Kabanata 8. Miya's Counter Attack!

113 13 8
                                    

Sabado ngayon at wala kaming pasok pero may remedial class kami. Nagising ako ng maaga. 6:00 na ng umaga kaya tinulungan ko na lang si mamang maghanda ng almusal. Nagluto ako scrambled egg tapos nagfry ng hotdog. Si mama naman ang bahala sa fried rice. Simple lang kaming kumain. Hindi naman kasi kami mayaman pero hindi rin naman mahirap, nasa average ganun. 

"Ma, may aasikasuhin po akong remedial class tuwing Sabado. Project po kasi namin yun sa Student Council. Remedial class para ma-improve yung performance ng mga kapwa ko -estudyante."

"Ganun ba? Sige, ipagpatuloy mo anak," payo ni mama.

"Opo. Yan ang gusto ko sa inyo ma, supportive. Pero nakakainis lang kasi yung iba kong tinuturuan, masyadong pasaway. Sila na nga yung tinutulungan, sila pa ang umaayaw. Ba't ganun ma?" sabi ko kay mama habang ipiniprito ko yung hotdog.

"Naku anak. Iyang mga ganyan, may problema lang siguro. Di ba? Ganyan na ganyan yung mga nasa teleserye. Una, nagre-rebelde pero pag nahanap na nila yung atensyon na kailangan nila saka tumitino. Kaya anak dapat pakisamahan mo ng mabuti ang mga taong ganyan kasi kapag dumaragdag ka pa sa problema lalo ka nilang kaiinisan."

"Wow ma. Ang lalim naman po. Pa'no kasi--"

"Wala ng pa'no, pa'no. Iluto mo na nga lang 'yan."

"Haha. Sige po."

Naluto ko na yung scrambled egg at hotdog. Naluto na rin ni mama yung fried rice niya na sobrang sarap. Gising na si Mark at pati si Papa at nag-almusal na kami.

Matapos ng almusal, dumiretso ako sa kwarto para ihanda ang mga kailangan ko sa remedial. Naghanda ako ng mga problems na pwede pa naming sagutin. Nagbasa ako ng mga easy techniques para mas madali nilang maintindihan tapos nagpaphoto copy ako ng activity paper para sa ipapasagot ko sa kanila mamaya.

Maaga akong pumunta sa skul. Mga 8:30 nandun na ako. Tumambay ako sa student council office tapos nagbasa-basa na rin hanggang sa mag- 9:00 na.

Nakatuon ang aking mga mata sa librong binabasa ko. Maya-maya, may nakatayong lalaki sa harap ng mesa kung saan ako nagbabasa. Dahan-dahan kong ini-angat ang aking ulo at tinignan ang mukha niya.

"Gah! Bill. Ikaw pala iyan. Grabe, ginulat mo ako. Kumatok ka naman kasi," sabi ko pagkakita ko sa kanya.

"Pasensya na. May gusto lang akong sabihin sa'yo"

"Ano yun?"

"Kasi. Ano kasi.."pautal-utal niyang sagot.

"Ano?!"

"Si Price yung nagsulat sa mukha mo," bigla niyang sagot. " Kahapon kasi nung nasa library ako para matulog din, hehe, nakita ko siyang sinusulatan yang mukha mo. Buti na lang hindi niya ako nakita. Napicturan ko pa nga e. Pero huwag mong sabihin na galing sa akin. Pleeeeaaaaase."

"Isend mo nga sa phone ko. Wag mong mabangit-bangit 'to sa iba. Ako ng bahala."

"Sige Pres. Basta ba palagi mo kaming tuturuan," sagot niya. Pinasa na niya yung picture sa cellphone ko. 

"Oo naman. Basta maki-cooperate kayo. Salamat ha. Basta tahimik ka lang."

"Sige Pres. Alis na ako. Kita-kita na lang mamaya." saka siya umalis.

Tinignan ko yung picture. Ay, huling-huli sa akto with matching smiles pa. Tsk. Ipakita ko kaya 'to kay Sir Principal. Ano kayang mangyayari? May kasalanan din ako dito e. Bakit kasi ako natutulog sa library, pero bakit kasi niya kailangang sulatan 'tong mukha ko. Alam ko na hindi naman to masyadong mabigat pero kung ipapakita ko 'to kay Principal, isa pa rin itong violation sa rules ng school.  Pero naalala ko yung sabi ni mama na may problema lang sila tapos iyon nga kailangan kong pakisamahan ng mabuti. At saka mas lalo pa niya akong pag-iinitan at hindi ko na magagawa yung goal kong maturuan sila. 

