Maybe It's Me: Prologue

5 0 2
                                    

Renz's POV

"Weoo!~weeeo!~weoo!~ "

*Sirena ng ambulansya yan teh*

Nagmamadali naming binuhat si Tita ng makarating sa harap ng bahay namin ang ambulansiya. Halos ang lahat ng bagay ay parang nag iislow- motion sa sobrang kaba ko, marahil masyado akong nag-aalala sa maaaring mangyari kay Tita.

Nang maisakay namin si Tita sa ambulansya ay dali-dali kaming sumakay ni Uncle Lewis sa kotse niya upang sundan ang ambulansya kung saan naroon si Tita Denisse.

Naging tahimik masyado ang pagbyahe namin ni Uncle papuntang Hospital. Paglipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa Hospital. Dali dali kaming bumaba ni Uncle at sinundan ang stretcher na tulak tulak ng mga Nurse na nagmamadaling itinutulak si Tita papunta sa Emergency Room.

"Renzelle" nawala na lang ako sa pagkatulala sa ilaw ng marinig ko ang boses ni Uncle. Nasa isa kaming bench sa labas ng E.R at naghihintay sa paglabas ng doktor.

"Renzelle. Sa tingin mo ba ay mapapatawad pa ako ng Tita Denisse mo sa nagawa ko? Lalo pa at ako ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa Hospital." Hindi kaagad ako nakapagsalita ng sunod-sunod na sinabi ni Uncle Lewis ang mga yun.

"Ahmm" napakagat na lang ako ng bahagya sa labi ko " E kasi naman Uncle dapat noon pa lang ay tinigilan mo na yang ginagawa mo. Alam ko na mabait at matalino kayong tao pero sinsira niyo ang buhay niyo dahil sa bwiset na mga droga na yan!" Nadala na lang ako ng emosyon ko ng unti unting namamasa ang mga mata ko "Hinangaan kita sa pagiging mabait at matalino niyo Uncle at ang laki ng pasasalamat ko sa inyo ni Tita na inaruga niyo ako at pinalaki simula nung maging ulilang lubos ako sa magulang. Uncle nirerespeto ko kayo, kita sana naman po kahit para sa sarili niyo na lang ay itigil mo na yang bisyo mo!" Nakayuko na lang si Uncle habang sinasabi ko ang lahat ng mga bagay na gusto kong sabihin noon pa.

"Gagawin ko ang lahat ng yan once na maging okey na si Denisse" gumaralgal ang boses ni Uncle nang sabihin niya yun "Hindi ko inakala na darating ako sa punto ng buhay Kong ito. Nagsimula lang sa pakonti- konti hanggang sa inaraw- araw ko na ang paggamit nito. Hindi ko inakala na pati si Denisse ay madadamay sa mga kagaguhan ko."

"Mr. Alvarez" nagulat na lang kami ni Uncle ng dumating ang Doctor.

"Doc kamusta na ang asawa ko?" Malumanay na pagkakatanong ni Uncle sa Doctor habang pinupunasan niya ang kanyang luha.

"Hinimatay ang asawa mo dahil sa pagod at puyat niya. Nagkaroon siya ng Over Fatigue. Magigising na siya mamaya maya lang. Nasa Room. 86 siya Mr. Alvarez." Tugon ng doktor kay Uncle habang tinitignan ang chart nito. "Mr. Alvarez. I have a good news for you. Based on what I observed to her and also checking up her. I found out that your wife is pregnant." Nagulat ako at si Uncle ng marinig ang sinabi ng Doktor sa amin.

"Talaga Dok?" Batid kong nawala ang lungkot sa mga mata ni Uncle Lewis at napalitan ito ng masayang mga mata.

Ngumiti at tinapik ng Doktor si Tito sa kanyang balikat na parang sinasabi sa kanya na Congrats. Hinanap namin ni Uncle ang Room na binanggit ng Doktor kanina. Hindi kami nahirapan sa paghahanap dahil malapit lang ito sa pinanggalingan namin kanina

"Klaaagh" ng maisarado ko ang pintuan ng kwarto.

Nakita ko si Tita na nakahiga sa kama ng Hospital at may nakakabit na Dextrose. Umupo ako sa Sofa sa gilid matapos makapasok sa kwarto. Si Uncle naman ay kumuha ng upuan at umupo sa gilid ng kama ni Tita Denisse at nagsimula ng kausapin si Tita kahit alam niyang tulog ito.

Sumandal ako ng bahagya sa Sofa at di namalayan na nakatulog na pala ako.

Pagkaraan ng Ilang linggo...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe It's MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon