His Last Breath

59 3 0
                                    

HIS LAST BREATH

Copyright ©2014 by nimin1622

~~~~~

Diko alam kong matatawag ba ko bang swerte ang pagkasilang ko sa mundong ibabaw.


Swerte daw na nabigyan ka ng buhay at nakita ang liwanag.Swerte ka raw kung nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw.At swerte daw kapag nagkaroon ka ng bahay na masisilungan.

Pero masasabi mo pa bang swerteng naranasan mo o nagkaroon ka ng mga yan kung ang kapalit naman nito ay ang pagtira mo sa impyerno at ang mismong ama mo pa ang demonyo.

Araw araw kong nararanasan ang hagupit ng impyerno sa piling ng aking ama.


Sa murang edad natuto akong gumawa ng gawaing bahay dahil sa kanya.Ulila na ako sa ina at sya nalang ang natitira sakin.

Lagi akong gumising ng alas tres para mag igib ng tubig sa poso sa aming kapitbahay para may pampaligo ang aking ama at para narin may magamit sa loob ng bahay.Pagkatapos ay magluluto ng agahan at ng kanyang pangkape.Kung diko gagawin iyan ay dalawang magkakambal na suntok o kaya ay ang hagupit ng kanyang sinturon ang aking mararanasan.

Kinakailangan ko ring pakainin ang kanyang alagang mga hayop lalo na ang mga alaga nyang tandang na ginagamit nyang panabong.


Naglilinis din ako ng bahay bago ako pumasok sa iskwela dahil walang ibang gagawa nito kundi ako.Sa madaling salita ay ako ang nakatoka sa lahat ng gawaing bahay at sa gawain ng aking ama.

Pinalaki nya akong ganito.Isang musmos na lumaki sa sinturon at suntok ng aking ama.Gusto kong gumanti sa kanya sa lahat ng pagmamaltrato nya sakin pero dimo magawa dahil mas nananaig sakin ang pagmamahal sa kanya.


Nabubuhay kami sa suportang ipinapadala ang mga tita ko galing abroad.Sila ang nagpapa aral sakin ng elementarya.Pero diko manlang mahawakan ang perang ibinibigay nila dahil kinukuha yun ng aking ama.Sa loob ng limang taon ko sa elementary dipa ako nakaranas makahawak ng allowance dahil sa tatay ko.


Inaamin kong naiinggit ako sa mga kaklase kong may baon kapag recess.Sila kumakain habang ako nandoon lang sa upoan ko at nagtyatyaga sa tubig kong baon.Nagtitiis habang kumukulo ang tyan sa gutom.

Siguro kaya nagkakaganito ang aking ama ay dahil namatay ang aking ina sa pagsagip sa akin sa rumaragasang truck nung bata ako at dahil hindi ang isang tulad ko ang pinangarap nyang maging anak.Isang 10 years old na hindi matalino.Isang anak na walang inuuwing karangalan.Isang anak na di man lang nakaabot sa katalinuhan ng mga tita ko.


Sabi nga ng tatay ko noon ano pa bng silbi kong nag aaral kung isa lamang akong pambala ng kanyon.


Masakit sa pandinig lalo na kapag ama  mo mismo ang nagbitiw ng mga salitang yan pero wala e.Tinatanggap ko nalang lahat.Lahat ng masasakit na salitang di nakakain ng aso.


Minsan mas gugustohin kong tumira nalang sa school dahil dito alam kong maraming nagmamahal sakin.May mga kaibigan,kaklase at mga gurong nagpaparamdam sakin kung gaano ka swerte.At mahal ako...Pero sa isang banda.Sinusunod ko parin ang sinasabi ng puso ko na umuwi kung nasaan ang aking ama.

Dahil habang umuuwi ako umaasa akong pag uwi ko sasalubongin ako ng aking ama.Tatanungin kung kumusta ako sa buong araw na pag aaral sa loob ng silid aralan.Kung nagutom ba ako kakalakad ng tatlongpong minuto mula paaralan.Kung ok lang ba ako.Yung nanjan nag aabang sa pag uwi ko.Ilalahad ang lamay habang nakangiti upang magmano ako. At sasabay saking kumain sa hapag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon