i-stalk ka na lang din bakit hindi mo pa nilubos-lubos? Bakit hindi mo man lang nalamang may sinusoprtahan palang foundation iyang si Ace?" Pataray na tanong sa akin ni Hera.
Agad ko siyang tinignan ng masama bago ako bumalik sa paghagulhol at pagsinga. Sige sisihin pa ako. Grabe lang ha ako yung kaibigan nila dito pero pakiramdam ko imbes na makiramay ay mas ginagatungan pa nila ang sama ng loob ko.
"Hera was right Eunice. Masyado ka lang ata talaga naging assuming kaya dapat sa susunod na yayayain ka ni Ace lumabas itanong mo muna kung bakit at para saan para hindi ka nadi-disapoint." Dagdag naman ni Hestia habang inaabutan ako ng isang kahon ng tissue.
May tissue naman pala sa bag itong si Hestia pero hinayaan muna niyang mapuno ng sipon ang palda ko bago ako naisipang bigyan. Tsk... Tsk... Tsk... Magkaroon ka nga ba naman ng mga ganitong kaibigan.
"*sniff* Pwede ba wag ninyo na nga akong sisihin saka hindi ko naman kasalanan kung nag-assume ako at kung may dapat mang sisihin dito ikaw iyon Athena!" Halos galit na sabi ko habang nakaturo kay Athena.
BINABASA MO ANG
Mahal Ko Si... SECRET! (Season 2 of CKSS)
ChickLitThat feeling when your crush ask you out for a date but still BASTED ka pa rin! Nakakainis masyado siyang paasa! Tapos idagdag ninyo pa yung bwiset na Secret Padilla na iyon!!!