Pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse niya ay kaagad niya itong pinaharurot.
"Ahmm, pwede bang bagalan mo? natatakot kasi ako eh" sabi ko dahil parang hindi na ako makakalabas pa ng buhay dito sa kotse niya dahil anytime ay pwede kaming mabangga. Kaskasero.
"Sorry" tanging naibulas niya sabay abot sa akin ng cellphone. Sakanya yata eto eh.
"Anong gagawin ko dito?" tanong ko
"Save mo number mo"
"Ah okay" ginawa ko naman ang pinagagawa niya, si-nave ko ang number ko at inabot ko kaagad sa kanya. Kinuha naman niya ito.
"Saan ka nga ba nakatira?" tanong niya
"Sa *Tooot* Street malapit sa simbahan, tapat ng park"
"Okay"
Malapit lang naman ito sa bahay kaya nakarating kami kaagad
"Gusto mo bang pumasok?"
"Wag na, agahan mo bukas susunduin kita" tumango nalang ako bilang sagot.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang bigla niya akong hilain papunta sa kanya at bago pa ako nakapag-react ay nakadampi na ang labi ko sa labi niya. Mapusok. Kinagat niya ng mahina ang pang-ibabang parte ng labi ko dahilan para bumuka at maipasok niya ang kanyang dila. Pilit na hinahalughog ang buong bibig ko at nilalaro ang dila ko. Hindi nagtagal ay ginaya ko na rin ang galaw ng dila niya. Naglalabanan at nag eespadahan ang dila namin. Napakapit ako sa batok niya habang hawak hawak niya ang pisnge ko para lalo pang lumalim ang halik namin. Siya na rin ang kusang pumutol sa halikan namin nung malapit na kaming maubusan ng hininga.
"Sige na, baka hindi na ako makapagpigil"
Ngumiti nalang ako, ngumiti rin siya at ngayon ko lang napagtanto na gwapo pala si Terrence, mapulang mapula ang labi at parang ang sarap kagat kagatin, ang tangos ng ilong, ang lalim ng dimples sa magkabilang pisnge, chinito dahil sa dalawang singkit na mata, matipunong katawan, at kulay gatas na balat, daig pa ako, morena kasi ako. Sabi nga ni Baklang Neri, ako daw ang epitome of morena beauty at siya naman daw ang goddess of beauty.
Pagkababa ko sa kotse ay inantay ko muna siyang maka-alis bago ako pumasok ng bahay.
Gaya ng inaasahan ay walang tao sa bahay, gabi na kasi kung umuwi si Tita Eliza. Ako naman ay alas-3 kung umuwi pero dahil nga nasunog ang stock room ay ala-1 palang ay nandito na ako sa bahay.
Maswerte ako dahil nakita ako ni Tita Eliza, pinatira at pinag-aral. Naibibigay niya ang mga bagay na kailangan ko. Sa totoo lang ay sapat na sa akin na patirahin at pag-aralin niya ako kaya hindi ako nagpapabili o nanghihingi sa kanya pero dahil lagi niya akong pinipilit at lagi niyang sinasabi na kailangan ko yun sa tuwing may ibinibigay siya sa akin ay tinatanggap ko kahit pa nahihiya ako, tulad nalang ng cellphone na ibinigay niya sa akin para daw macontact ko siya kung may problema dito sa bahay, at ang laptop na magagamit ko raw sa school.
Hindi na ako pinagagawa ng gawaing bahay ni Tita, pero dahil isa't kalahating makulit ako ay nagluluto, nag huhugas, naglalaba at namamalantsa parin ako kapag wala siya, paunti unti lang ang paglalaba at pamamalantsa ko dahil baka mahalata niya kaya pag sapit ng sabado at linggo ay lagi siyang nagugulat dahil kokonti nalang ang dapat niyang labhan at palantsahin.
Ako na rin ang nagbulontaryong magluto dahil nga HRM ang aking kurso, ayaw ni Tita dahil baka maabala ang pag-aaral ko pero nung sinabi kong para makapag practice na rin ako sa pagluluto ay pumayag rin siya.
Hindi naman ako gaano gutom kaya kumuha nalang ako ng cup noodles sa kitchen drawer at nilagyan iyon ng mainit na tubig.
Binilisan ko ng kumain dahil gusto ko ng ipahinga ang katawan ko.
After kong kumain ay nagbihis at nahiga na ako sa kama ko. Gusto kong magpahinga dahil parang napakaraming nangyari ngayong araw.
May lalaking humila sakin sa Cr, hinalikan ako, ako namang si tanga humalik rin, nahawakan na ang buong katawan ko, wala pa rin akong ginawa, pumayag pa akong ihatid sa bahay tapos bukas susunduin pa ako. Halaaa. Makikita siya ni Tita bukaaaasss. Patay na ako. Bakot ba kasi hindi ko na isip yun kanina eh
Anica anong gagawin mo? Isip, isip.
Alam ko na, hahayaan ko nalang siyang ihatid ako bukas tapos after non ay hindi ko na sya papansinin, iiwasan ko nalang siya para masaya, hindi na ako mamomroblema . Yehey. Ang galing ko.
KINABUKASAN...
"Anica may naghahanap sayo dito sa labas, pinapasok ko na" sigaw ni Tita, naku po heto na siya.
"Ahmm, Tita siya po si Terrence" pakilala ko kay Terrence
"Hello po, schoolmate ko po si Anica, ihahatid ko lang po siya sa school"
"At bakit? Nobyo ka ba niya" pagtataray ni Tita
"Hindi po" sagot naman nitong si Terrence
"Sigurado ka?"
"Opo"
"Mabuti, Anica mag almusal ka muna"
"Tita hindi na po, nagmamasali rin po kasi ako eh, sa school nalang po ako kakain"
"Ganun ba? O sige mag ingat kayo"
Nagmano na ako kay Tita at dalu daling lumabas, hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse niya dahil gusto ko ng matapos ito.
Tahimik siyang nagdrive kaya naman tahimik rin ako.
Pagdating namin sa parking lot ay bumaba na ako agad at dali daling tumakbo papunta sa building namin at doon ko nakita na paakyat na rin si Neri kaya tinawag ko siya.
"Hoy Anika anong nangyari sayo kahapon, ang tagal mo sa CR ah, jumebs ka noh? nasusunog na ang stock room ang tagal mo pa ring jumebs" panimulang sermon niya
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko na nakasunod sa amin si Terrence na parang nag aabang sa sagot ko.
"A-Ahh, wala may nangyari lang" sagot ko
"Anong nangyari? Spluk mo na yan teh"
"Basta, wala lang yun, bilisan mo malapit ng magbell"
Hanggang sa room namin ay nakasunod parin sa amin si Terrence, nang makita niyang nakaupo na ako sa upuan ko ay saka lamang siya umalis para pumunta sa klase niya.
*******************************************
Sorry ngayon lang nakapag-update dahil masyado akong naging busy. Hahaha. Vomment po kayo :*
BINABASA MO ANG
OUR DIRTY SECRET
Storie d'amoreRATED SPG Read at your own risk. This story is not all about sex, it also deals with study, life and ofcourse LOVE. This story contains scenes that are not suitable for the very young readers so if you are a close minded person better back off. I...