Chapter Twenty (Last Chapter)

1.6K 315 15
                                    

Anim na buwan na ang nakalipas mula ng mangyari ang isang bahagi ng kanyang buhay na hindi kailanmana malilimutan ni Anna. Ngunit kahit papaano ay nakaka-recover na siya. Natutunan na niyang tanggapin na hindi lahat ng bagay ay maaaring sumang-ayon sa kanyang kagustuhan, may mga bagay na mas nararapat mangyari sapagkat mag-iiwan ito ng isang aral na mas kakailanganin mo sa pagdaan ng panahon.

Gaya ng ipinangako, pinatawad na niya ang ama gayundin ito sa kanya. Pinilit muli nilang mabuhay ng normal. Upang kahit papaano'y maalis saglit sa kanyang isipan ang kalungkutang nangyari sa kanyang buhay, pinilit ni Anna na maging busy. Nagtrabaho siyang muli sa dating pinapasukan.

"Mark ikaw ba iyan," tanong ni Anna ng makasalubong niya ito minsang papauwi na siya galing sa opisina.

"Yes, it's me." Nakangiting sabi nito na gumanda ang hubog ng katawan kumpara noong huli niya itong makita. At ang hitsura nito ay lalong bumata dahil na rin siguro natuto na itong mag-ahit ng sariling balbas at bigote.

"Kailan ka pa dumating?" tanong niya rito.

"Kahapon lang."

"Kamusta ka na?" muli niyang tanong.

"Mabuti naman ako. Ikaw, okay ka na ba?"

Napahinto si Anna sa tanong na iyon ni Mark.

"I'm sorry, I should not ask you that question." Parang nahihiyang sabi ni Mark.

"No, it's okay. Ano ka ba?" nakangiting sabi ni Anna na nais ipakita kay Mark na wala itong dapat alalahanin. "Well, to answer your question, I'm beginning to live life."

"Good for you."

"Thank you." Ani anna. "By the way, kamusta ang Paris. May Eifel tower pa rin ba?" pagbibiro niya upang pagaanin lalo ang pakiramdam ni Mark.

"Nakatayo pa rin naman siya." Nakangiting sagot ni Mark. "I'm sorry, Anna but I can't talk to you right now. I have a business appointment." Dugtong ni Mark na nagmamadali pala.

"Okay, but you know what, we should talk sometime."

"About what?" tanong ni Adrian.

"Lahat. Sa tingin ko I've made your life miserable, kaya I have to say sorry."

"No. it's okay, forget it."

"No, I need to talk to you. Hindi mawawala ang bigat na nararamdaman ko kung hindi kita makakausap."

"Well, kung iyon ang ikagagaan ng loob mo, fine. See you around." At tumalikod na ito sa kanya at naglakad papalayo.

Hindi maiwasang manibago si Anna sa inasal na iyon ni Mark. Malaki na talaga ang ipinagbago nito, ngunit kahit anong mangyari kailangan niya itong makausap. Kailangan niyang humingi rin dito ng tawad. Alam niyang nasaktan niya ito, at alam niyang ang pasakit na dinulot niya rito ay sinadya niya.

----------

Noong gabing iyon, halos hindi makatulog si Anna. Iniisip pa rin niya ang nangyari kaninang pagtatagpo nila ni Mark. Iba na talaga ang ugali nito. Noon, naaalala pa niya, sunud-sunuran ito sa kanya. Kahit anong ipagawa niya ay gagawin nito, kahit na nga minsan nagmumukha itong tanga.

Ang tao nga naman, dumarating din ang panahon at nagbabago. Kailanagn pa nga ba niyang ipagtaka kung ano ang ipinagbago ni Mark. Hindi makakailang hanggang ngayon ay mahal pa rin siya nito. Ngunit hindi niya maaaring dayain ang puso. Hindi pa niya nararamdaman ang pagmamahal dito. Ngunit hindi pa rin inaalis ni Anna na maaring baling araw magbago rin itong nararamdaman niya kay Mark.

A Summer To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon