Pumasok na ko ng maaga ngayon ayoko ng malate. Naglakad na ako papasok ng campus tinignan ko kung anong oras na at masyado nga akong maaga kalahating oras pa ang hihintayin ko buti na lang at half day ngayon wala masyadong gagawin kasi busy ang mga teachers. Pumunta na lang muna ako sa library para magbasa, pampalipas oras.
Habang nagbabasa ako parang may nararamdaman akong nakatingin sa akin pag harap ko sa likod wala naman hindi ko maiwasang kabahan sino naman kaya yun?
"Trix ikaw ba yan?" tanong sa akin ng isang babae. Humarap ako sa kanya pagkakita ko sa kanya nagulat ako high school friend ko siya. Dito na din pala siya nag aaral pagkaka alam ko kasi dun siya nag aral sa amerika kaya kami nagkahiwalay.Hanggang ngayon maganda at sexy pa din siya.
"Yah! I remember you Jenny. How are you?" tanong ko sa kanya. Close na close kami dati parang magkapatid na ang turing namin sa isa't isa noon.
"I'm okay naman, ikaw? Ang ganda ganda mo pa rin hanggang ngayon ahh" sambit niya. Totoo ba talagang sinabihan niya ako ng maganda sa kanya pa talaga galing.
"Stop it Jenny ayokong binobola ako" pagmamaktol ko pa sa kanya.
"Okay" natutuwa pa niyang sabi. "Lets eat? I'm hungry na ehh, " sabi niya sabay tawa napatawa na lang din ako sa kanya. "Tara treat ko!" tapos hinila niya ako palabas ng library. Hanggang ngayon makulit pa din siya.
Kumain kami tapos unting kwentuhan. Nag kwento siya kung anong mga nangyari sa kanya pag punta niyang amerika. Kaya pala siya bumalik ng pilipinas dahil nalaman daw ng dad niya na may ibang lalaki ang mom ni Jenny. Hindi ko maiwasang malungkot para kay Jenny habang kinukwento niya sa akin yun nagiging emotional siya. Pero kanina hindi halatang nasasaktan siya.
"Bye Trix see you later" pagpapa alam sa akin ni Jenny. Hindi kami magkaklase pero magkalapit lang naman kami ng room.
Pagpasok ko sa class ko pinagbubulungan ako ng mga babae dito, ang sama sama pa ng tingin nila sa akin nantitirik ung mata nila sarap dukutin ehh. Nilapitan ako ni Hannah, isa siya sa mga nagkakandarapa kay Zeyn. Habang papalapit siya parang gusto niya na akong sampalin sa mga tingin niya.
Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinarang ang paa niya kaya natapilok ako. Tumingin ako sa kanya at nakangisi pa siya sa akin."Yan ang bagay sa mga malalandi" sambit ni Hannah.
Tinignan ko sila at lahat sila pinagtatawanan nila ako. Ano kayang problema ng babaeng toh wala naman akong ginagawa sa kanya ehh.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin pagbibigyan kita ngayon Hannah makakaganti din ako sayo."Okay ka lang ba Trix?" tanong sa akin ng kaklase ko.
"Ayos lang ako Mark" sambit ko sa kanya. At tinulungan niya kong makatayo. Pagkatapos umalis na lang ako ng room baka hindi na naman dumating ang professor namin. Hindi ko na kaya mapahiya pa pasalamat siya at hindi ko na siya pinatulan pa. Sa susunod hindi ko na sila hahayaang saktan ako.
"Trix! Wait for me!" sigaw ni Mark. Bakit pa niya ko sinundan? "Talaga bang ayos ka lang?" bakit ba masyado siyang concern sa akin.
"Yeah! I'm okay" sambit ko.
"Minsan kasi kailangan mo ring ipagtanggol ang sarili mo". Yah! Kailangan ko talaga ipagtanggol ang sarili ko.
"Alam ko naman yun hindi ko na lang siya pinatulan kanina." sabi ko sa kanya.
Hinawakan niya ang balikat ko at tinapik niya. "Please take care of yourself ayokong may nang aapi sayo. " sambit niya sa akin at naglakad na siya palayo. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Bakit concern na concern siya sa akin?
Pumunta muna ako sa lobby hinihintay ko si Jenny dito kami magkikita. Umupo muna ako at hindi mawala sa isip ko yung sinabi sa akin ni Mark kanina bakit niya kaya nasabi yun? Gulong gulong yung isip ko dahil sa kanya. Kinuha ko ang cp ko at pagkita ko may 1 new message.

YOU ARE READING
Stupidly Inlove with you
Teen FictionMeet Trix Villanueva, simple lang ang buhay niya wala siyang pinangarap na kahit ano. Until she met a boy na makakapagbago ng buhay niya.