Honorio, yan ang iyong apelyidodyan palang, ikaw na ay karespe-respeto
Tanda ko panga nung una kitang nasilayan
may sinag ng araw ka pang background
Alam mo yung ?
para bang bang entering moment ni 'Superman'
Kaya ako'y tuluyang namangha
pero pinatili ko parin ang blangkong mukha
para di lumaki ulo mo
Parang lobo ba...?
Ikaw din baka pumutuk ka?
Lakas pa naman ng Sunshine background mong taglay
at ang kinaiinisan ko
ay pag-aksaya ng brain cell ko
kakaiisip sa sunshine background mo
Na para bang 'light bulb'
na kung saan ang switch on
ay ang ngiti mong kumakaway
at nagkukusang namamatay
pagsalubong na ang iyong kilay
Natutuwa ako sa mga trivia mong nakakataba ng puso
Ay este!
utak..
na sumusulput pag-ako lang ang kausap
at Oops! hindi sa illusyonada ako
uunahan ko na kayo
dahil yun talaga ang napapansin ko
Nung una..
Di talaga ako naniniwala
sa 'slow motion' na sinasabi nila
pero nung nakita kita sa daan
ang nasabi ko nalang
"Ay !patay na..!"
Hindi kanaman talaga ganun kagwapo
pero nang tumingin ka sa dereksyon ko
natutunaw ako na parang yelo
at kasunod nun ay buntong hininga
Wala naman kasi akong magagawa
bukod sa Honorioang iyong apelyido
ikaw din ang aking
dakilang guro
Kaya itutulog ko nalang ito !
wala naman patutunguhan ang pag-senti senti ko
dahil simula palang wala na akong pag-asasayo
-2018/jan.
BINABASA MO ANG
Tula Galing Sa Puso Kong Tulala
Poesía"Tula galing sa puso kong tulala" walang magawa kaya ako'y sumulat ng mga corning linya tagalog at íngles ang lenggua at may ibat ibang klase ng tema ito'y buong pusong ginawa at sana magustohan nyo dahil baka bagising nyo katabi nyo na si Sadako...