47

14.8K 274 14
                                    

ANTON POV

Ilang araw kong sinundan si Ate, tumatambay ako sa harap ng condo nya dati. Alam kong hindi na sya nakatira dito dahil umuuwi parin sya sa bago nyang condo.

Ilang besis rin akong nagtataka bakit pati sina Ivan at Truce pumupunta rin sa condong yan. Ilang besis akong nagpapalipas ng gabi sa kakabantay sa mga pumapasok at lumalabas sa condominium na yun.

Nasa Frat house kami, napansin ko na may pinapanood na video si Ivan. Isang bata na tawa ng tawa. Hindi ako nagpahalata, lumapit ako at umupo sa tabi nya.

May kung anong karayum ang tumusok sa puso ko habang pinapanood ang bata na tumatawa. Nakangiti din si Ivan habang pinapanood ang video.

"Kanino yan?" Biglang basag ko na.kinagulat nya.

Binaba nya agad at umiling. "Anak ng pinsan ko. Inaanak ko" sabi nya. Ngumiti sya at iniba ang usapan.

Minsan, sinundan ko si Truce na pumasok ng drug store. Bumili sya ng isang lata ng gatas at isang malaking pack ng diaper. Kumuha ako ng isang pack ng kape at palaman. Habang pinapunch ang mga pinamili nya pinagmasdan ko ng mabuti ang mga ito, mula brand, kulay at mga details.  ginulat ko sya nang ilapag ko ang mga bibilhin ko.

"Para kanino yan?" Nagulat sya at napatawa pero namumutla na at halatang may pinoproseso ang utak.

"Pinapabili ng pinsan ko, uuwi kasi ako bukas idadaan ko nalang" sabi nya. Tumango ako at inakbayan sya.

"Ako kaya kelan kaya ako makabili ng mga ganyan?" Ngumiti ako at napahalukipkip ng mga braso ko.

"After the bar tol, iiskoran ko na para makabuo agad" pilyo syang ngumiti na kinatitig ko naman sa kanya. "Biro lang, ano kaba!" Siniko nya ako.

Kanya-kanya kaming sumakay at nagkahiwalay. Kunwari ako sa kabila dumaan para hindi sya mag-isip na sinusundan ko sya, pero ang hindi nya alam. Uunahan ko sya sa condominium na yon para manigurado. Nagmadali akong pumasok sa lobby at inantay sya, hindi pa umabot ng 30 minutes. Magkasama sila ni Ivan na pumasok ng condominium. Sumakay sila sa elavator na sila lang ang tao at inantay ang floor. 4th floor. Nagmadali akong sumakay sa kabilang floor at sinilip sila habang papasok sa isang unit. Ngayon may lead na ako.

Ilang linggo akong tumatambay para makita lang ng personal ang mag-ina ko, pero ni minsan hindi ko sila nasilayan. Hanggang sa hindi na ako makatiis, nang mapansin na wala si Ate nasa Davao, si Ivan nasa Maynila para asikasuhin ang mga papeles nya, si Truce alam kong nasa Davao sumunod kay ate, I know him. Obsess sya kay Ate at alam ko ring may gusto rin ang kapatid ko sa kanya, natatakot lang sya. 

Sa ilang araw kong pagmamanman, pati katulong nakilala ko narin. At ngayong wala rin sya, pagkakataon ko na.

Kabado akong nakatayo sa harap ng pintuan ng unit nila. Parang ang hirap paniwalaan pero nandito na ako. Nanginginig ang mga tuhod ko, naninigas ang mga panga ko. Pinaghalong saya at galit ang nararamdaman ko. Apat na besis akong nagdoorbell bago ko narinig ang pag-unlock ng pintuan.

Matagal kaming nagtitigan bago sya nagsalita.

"A-anton" nanginginig ang boses nya, balot ang buong mukha nya ng pagkagulat, habang ako... ako? Naninigas ang mga mata ko sa pangigigil. Parang naiinis ako sa sobrang saya na tama ang hinala kong siya nga ang nandito. Nabalot din ako ng inggit at galit dahil nakuha akong traidorin at pagkaisahan ng mga taong pinagkakatiwalaan ko.

Bigla nyang tinulak ang pintuan na kinagulat ko kaya sinipa ko ito. Nanigas sya sa gulat at napaatras. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang pagsara ng pintuan.

Napapikit sya at nagulat sa malakas na pagbagsak nito.

Gusto ko syang yakapin, halikan at huwag na ulit pakawalan, pero bakit natatakot sya sa akin?

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon