For You

687 23 2
                                    

For You

 

Napangiti ako ng palihim habang pinagmamasdan ang lalaki na palapit sa'kin ngayon. Nakasuot siya ng uniform dahil bawal naman ang mag civilian sa school kung hindi naman ito kinakailangan.

"Oh my gosh friend! Papalapit na siya!" Sigaw ni Shiela sa'kin sabay hampas sa aking braso.

Napansin ko lang... Mas mukha yatang excited pa ang kaibigan ko kaysa sa'kin? Samantalang ako, normal lang. Pinipilit maging normal ang reaksyon. Samantalang siya... Gaaad! Mahihimatay na mamaya sa sobrang kilig.

Umiling ako at sinaway siya, "Shhh. Behave ka nga lang Shiela!"

Hindi ko alam kung ano ang mali sa sinabi ko dahil mas lalong lumapad ang ngiti sa mukha niya, "We better go bes. Goodluck!"

"Oo nga bes sunny. Bayieeee!" ani Laila.

Gusto ko sanang umapila sa kanila dahil ayaw kong maiwan dito na mag isa. So help me God! Hindi ko kaya na ako lang sa mga ganitong sitwasyon. Kailangan ko si Shiela at Laila rito. Pero mukha yatang hindi ito ang lucky day ko...

"Hi, Sunny?" Napakamot pa siya sa kanyang ulo. Grabe! He's so cute. Masyado siyang pinagpala!

"Hello there, Johann! Kamusta?" Buti na lang hindi ako nagstutter.

"Eto, cute parin. Ito para sayo nga pala..." Sabay abot niya sa akin ng isang bouquet ng flowers at kahon na may pulang laso.

Bigla tuloy akong napaisip. Anong mayroon? Bakit niya ako binigyan ng mga bagay na ito? E, hindi ko naman birthday!

"Uhm, para saan 'to Johann?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Nakita ko kung paano namula ang kanyang mga pisngi. Nagbablush ba talaga siya?!

"Just open the box, please?" aniya.

Sinunod ko ang kanyang sinabi. Napa-O ang bibig ko nang makita ang mga cupcakes sa loob ng box na ito. Bawat isa ay may letra at kapag binasa mo, makikita ang mga kataga na, "Can you be my girlfriend?"

Naghuramentado ang aking puso sa nabasa ko. I can't believe it! Si Johann may gusto sa akin? At... Gusto niya akong maging girlfriend? Gaaad! Is this real? Is this real?

"To-too ba ang lahat ng ito Johann?"

"Sympre naman Sunny! Matagal na tayong magkaibigan at matagal na kitang gusto. Kaya naman gusto ko nang tapusin iyon." aniya.

Gusto kong magtatatalon sa sobrang tuwa ngayon! Hindi kasi ako makapaniwala na magugustuhan pala ko ng tao na 'to.

"I want you to be my girlfriend, Sunny." Nakayuko niyang sabi. Nahihiya siya? Tss. Bakit naman kaya?

Walang alinlangan akong sumagot sa kanya, "Yes!"

For You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon