Kath POV
Eto nga, busy kami sa pag gu group work, pero hindi ko alam kung anong ginagawa nung dalawa! Para silang ewan!
"Epal ka kasi!"
"Ako pa talaga? Eh, ikaw nga itong masyadong pa papel!"
"Talaga lang ah! Ikaw yun! Kung hindi ka umepal mag ka partner sana kami!"
"Ako pa? Ang kapal! Ako nga itong nauna! Ikaw ang umepal!"
Hindi ko alam kung may natapos na ba silang sagutan sa math, dahil sila ang pinaka maingay. Siguro ganyan sila mag team work.
"Tapos na kayo?" Tanong ko. Na ikinatahimik nilang dalawa.
"Ah-- hindi pa. Kayo ba?" Sagot ni Leo sa akin.
"Hindi parin." Pinag patuloy ko na lang ang pag so solve sa papel.
Bakit ba hanggang ngayon hindi parin nila nalalaman ang value ng X? Nung grade 6 or 7 pa ako niyan eh!
Ganun ba talaga kahirap hanapin ang value nun?
"Kindly post your work in the board." Yung iba nilagay na sa board ang mga ginawa nila habang ang sa amin, kakatapos palang. Tulad ng sinabi ni sir nilagay lang namin ito sa board, nalag lag ito, paulit ulit ko paring nilalagay sa board. Ano ba iyan! Ayaw malagay.
"Miss, kath are you done?" Tanong ni sir.
"Hindi po sir, dahil ayaw malagay nito sa board." Sagot ko, habang hindi naka tingin kay sir.
"Use tape, para hindi malaglag." Napatingin naman ako kay sir.
"Pwede ba yun sir?" Tanong ko.
"Oo naman, miss kath." Sagot niya
"Wala naman kayo sir sinabi na pwedeng lagyan ng tape." Sagot ko, tinignan ko yung ibang gawa ng classmate ko, naka dikit nga sa board dahil sa tape.
Umupo na ako sa upuan ko, dahil ako na lang pala ang naka tayo.
"Base sa mga ginawa niyo perfect lahat na sagutan walang mali. Kaya na pag desisyonan ko na dadalasan ko ang pag gu groupings sa inyo. "
Nakinig na lang kami sa mga sinasabi ni sir, hindi ko alam kung nakikinig ba talaga ang lahat eh, dahil inaantok talaga ako, sumubsob muna ako sandali sa desk ko dahil pumipikit na talaga ang mata ko.
"Miss kath! Bakit ka natutulog sa time ko!" Nagulat naman ako ng sumigaw si sir.
"Sir, napakaganda po kasi ng boses niyo, kaya hindi ko mapigilan."
"Ganun ba? Bakit sila hindi nakakatulog?"
"Hindi naman po sila nakikinig Sir."
Nakita ko namang tinignan ni sir ang mga ka klase ko, may mga sari sariling ginagawa. Napailing na lang ito sa nakita niya.
"You have a plus point sa akin miss kath." Nag tataka man ako sa sinabi ni sir. Pero tumango na lang ako, weird!
Natapos ang oras na ganun parin, walang pinag bago.
Nagulat na lang ako sa pag sulpot ni elaine sa harapan ko, pansin ko lang ah! Masaydong mayaman si elaine sa mga pangkulay, kaya naman naubusan na siya ng papel at mukha na lang niya ang nilagyan niya ng ibat ibang kulay, nag bukha tuloy drawing book ang pag mumukha niya!
"Hey! Bitch! Slut! Slash, panget, mangaagaw! Inis na inis na ako sayo! Pabida ka masyado! Hindi ka naman maganda pero ikaw ang gusto nila! Umamin ka nga witch ka ba! At saka wag ka ngang papansin kay Railey at Leo! Alam mo lahat na lang eh! Naiinis na ako sayo! Dapat hindi ka nalapit sa kanila dahil panget ka! Pero, anong ginagawa mo!"
"Nakikinig sayo?." Sagot ko.
"What the! Sa haba ng sinabi ko! Yun lang ang isasagot mo!" Mukha na siyang mangangain diary!
"Ano bang gusto mong sabihin ko? Na dapat nag lalakad na ako, para pumunta sa Canteen pero bigla kang nanggulat kaya napatigil ako, at tinanong mo ako na kung anong ginagawa ko, kaya sinabi kong nakikinig sayo. Ganyan ba?" Hindi ko naman alam na masyado palang demanding si elaine na kailangan detelyado ang lahat, kung sinabi niya ng mas maaga edi sana Hindi na nag hihintay ang pagkain sa canteen sa pag dating ko.
"Dapat dineretsa mo na ako kung anong ginagwa ko, hindi yung pinapagod mo pa ang sarili mo, o kaya dapat tinext mo na lang ako, imposible namang wala ka nang load, sa dami ng pang kulay na nabibili mo. Siguro nga wala kanang pera kaya mukha mo na lang ang pinag paintan mo, pero wag kang mag alala, dahil kaibigan kita, I lo load kita mamaya, I a add pa kita! Basta accept mo ako. Lagi naman akong online kaya free kang mag tanong kung anong ginagawa ko, wag mo lang uilitin yung manggulat para lang itanong yan." Ang haba nang sinabi ko! Kakapudin ang long hair na bangs ko!
"What are you talking about! And for your information im nit that poor! Kaya kong hinili ng maraming papel! Gusto mo padalhan pa kita eh!"
"Talaga? Ibig sabihin nun, sponsor na kita ng mga papel? OMG! Napaka bait mo talaga! Wag kang mag alala, ako nang bahal sa load mo, para ma text mo na lang ako, sige alis na muna ako, nagugutom narin kasi ako eh. Gusto mong sumama? Wag kang mag alala, libre ko." Tinaasan lang niya ako ng kilay at galit na galit na iniwan ako na nakatayo.
Busog pa ata siya.
Natapos ang klase namin kaya naka uwi na ako.
YOU ARE READING
Kath HUGUTERANG TANGA (ON EDITING)
HumorAno ano kaya ang merong katangahan sa katawan si kath? At ano ang mga ka echosan na kung humugot eh, sagad sa buto? Just read!!