Gusto ko Gusto den ako

727 5 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang titig,
Nahulog sa di inaasahang pag-ibig.
Mga matang tila ba nakakabighani,
Maamong mukhang may matamis na ngiti.
Araw-araw ika'y nakikita,
Sa tuwing lalapit, ako'y tulala.
Di man lang magawang magsalita,
Dahil sa dibdib, nangingibabaw ay kaba.
Pilit tinatago ang nararamdaman,
Dahil takot na muli ay masaktan.
Sa loob, laging may pangangamba,
Na baka ulit ay magmukhang tanga.
Di ko mawari kung bakit ganito,
Gusto kita pero natatakot ako.
Ako'y duwag sa katotohanan,
Na baka di mo gusto ang katulad ko.
Ngunit tila ba ang mundo ay kay bait,
Hiling ko'y tinupad, dininig ng langit.
Saya sa mukha'y di maipinta,
Labis-labis ang pagkatuwa.
Di makapaniwala sa nalaman,
Na sa puso mo, ako'y laman.
Ngayon ay di na malabo,
Na ako at ikaw ay maging tayo

Spoken Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon