Hiling (Wala na) [One Shot]

101 3 2
                                    

 

 

 

Walong taon...

 

Walong taon na akong naghihintay sa tawag niya, walang sulat, walang text man lang, ewan ko kung may Facebook siya, at kung meron bakit hindi niya ako inaadd, nawala siya sa akin isang gabing tulog na ang lahat, tanging kuliglig lang ang nakasaksi nang paglisan niya, mahal ko pa rin siya, hindi ko iyon maitatangi, masyadong masakit ang paglisan niya...

"Bakit kailangan mong umalis? Hindi mo na ba ako mahal? tanong ko sa kanya, bakas sa mukha niya ang sakit, galit at pait, mula sa mga ginawa ko sa kanya, hindi ko alam kung may nagawa ba ako, basta tinawagan niya ako at ito siya ngayon, nagpapaalam,

"Hindi naman sa ganun, Phynn, kailangan nating gawin toh, para sa mas mabuti nating kinabukasan," sabi niya, "May nagawa ba akong mali, Fayer?" tanong ko sa kanya, kanina pa gustong sumabog nang puso ko, galit, lito, lungkot, ano bang tong gagawin niya, hindi siya tumitingin sa akin, ayaw niya, hinawakan niya ang kamay ko,

"Phynn, tandaan mo, para sa mas nakakabuti toh," sabi niya, lumapit siya sa akin, at hinalikan ako, isang matagal at matamis na halik, agad siyang kumawala sa akin, at tumakbo siya palayo, gusto ko siya habulin pero parang nakadikit ang mga paa ko sa lupa, ayaw niya akong paalisin, hindi ako makatakbo kahit gusto kong tanungin ang mali ko...

Malapit na ang kaarawan niya, hmm.. May 15... kasunod nang kaarawan ko, May 14, imbes na magdiwang ako dahil nakapasa ako sa PNUCAT nung gabing yun, eh nawala lahat nang sigla sa katawan ko, hindi ko alam, hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung ano bang mali ang nagawa ko, kahit na may trabahi na ako, ganap na guro na ako sa elementarya eh siya at siya pa rin ang hinahanao ko..

Pumasok ako sa silid aralan nang aking klase, tumingin sa akin ang mga estudyante, mga nasa ikatlong baitang sila, at karamihan sa kanila, ay hindi pa rin bukas ang isipan kung bakit sila nandito sa paaralan, "Magandang Umaga, mga bata..." bati ko sa kanila, "Magandang Umaga po Teacher," bati nila na pahinto hinto sa bawat baybay,

"Ako si Sir Phynn, Phynn... Dayuman," sabi ko habang sinusulat ang aking buong pangalan sa pisara, naghagikgikan ang mga bata, alam ko naman kung bakit, katunog nang pangalan ko ang isang sikat na cartoon character, "Sir, bakit po kapangalan niyo si Finn?" tanong nang isang batang babae sa likuran ko, nilingon ko ito at labis na kinagulat...

Kamukha niya si Fayer, noong mga bata kami, yung mga mata niyang kaising itim nang kalingitan sa gabi, pati ang kulay nang buhok niyang kahalintulad sa puno, dark brown kumbaga, at ang malabanyaga niyang kutis, "Ah... Hindi ko alam eh, siguro kasi alam na nang mama ko kung sino si Finn," sabi ko sa bata,

"Si Mama din, gusto niya si Finn the Human, mahal na mahal daw niya si Finn the Human," sabi nung bata, nagulat ako sa sinabi nang bata, hindi ko alam pero lumakas ang aking kutob, ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang klase...

Recess nang mga bata... agad akong pumunta sa canteen upang tulungan ang ibang guro sa pagtitinda at pagayos sa mga bata, agad akong pumunta sa booth kung saan nagbebenta sila nang juice, hmm... manggo juice, paborito ni Fayer, may mga batang lumapit, binati ako at bumili nang maiinom, "Pabili po nang dalawang juice sir Phynn," sabi nang isang batang babae,

"Ikaw pala," sabi ko, yung kamukha ni Fayer, "Ito oh, ano bang pangalan mo?" tanong ko, "Fiona po," sabi nung bata, "Ah.. Fiona," sabi ko, ngumiti siya sa akin, bago umalis may binigay siya sa akin, "Ito po sir oh, crinkles," at tumakbo paalis, bakit lagi ko nalang naalala si Fayer ngayong araw, lagi nalang, pati ang paborito naming crinkles ay nadamay pa...

Bumalik ako sa faculty room, tutal eh vacant subject ko naman, ay nagcheck ako nang mga pangalan nang mga bata, dahil hindi naman ako nagattendance kanina, at pinasulat ko lang sa isang papel ang pangalan nila, irerecord ko muna ito, habang inaayos ko ito ayon sa alphabeto, nakit ko ang papel ni Fiona, "Fiona Fiery De Guzman," isinulat ko ito sa record book, 

Hiling (Wala na) [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon