ISA, Isang araw mula ng nakit.na ko ang kabutihan mo
Nagbago ang lahat, binigyan mo ng kulay ang madilim kong pagkatao.
Isang araw na ipinagkaloob mo upang tanggapin kita ng buong buo at papasukin sa sarado kong puso.
Binuksan mo ang sarado kong puso upang ipadama mo ang Presensya at Banal mong Espiritu na sa aking buhay9 ay bumago.
DALAWA, Dalawang beses mo akong inanyayahan na tanggapin ang banal mong Pangalan.
Pangalan na nag iisa sa lahat at hindi kayang tumbasan ninuman.
Walang katulad na Pangalan sa mundong aking ginagalawan.
TATLO, Tatlong ulit akong umiyak sa harap mo nang pinatawad mo ang mga0 kasalanan ko.
Sa pagpatak ng mga luha ko habang lumuluhod ako, naramdaman ko ang mahigpit na yakap mo na bumalot sa katawan ko.
Naramdaman ko ang mainit na pagtanggap sa isngr tulad ko.
APAT, Apat na beses mo akong binulungan upang sabihin sa akin na ipahayag ko sa maraming tao ang iyong Pangalan at Kaluwalhatian.
LIMA, Limang pagkakataon ang hindi ko pinalampas na magpuri sayo,
Sa pamamagitan ng pagsayaw ko, pagkanta at pagsigaw ng papuri sa napakagandang Pangalan mo.
Sa bawat bigkas na lumalabas sa bibig ko lahat ng ito ay walang iba kundi papuri sayo Panginoon ko.
ANIM, Anim na paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na ikaw lang ang pinakamamahal ko.
Anim na araw na ginagawa ko dito sa mundong ito, nagiging abala ako sa pagtatrabaho at pagpapagal sa mundong ginagalawan ko ngunit sa pang
PITO, pang pitong araw na magpapahinga ako gaya ng ginawa mo sa anim na araw na ginugol mo upang mabuo ang mundong ito.
Sa pang Pitong araw nagpahinga ka, ganon din akong magpapahinga kasama mo, at sabay ng pinakamalakas na sigaw na purihin ka Panginoon ng buhay ko.
WALO, Walong kaganapan sa buhay ko ang pinapasalamat ko sayo.
Sa walong kaganapan na yon ipinapasalamat ako na may kasamang pananampalataya, pagtitiwala, at pagsunod sayo.
Alam ko sa bawat araw , oras na ginagawa ko, kasama kita sa pagtahak ng pangarap ko.
Ikaw ang magpaplano sa bawat kabanata ng buhay ko.
SIYAM, Siyam na letra ang gusto kong sabihin sayo Panginoon ko ay ang "MAHAL KITA" Diyos ng buhay ko at siyam na ulit at higit pa na sasabihin at ipadama sayo na mahal kita, mahal na mahal kita ng higit pa sa buhay ko.
SAMPO, Sampong bilang kung paano ka kumilos at binago ang buhay ko,
Kung paano mo tinanggap ng buong buo ang isang tulad ko na sa ngayon patuloy at magpapatuloy na maglilingkod, sasamba, magtitiwala, mananampalataya at magmamahal sayo habambuhay at magiging tapat ako sayo hanggang sa pagbalik mo isasama mo na ako .
Salamat Panginoong Jesu Cristo na Mahal na Mahal ko.
YOU ARE READING
Pag Bilang Mula Isa Hanggang Sampo
PoetrySalamat Panginoong Jesu Cristo na Mahal na Mahal ko.