Chapter #13

1.4K 32 0
                                    

.
  Roxanne Pov.

Kinabukasan nagising ako ng maaga para mag ayos at magluto.. Diko na namalayan ng makatulog ako kahapon.. Dahil pagod na pagod ako.. Ni hindi ko na nga namalayan kung pano ako napunta dito sa kama..
Pero hindi ko nalang pinansin dahil alam kong si Diel ang nagbuhat sakin.. Nagtaka lang ako kung bakit hindi niya ako ginising samantalang pwedeng pwede niya naman gawin yon.. Hay! Ewan..

Paglabas ko sa banyo nakita kong biglang nawala sa kama si Diel.. baka nasa baba.! pero ang aga niya naman atang magising..
Anong nakain non..

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina..
"Ang aga mo ah!"
Sambit ko kay Diel ng madatnan kong may niluluto siya..
"Anong niluluto mo!?"
Tinignan ko kung ano ang niluluto niya..
"Pasta!?"

"Bakit! Anong masama sa pasta.!?"
Takang tanong niya..

"Wala!! Ang tagal ko na kasing gustong maperfect pasta recipe ni mama kaso di ko makuha e!! Di ko alam na marunong ka pala!?"
Nakangiting sambit ko..

Ngayon ko lang nalaman na marunong naman pala tong magluto.. Kaya pala masyadong mausisa sa pagkain..

"Pwede mo ba akong turuan niyan!?"
Nakangiti kong sambit sa kanya..

Pinatay niya ang kalan at tumingin sa akin..
"Kung tuturuan mo rin akong magluto ng iba mo recipe!?"
Seryoso niyang tugon sakin.
"Deal!?"
Nilahad niya ang palad niya at nilahad ko rin ang sa akin..

"Deal!!"
Sabi ko..
Kunain na kami.. At hindi ko sinasabing hindi masarap dahil yon talaga ang gusto kong tamang lasa ng pagkain.. Masarap ang pagkakatimpla niya..

.

Sabay na kaming pumunta sa eskwelahan at domiretso na ako agad sa classroom dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang first class subject namin..

"Aii! Girl! good morningggg!?"
Masayang bati ni Nannie.. At si May-Annie naman ay ngiti lang ang bati saakin..

"Good morning!."
Bati ko din..

"Kumusta pala ang gabi niyo ni Diel?"
Kinikilig na tanong ni May-Annie..

"Simula ng matulog ako hindi na ako nagising.. Kanina ko lang nga nalaman na nasa kama na pala ako e.!"
Paliwanag ko..
"Teka! Ano bang nagyari kagabi!?"
Tanong ko sa dalawa..

Parang may tinatago tong dalawang to ahh!! Sa kilos nila parang may dapat akong malaman..
Pag ako niluluko ng dalawang to.. Makakatikim to sakin..

"Wala!?"
Mabilis na sagot ni May-Annie..

Tinignan ko ng diretso ang mga mukha nila.. At tinitigan ng masama..

"Actually!! Ang sweet niyo lang naman kagabi habang nasa biyahe tayo!?"
Nakangiting sambit ni Nannie..

"Anong sweet!?"
Takang tanong ko..
Kailan naman kami naging sweet ni Diel.. Halos wala nga akong maalala na naging sweet ako sa kanya e..

"Alalahanin mi girl!? Hindi pwedeng hindi dahil saksi ang mga mata namin sa nangyari kagabi.!"
Ano ba yon! Wala akong maalala.. Ano bang pinagsasabi ng dalawang to sa akin!?

"Bakit! Niyakap ko ba siya kahapon!? Hinalikan ko ba siya!? Oh pinagsabihan ng mga katangian ng lalaki na gusto ko!? Ano!?"
Nag-aalalang tanong..
Nagiging ganon kasi ako kapag nagha-hallucinate ako..

Ganon kasi ako kapag subrang pagod at malapit ng bumagsak ang katawan ko.. Ewan ko ba sa sarili ko..
Wala naman akong maalala.. Dahil kahit ganon ako kahit papano ay may naalala ako..
Hayy! Nakakabasag ng ulo..

"Grabe! Ka naman! Walang ganon no! Yang pag-iisip mo girl. Umabot na sa kasukdulan!?"
Si Nannie na parang nang iinis.. E sa wala akong maalala e.. Hayy! Mababatukan ko na talaga to.. Mas lalo akong pinapa intense..

"Wala talaga akong maalala promise!?"
Roxanne! Alalahanin mo..

–"excuse me!?"
Narinig ko ang boses ng babaeng parang hinihingi ang atensyon ko.. Kaya agad ko itong nilingon..

In fairness ang ganda niya hu! At matangkad din.. Kaso puno ng kulay ang mukha!? Sino ba to!?
"Hmnn!"
Wala akong ganang sagutin siya..

"I'm Jessica Hunt! I wanna know kung san ang room ni Diel Del Valle.. I know you know her right!?"
Tanong ng English-erang babae na diko alam kong saan galing ng mundo galing..

Bakit niya hinahanap ang asawa ko!?
"Yes! Of course! Anong kailangan mo sa kanya!?"
Tanong ko din.. Curious lang ako no!!

"I want to know kung san ang classroom niya yun lang!? Hindi ko kailangan sagutin ang mga tanong mo!? Answer me nalang!"
Grabe! Tinatanong ko lang.. Kamauhin ko kaya ang babaeng to!?

"Abaaa!?"
Tumayo ako para sugurin siya.. Pero buti nalang ay napigilang ako agad ni May-Annie..

Ang babaeng to.. Wala pa bang alam to sa mundo.! Dahil kung hanapin niya si Diel parang hindi niya alam na may asawa nayong tao..
Pinagsabihan pa talaga ako ng masama ah!! Aba! Kung ganito rin lang ang maghapong kaharap ko ay siguradong hindi na masisikatan ng araw..

"Hoy! Sino kaba! Bakit mo hinahanap si Mr. Ultimate Diel hu!?"
Curious na tanong ni May-Annie na nasa likod ko lang. At pinipigil akong sumugod.

"I'm his girlfriend!!"
Mataray na sagot niya..

Nagkatinginan naman kaming tatlo ng marinig namin yon..
Parang may parte ng utak ko ang sumabog at ang puso ko naman ay naging bato at nabiyak..
Hindi ko agad naigalaw ang mga parte ng katawan ko.. Anong gagawin ko..

Mr. Maniac Fall In Love With Ms. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon