"You will marry her and that's final!" His grandmother's voice echoed in the four walls of the room in the hospital she's with.
"But Lola, you know how much I hated marriage!" He shouts back.
"And that's why I'm challenging you. Let's see if you really love me." Nakangiting sabi ng matanda.
"God knows how much I love you Lola. But fuck! Ipagawa mo na lahat sakin but not that fucking marriage!" Inis na bulyaw nito.
"OK if that's what you want." Malungkot na tugon ng matanda sabay baling sa asawa. "Hon, pakisabi sa Doctor na hindi ko na itutuloy ang operasyon." Sabi nito na ikinagulat ng mga nasa loob ng silid kung saan siya nakaconfine.
"What?!! You cannot do that Lola!" Hindi makapaniwalang tugon niya sa matanda.
"You know I can if you cannot grant my wish." Matapang na sagot naman ng matanda at mukhang desidido na ito sa gagawin.
"What can you possibly gain from me marrying?" Naiinis na siya. He wanted to burst with so much frustration but he can't baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon ng lola niya and that's the least thing he wanted to happen.
"Of course I can gain great grandchildren. Ano pa nga ba?" Naiinis na rin ang matanda. She wants to see her great grandchildren before leaving this world. But how can she if her grandson is this stubborn? She has no other choice. Isa lang ang apo niya. So whether he likes it or not he's going to marry the girl she likes for him.
"If I'll do that, will you continue your operation?" Tanong niya sa Lola na agad namang ngumiti ng napakalapad.
Shit! Naibulong na lang niya sa sarili. He wants to run away from this situation but he knows he can't. He knows how stubborn his Lola can be. Kung ano ang gusto nito ay iyon ang nasusunod. Kahit nga ang Lolo niya ay walang magawa kapag ito na ang nagsalita.
"Of course apo I'll do it. Kahit ngayong oras na mismo eh." Nakangiting tugon ng matanda.
Napailing na lang siya at binitawan ang mga salitang magpapabago sa tahimik niyang buhay.
"Fine I'll marry her." Walang buhay niyang sagot. Pagkatapos ay tinignan niya ang dalaga na nakaupo lang sa sulok at walang imik habang nakayuko.
Agad namang pumalakpak ang ginang kaya napatingin silang lahat sa kanya.
"Tawagin niyo na si Doc at ng masimulan na ang operasyon." Masayang sabi into. Siya naman ay napailing na lang at lumabas na ng silid.
F A I R Y S V N
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Love [COMPLETED]
General FictionMarriage? the word never cross his mind even just for once in his entire life. Damn! he wants to be alone. Sure he beds women but that's it! No commitment at all. He hates noisy people or anything that can create loud noise. Call him a loner and he...