Ahah! Alam ko na!

******

Malapit ng mag-9:30. Nagtext na sina Shin na nasa klasrum na raw sila. Kinuha ko na yung mga gamit ko at pumunta na.

Pumunta ako sa klasrum namin. Tinignan ko kung meron yung grupo ni Price pero wala pa. Ang nandun lang ay yung limang mababait kong estudyante. Nilagay ko muna yung gamit ko sa loob at hinanap sila. Naglibot ako at nakita sila sa stage ng skul. Nandun sila nagpra-praktis. Lumapit ako sa kanila, pinatay yung radyo at napatigil sila.

"Ano naman ang kailangan mo?" sigaw ni Ramon.

"Price, pruweba ba ang hinahanap mo?!" sigaw ko. "Pwes, may nakakita sa'yo at eto o may picture pa." saka ko pinakita yung picture.

[Point of View ni Price]

Sh*t. Patay ako neto. Ano ba 'yan!

"Patingin nga! Baka gawa-gawa mo lang 'yan," sabi naman ni Ramon. Kinuha ni Ramon yung cellphone at tinignan yung picture. Nanahimik na lang siya.

"E ano ngayon?" sabi ko.

"Ipapakita ko lang naman 'yan sa principal," sagot ni Presidenteng ang laki ng eye bags. Ang laki ng eye-bags niya.

Napakayabang talaga ng babaeng 'to. Purket presidente siya. Pero pa'no na 'to baka ipatanggal ni principal 'tong dance group namin sa eskwelahan? Ah. Kainis. Ang dami ko pa man ding violations na nagawa baka paalisin na ako sa skul na 'to. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at nagtinginan kami. Wala akong masabi.

"Ano bang gusto mong mangyari?!," tanong ko.

"Ganito lang 'yan. Hindi ko ipapakita ang picture basta tuwing remedial class susundin niyo ang mga ipapagawa ko sa inyo. Ano payag ka? Kayo?!," panghahamon niya.

"Yan lang ba?! Ang dali!," biglang sagot ni Ramon. Tumingin kami agad kay Ramon at gulat na gulat.

"Edi sige. 9:30 na! Diretso na sa klasrum," sagot ni Presidenteng eye-bagin. Napangiti siya at saka umalis na.

Naiwan kaming gulat na gulat at lalong lalo na ako. Nakakainis kaya yung babaeng 'yun. Sh*t lang!!

"Pre, bakit  ginawa mo yun?" agad kong tanong kay Ramon.

"Pare, nanganganib na yung grupo natin. Saka baka mapa-alis ka na dito. At saka nakalimutan niyo na ba, kailangan nating matalo ang grupo nila James," sagot niya habang kaming lahat ay nakaharap sa kanya.

Maya-maya...

"Oo nga! Yang James na 'yan, ang yabang," pagsuporta ni Benjie.

Tumingin ako sa kanila at parang sang-ayon sila sa desisyon ni Ramon. 

"Okay lang yan. Sa remedial class lang naman e," sabi ni Dennis.

"Magugutom tayo," biglang sabi naman ni Alberto saka nagtawanan lahat.

Gumaan ang loob ko nang nakita kong masaya naman sila sa desisyon.

Si James ang leader ng grupo ng Finford High School na magiging kalaban namin sa contest. Magaling sila pero mas MAGALING kami. Heh! Sa sayaw, ang karaniwang nananalo ay ang Finford o kami, ang Arevallo North High School. Nung nakaraang taon, nanalo kami at doon niya na rin kami hinamon. Talunan kasi yun tapos hindi niya matanggap ang pagkatalo niya. 

Naaalala ko pa yung mga sinabi niya," Malaking chamba lang ang pagkapanalo niyo! Next year, we will surely beat  you down!" Iyon ata, basta umi-ingles pa kasi e.

[Miya's POV]

Nang makalayo na ako sa kanila,

"Yehey!," sabay ng pagtaas ko ng aking mga kamay.

Pumayag sila. Plan successful! Umalis na ako kaagad baka bawiin pa e.

Salamat Bill!

Si DANCER at AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon