Kabanata 5: Come Closer

51.5K 1.4K 126
                                    


|| Dessy Leondale’s Point of View ||


“Please check their heart rate!”

“Her wounds, make it clean!”

“Patient 3, is normal!”

“Ma’am, Sir, please calm down!”

Mula sa ‘di malamang pangyayari, napilitan akong imulat ang aking mga mata. Maingay. Maingay ang buong paligid na s’yang gumising sa’kin. 

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang mata ko, napahawak ako sa aking noo at naramdaman ang makapal na bandage na nakabalot rito.

Sapo-sapo ko iyon nang ilibot ko ang paningin sa paligid. Tama nga ang hinala ko. Nasa ospital kami.

Teka… si Tim!

“Tim!” Napangiwi ako nang maramdaman ang epekto ng bigla kong pagbangon sa kama. Sumakit ng husto ang ulo ko at napasapo.

Hinawakan ako ng babaeng nurse at pilit na pinapabalik sa pagkakahiga pero umayaw ako. Hinanap ko si Tim.

“Na’san ang kaibigan ko? Na’san si Tim?” Nag-aalalang tanong ko sa babaeng nurse.

“Ma’am, please calm down. Hindi pa po kayo magaling.” Saad n’ya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Napahiga ako dahil sa labis na panghihina.

Nang lumingon ako sa kabilang side ng kama, nakita ko si Tim na nakahiga at tulog pa rin hanggang ngayon. Wala pa rin s’yang malay.

Napangiwi ako. “How is she? Ayos lang ba s’ya?” Tanong ko sa nurse.

Tinanguan naman niya ako, “Yes po. We’re just checking her lungs and breathings. Maya-maya magigising na rin po s’ya kaya huwag na po kayong masyadong mag-alala.” Sagot nito.

Muli kong sinilip ang mukha ng tulog na si Tim. May benda rin ang ulo n’ya gaya ng sakin at may ilang gasgas sa pisngi. Kasalanan ko ‘to. Dapat hindi ko na s’ya dinamay.

Umalis sandali ang nurse sa harapan ko at kapagkuwan ay naupo ako sa kama. Naalala ko bigla ang mukha ni Cal. He saved us from death, pero bakit? Bakit niya ako niligtas kung tinangka nilang habulin ang sasakyan namin at bungguin?

Hindi kaya, magkaibang grupo sila?

Ilang sandali pa, bumalik na rin ang babaeng nag-aasikaso sa’kin. May dala itong papel. Inilapag niya ito sa bed table at binigyan ako ng ball pen.

“Ma’am, will you please sign here?” Itinuro niya sa’kin ang dalawang patlang na may check.

Kumunot ang noo ko. “Para saan ito?”

She smiled. “Sa receipt lang po.”

Pinanlakihan naman ako ng mata nang makita kung gaano kalaking halaga ang babayaran namin ni Tim.

“20 thousands?” Usal ko. 10 thousands kada isang tao? Seryoso ba ito? Hindi naman masyadong malala ang sugat namin tapos 10 thousands na agad ang cost? Wala akong pambayad!

“Yes, Ma’am.”

“Pero wala po akong pambayad—“

“You’re already paid, Ma’am. Just put your signature na lang po tsaka po noong kaibigan n’yo.” She cut me off.

Mas kumunot ang noo ko. “S-sinong nagbayad?”

“Hindi po s’ya nag-iwan ng pangalan bago umalis. Pasensya na po. Ma’am, pa-sign na lang po.” Nakangiti pa rin ito. Paulit-ulit niya akong pinipilit na pumirma kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon