"Kaibigan"

18 0 0
                                    

Nagsimula sa di inaasahang
ika'y maging kaibigan
kaibigang sayo ko lang nakita
salamat sa iyo
salamat dahil ika'y nariyan palagi
kaibigang maasahan at mapagkakatiwalaan
salamat sa iyong kabutihan
alam kong di sapat ang pasasalamat at itong tulang aking ginawa
salamat sa iyong pakikinig
sa mga walang kwentang usapan
kahit alam kong di kaaya-aya ang aking tinig
sapat ng alam kong ika'y nakikinig
sa mga drama kong minsan iyong iniiyakan
at kung ika'y magkaroon ng problema
asahan mong ako'y nandito lang
handang umiyak at damayan ka
salamat sa lahat lahat aking kaibigan.. .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"KAIBIGAN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon