SOFIA's POV"Sa akin sya nakatingin no"
"Hindi kaya sa akin kaya sya nakatingin"
"Sa akin nga tingnan mo oh titig na titig pa sakin"
Pagtatalo ng dalawa kong kaibigan dahil sa isang lalaking nakatitig kanina pa sa akin. Alam kong ako ang tinitingnan ng lalaking yun kaya umiiwas ako ng tingin.Gwapo sya, matipuno, maputi, at matangkad. Sya si Clyde Rude Jackson, ang ball captain ng varsity team ng basketball sa campus. Tuwing nadito kami sa bench nadon sya at laging nakatingin sakin. Di ako nag a-assume kasi totoo naman.
"Tara na nga girls" aya ko sa mga kaibigan ko na kanina pang kilig na kilig.
"Ang kj mo talaga Sofia, alam mo namang tinititigan pa ako ni Clyde eh" sabi ni Jane.
"Sakin kaya sya nakatitig" sagot naman ni Kleya.
"Alam nyo dahil dyan sa ginagawa nyo masasaktan lang kayo" pag sumbat ko sa dalawa. "Tara na"Ngayon ay naglalakad kami papasok ng room namin. Nakakapagod maglakad ang taas taas ng room namin tapos wala namang elevator dito. Hayss
Pagod na pagod kaming tatlo nang makarating sa room namin.
"Jusko naman ang school nato" inis na sabi ni Kleya
"Oo nga eh diba pwedeng palagyan ng elevator to" sabat naman ni Jane.
"Alam nyo puro kayo reklamo. Tara na sa loob baka maabutan pa tayo ng prof dito" sabi ko naman.Pumasok kami sa loob at pumunta sa upuan namin sa likod.
"Sofia kelan tayo gagawang project?" tanong sakin ni Jane.
"Sa weekend na lang o kaya sa friday para kahit dun tayo maggawa samin at gabihin kayo walang pasok kinabukasan" sagot ko.
"Oo nga no sige" -Jane.Maya maya lang ay dumating na ang prof namin. Nag discuss sya ng ilang impormasyon tungkol sa gagawin naming project. Jusko parang sasabog ang utak namin dun ah.
**fastforward**
Ngayon ay nasa bahay na ako. Dumiretso ako sa kwarto ko at nag ayos ng sarili. Naligo sandali at nagbihis ng pambahay na damit.
Binuksan ko ang laptop ko at nagbukas ng facebook. Nakita kong may bago na namang friend request. Pinindot ko yun para tingnan at nagulat ako sa aking nakita. Wtf? Si Clyde nag add friend. Eh ano naman kung nag add diba? Ano naman kung i accept ko. Kaya inaccept ko na lang wala namang ibig sabihin yun eh.
Ngayon ay nagtitingin ako sa newsfeed ko. At maya maya lang ay biglang nag blink ang message nito. Tiningnan ko yun at nagulat na naman ako sa nagchat sakin.
Dahn dahan kong pinindot ang kanyang pangalan at nakita ko ang chat nya. Shet!!
Clyde Rude Jackson•
Hi miss ganda.
___________________Aish ano bang gagawin ko. Hindi ko alam kung rereplyan ko sya o hindi-.- Ang sama naman siguro kung iseseen ko lang diba. Di naman ako famous para iignore sya.
Sofia Ryle Alegrada•
Hello
________________Maya maya ay nag reply na naman sya.
Clyde Rude Jackson•
Ahm kamusta?
Sofia Ryle Alegrada•
Okay lang, ikaw?
Clyde Rude Jackson•
Okay lang din, Can I ask a favor?Parang kinakabahan ako dun ah. Ano naman kayang favor yun? Sana naman di kalokohan.
Sofia Ryle Alegrada•
Um Sure
Clyde Rude Jackson•
Pwede bang makipag kaibigan?
Sofia Ryle Alegrada•
Oo naman
_____________________Jusko yun lang pala kala ko kung ano na eh. Ewan ko kung anong magiging reaksyon ko pero parang masayang di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Oo gwapo sya at crush ko sya pero ewan.
BINABASA MO ANG
Bad Love (One Shot)
Short StoryA story that sometimes happened in a real life between bestfriends that fall inlove with the same person.