Kabanata 6

14 2 0
                                    

Pag-ibig? No way! This is not love, na attract lang ako sa kanya kasi ang gwapo niya! Pero hindi ito pag-ibig!

Natauhan ako at nakabalik sa kasalukuyan nang nag salita si Miguel.

"Maganda hindi ba?" Tanong niya habang naka ngiti. Tumango nalang ako at binaling ang tingin ko sa kalangitan.

"Kaya nga pala kita ilalabas dahil nabalitaan ko na hindi ka na raw lumalabas ng bahay mula noong nasaktan ka ng isang lalaki." Sabi pa niya dahilan para mapatingin muli ako sa kaniya.

"A-ano? H-hindi ah!" Kumunot ang noo ko at inirapan ko siya. Sa totoo lang, gusto ko i defend yung sarili ko noon kasi parang ang weak-weak ni Ofelia Asuncion kumpara sa Ofelia Martin Reyes ng kasalukuyan eh.

"Maari bang malaman kung sino ito?" Tanong niya. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya ngumingiti.

Nalilito ako kung sasabihin ko ba sa kaniyang siya yun o ibang lalaki. Kasi kahit hindi ko siya minahal bilang Ofelia Martin Reyes, minahal ko naman siya bilang Ofelia Asuncion.

"W-wala! Chismis lang yun." Sabi ko. Napansin kong namuo ang kunot sa noo niya. "C-chismis?" Tanong niya. "Oo! Sabi-sabi lang ng ibang taong walang ginawa sa buhay kung hindi ang manira lamang ng ibang tao." Diretsong sagot ko.

"Kung ganoon, nagsisinungaling ang iyong ina?" What??? Si ina ang nag sabi sa kaniya. Oh no! Nalilito na talaga ako!!

Yumuko ako at tinignan ang pag hampas ng tubig sa barkong sinasakyan namin. "Pasensya ka na. Kung hindi mo pa kayang sabihin sa akin, makakahintay ako bilang isang kaibigan."

Tinignan ko naman siya at ngumiti ulit siya. Tumango-tango lamang ako at tinitigan siya.

Nabaling yung tingin ko sa likuran ko kung saan nakarinig ako ng kabog. Pag lingon ko, nakita ko si nanay Linda na may dalang libro.

"Huwag mong kalimutan ang gabay mo." Sabi niya sa akin at inabot ang isang aklat--- talaarawan.

"P-pasensya." Tumango siya ng isang beses at inayos na ang matutulogan namin. Tabi lang kami matulog dahil isa lang ang kama dito ngunit malaki naman ito.

Binalik ko ang tingin sa pwesto ni Miguel ngunit wala na siya doon. Hay naku! Panira naman ng momment tong si nanay Linda eh.








Kinabukasan, naalimpungatan ako nang may biglang kumatok sa pinto'an namin. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Naramdaman kong tumayo si nanay Linda at pinagbuksan ang kumakatok.

Ugh!! Ang aga-aga pa eh! Distorbo!

"Hija, halika na't tayo'y kakain na." Sambit ni nanay Linda sa akin. "Eh anong oras na ba?!" Sigaw ko. "Alas syete ng umaga." What??! Ang aga-aga paaaaaa~ Wala naman akong pasok, bakit ang aga niya akong ginising.

Hindi ko siya pinansin at tinakpan ko ang buong katawan ko ng kumot. Ang aga-aga pa eh. Distorbo talaga tong babaeng to. Minsan ngalang akong hindi pumupunta sa school.

"Pasensya kana hijo, sa tingin ko'y pagod lang ang binibini at kailangan niya mag pahinga." Narinig kong sabi ni nanay Linda. Wait, sino ba ang bisita namin?

"Naiintindihan ko po. Magpahinga lang kayo't sa susunod nalang ako dadalaw." Agad akong napatayo at dali-daling inayos ang aking sarili sa narinig ko.

Lumapit ako kay nanay Linda at nagsitinginan sila sa akin. "H-hindi ako pagod." Sabi ko at nakita kong ngumiti si Miguel. Napatingin naman ako kay Junior na nasa gilid niya habang hawak-hawak ang kanyang kamay.

"Magandang binibini---ahh este, magandang umaga, binibini." Bati sa akin ni Miguel. Ang cheesy niya ah! Whahaahaha! Pero bat ganun? Naramdaman ko ang pag init ng aking magkabilaang pisngi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sumpa KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon