Chapter --- 26 ^I'm happy to have HIM

2.1K 44 1
                                    

Chapter --- 26 ^I'm happy to have HIM

*Rain's POV*

 

"Ate ate! Picture dali!!" -Renzo.

 

Nag smile ako at nag flash ang camera na hawak ni Renzo.

7pm na. 5hours na lang tapos na pagpapanggap ko. Tapos na ang pagloloko sa sarili ko. Ang dapat kong isipin. Galit ako. Galit ako sa kanila dahil sa ginawa nila sa loob ng 16years.

 

Nandito kaming lahat sa sala. Nagsasaya. Andiyan yung mga kakilala ko at kakilala ni Papa. Mga classmates ng mga kapatid ko.

At nandito rin si..

 

Jesse.

Ayun nga oh. Nasa kusina. Nilalantakan yung spaghetti. Sabi ko nga bakit di siya umuwi. Pinacancel niya yung celebration at gagawin bukas. Gusto daw niya makasama ako. At makasama siya bukas. -____-

Pero ang saya ko kasi andyan siya sa tabi ko ngayon.

Pinuntahan ko siya.

 

"Adik ka rin sa spaghetti eh no?" Pang aasar ko sa kanya. Na busy sa pagkain ng spaghetti. Ang cute niya. Para siyang bata.

"Paborito ko to eh." Sabi niya ng hindi tumitingin saken. Kasi naman nilalagyan niya ng spaghetti yung pan na tinapay.

 

Ok? Wala na akong masabi. Eh ang busy kasi ng kausap mo eh. Parang ipagpapalit ako sa spaghetti.

 

"Ang cute mo." Out of nowhere kong sinabi. Anong sabi ko? Nadala ba ako? Eeeehhh.. Ayan. Natigilan tuloy siya. Tas tumingin saken.

Ngumiti siya pero naging serious.

"Di ako aso." HALA?! Pag ba cute aso agad?! Maasar nga.

"Eh mukha ka namang aso eh." Sarcastic kong sabe. Kainis! Siya na ngang sinabihan ng cute tas sasabihing hindi siya aso?

Bigla siya lumapit saken. Eto na naman yung palapit lapit effect niya eh! Nangingilabot tuloy ako.

"Hindi ako aso. Gusto mo patunayan ko?" He smirk tas alam kong ngumiti siya at ngiting nakakaloko.

*gulp* Omaaaay.

Hahalikan ba ako neto?! Wag naman baka makita ni Papa. -____- ang PDA talaga neto.

Nakuha na nga niya first kiss ko eh.

Lumapit pa siya lalo. Ramdam ko na yung hininga niya.

 

 

 

Ayan naaaaa... Pipikit na sana ako ng biglang..

 

 

"Ehem! Ehem!"

Napatingin kameng dalawa ni Jesse.

Si Ronald! Haaay! Buti si Ronald lang! Nakuuuu!

"Sarap ng spaghetti niyo Rain!" Sinabi niya sabay subo sa bibig ko nung ginawa niyang tinapay na may spaghetti. Naman eh. Tokneneng talaga to. "Tikman mo! Dali. Nguya! Sarap ng luto ng Papa mo." Tinignan niya ako.

 

Maki sakay ka look. Habang nakangiti.

 

Mister Manyak meets Miss NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon