Real-life situation. Sarili kong storya ng pagkabigo.
Basahin ng matauhan..
Sino man ay hindi pinapayagang gayahin ito. Salamat po.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
" Di ka ba nagsasawa?! Puro na lang tayo away, tampuhan. Parang ayoko na. Sa tuwing magaaway tayo, nababawasan yung pagmamahal ko sayo. Kaya tatanungin kita, gusto mo pa bang ituloy ko to o umayaw na?"..
Ramdam ko ang sakit. Sakit na kahit na anong gamot ay di kayang pawiin. Sa bawat letrang nabasa ko, katumbas ang bawat patak ng luha ko. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit. Gusto ko.. Pero hindi ko ginawa. Kasi mahal ko siya..
" Sa tingin mo ba, ano isasagot ko sa tanung mo?"
" Diko po alam. Nasa iyo ang desisyon. Kahit ano po tatanggapin ko"
" Ayoko. Ayoko. Ayoko. </3 .. Pero kung saan ka MAS sasaya, dun ako. Ayoko naman kasi ng , ako gusto ko pang ipagpatuloy to, kaso ikaw, ayaw mo na .."
" Nakakasawa na po kasi eh. Lagi na lang po tayo nag-aaway. Yung tipong pag ako nagjojoke, magagalit ka agad. Pag ikaw, okay lang sa akin "
" Eh. Sorry na po. Hindi na po mauulit. MAGBABAGO na po ako"
" Diko po alam. Bahala na .. "
Ganun ba talaga?!. Yung tipong kung kelan mo na siya MAHAL NA MAHAL tska ka nya iiwanan?! Yung tipong kung kelan mo siya ginawang priority sa buhay mo, tska ka nya, binaliwala? :( .. Ba't ba kami nagkaganito? Sa pagkakaalam ko, okay naman kami..
(FlashBack)
" Hi, Baby! GoodMorning. Yohooo! Wake up. I love you. Mwaa. <3 :'* .."
" Hi, Beybi ko! Kagigising ko lang po. Gayak na tayo. Taraa. I love you more. To the infinity and Beyond.. "
..
" Baby, ilololololololove you to the BETA MAX. <3 mwaa. "
...
At marami pang I love you, banat, I miss you, mwaa at kung ano ano pa. Pero bakit ngayon?!. Anong nangyari? Hindi ito ang plano ko para saming dalawa. :( ..
" PJ, sorry na. Sorry na please? Iloveyou po. ng madaming madami. Ayoko po mawala ka."
" Sorry, andang. Bati na po tayo ha?"
" Opo! Sige po. Bati na po tayo. I love you. Mwaa. :'* .."
Okay na kami. Okay na. ..
Okay na nga ba?! O baka naman napilitan lang?! ..
( July 25, 5:30 pm )
Wala pa akong natatanggap na text simula kaninang umaga. May indak kalye sila kaya iniisip kong baka busy lang siya. Yung tipong tetext naman niya ako basta maghintay lang ako. Basta MAGHINTAY lang ako. Para hindi na kami mag-away. Kaya tiwala lang ako. TETEXT DIN NIYA AKO.
After 2 hours..
" Bes, di pa siya nagtetext " :(
" Di pa ba?! Eh nag-gm kanina ah? "
" Oh? Wala akong natanggap "
" Oo. 2 pm pa nga e. Ere sabi : PagodAftiee :") ..Kakatapos lang ng Indak Kalye. etc.. "