Ang Pagpili ni Ken

110 0 2
                                    

A/N: Sadyang sinusumpong ako nang katamaran sa pag-uupdate. Nagkataon lang na kagabi, kinukulit ako ng pinsan kong si Maan Sulit na mag-update na ako kasi nabibitin daw sya. HAHA! Sukki na pangalan mo dito teh, lagi kitang namemention. Hirap lang mag-isip ng susunod na mangyayari kahit na alam ko na ang mangyayari. Ang gulo ata? I mean kung pano ko pa dadagdagan para mapahaba pa lalo to. -____-

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nanatili akong tahimik, nagbibingibingihan sa mga sinasabi nila, nagbubulagbulagan sa mga nakikita ko. Nagkukunwa kunwariang hindi ako nasasaktan. Pero sa loob loob ko, tangina! Bro! Ansaket! Ganto na ba ako kadaling paltan. Pero naisip ko rin, wala naman talaga akong karapatang magalit kasi hindi naman kami. Isang MU lang naman kami, tanginang MU na yan. Sorry Author and readers kung napapamura na ako. Ansakit lungs kasi :((( Atsaka kasalan ko rin naman, dahil nga ata sa sinabi ko last school year. Tatanga tanga ko kasi! Bakit hindi ko nagawang ipaliwanag sa kanya! :((

Dumaan nanaman ang mga araw na wala lang. Na mukhang wala lang ako, walang nararamdaman, na mukhang ok lang sakin ang lahat pero deep inside, alam nyo na yun. Pero ang best friend ko? Ayun, hinahayaan lang nya akong magemote, pinagmamasdan lang ako.

Nang minsan, sabay kaming narecess ni Bella. Malayo palang, si Ken na ang nakikita ko, nakaupo sila at kumakain. Guess who kung sino ang kasama nya? Si Nessa lang naman. At kitang kita ko rin na nagpicture pa silang dalawa. Napatungo nalang ako sa nakita ko. Oo nakita ko silang ganun, pero hindi naman nila ako napansin na paparating ako. Kasi nga busy sila sa pagiging PBB Teens. -_______-

Napansin ko rin na, nakita din sila ng best friend ko at napatingin sya sakin nung tumungo na ako. Pero walang imik ang best friend ko talaga. Pinagmamasdan lang talaga nya ang mga nangyayari samin.

"Hi Anna!" Bati sakin ni Nessa nung dumaan kami sa harap nila

Nagulat ako. Binati ako ng bruha? Hindi ko alam kung sasabunutan ko ba sya kasi nakuha pa nya akong battin. Alam naman ng lahat at alam naman nya na magMU kami ni Ken. Anlandi nya talaga!!! 

Pero nakuha ko pang magtimpi. Nginitian ko nalang sila nang may pagkaplastik yung pagkakangitin ko.

Dumaan ang ilang oras, nagkaron kami ng breaktime. Kasi wala yung teacher namin. Ganun din ang kabilang section. Pero kahit ganun pa man, hindi ako masaya. Hindi tulad ng dati, na pag parehong breaktime kami, excited na excited ako at masaya.

Nagulat ako nang biglang tumayo si bhez.

"Bhez?" Pagtatakang tanong ko sa kanya

"Sa labas lang ako." Sagot nya sakin, pero iba ang aura ng mukha nya, mukhang may kaaway. At pag labas pa nya ng room, nakapagdabog pa sya.

*Ano kayang problema nya?* Napapatanong ako sa sarili ko.

Pero hindi ko nalang sya pinansin kasi kung magtatanong pa ako sa kanya eh baka makulitan pa sakin tapos wala din ako sa mood, baka magkasalubong lang yung galit namin, baka mag-away pa kami. Nagsoundtrip nalang ako sa cellphone ko para pampakalma sa sarili ko.

Sa Labas ng Room:

"Nasan si Ken?!"  Tanong ni Bella sa mga tao sa kabilang section

"Ken! Tawag ka ni Bella!" Tawag naman nung isang kaklase ni Ken

Lumabas naman si Ken. Pero sa pagkakalabas nya, kinorner sya ni Bella. Waring ibang Bella ang nasa harap ni Ken ngayon. Isang Bella na parang lalaki kung kumilos. Dahil na rin siguro sa galit nya kay Ken sa pang-iiwan nito sa best friend nya.

"Papipiliin kita. Si Anna o si Nessa?!" Pagalit na tanong ni Bella

Dahil sa kabiglaan ni Ken sa nakita nya kay Bella, at ibang Bella ang nasa harap nya. Hindi ito agad nakasagot, na mas lalong ikinagalit ni Bella upang maulit ulit yung tanong sa kanya.

"Si Anna o si Nessa?!!!"  pasigawa na pagalit na tanong ulit ni Bella.

Dahil sa lakas ng boses ni Bella sa pangalawang tanong, lahat ay natahimik. At si Ken, biglang sumeryoso ang mukha.

"Si Nessa." mahinang sagot ni Ken.

Matapos masagot ni Ken yun, susuntukin pa sana ni Bella si Ken. Pero hindi na natuloy dahil kung itutuloy nya yun, paniguradong magagalit si Anna sa kanya. Ganyan nya kamahal si Ken.

Umalis na si Bella at bumalik sa homeroom na dismayadong dismayado. Sya pa ang naiiyak para sa best friend nya. Walang ka-alam alam ang section nila sa nangyari sa kabilang section, kasi nga maiingay din yung section nila pag walang klase.

Lumapit si Bella kay Anna.

"Bhez, sorry."  maluluhang sabi ni Bella

"Bakit? Sorry saan? Hindi kita maintindihan. Wala ka namang ginawang kasalanan eh." pagtataka ni Anna

"Sorry kasi, wala man lang akong nagawa para mapabalik sayo si Ken. Pinapili ko sya kanina between you and Nessa, pero bhez, si Nessa ang pinili nya. Awang awa na ako sayo bhez, nakikita ko kung anong effort ang ginagawa mo sa kanya. Sorry bhez wala akong magawa"  

Sandaling tumigil ang mundo ko. Para akong pinagsakloban ng langit at lupa. Hindi ako makahinga. Tama ba ang narinig ko? Sana panaginip lang ang lahat ng to.

Maya maya pa'y tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Umiiyak na ako na parang batang inagawan ng candy.

Ang best friend ko, umiiyak na din. Tila nasasaktan sya kasi nasasaktan din ako. At niyakap ako ng mahigpit ni Bella.

Takang taka man ang mga kaklase namin, wala na akong pakealam dun. Basta mairaos ko lang at gusto ko lang ilabas tong sakit na nararamdaman ko. Sakit. Sobrang Sakit.

SchoolLove SchoolLife "HighSchool" (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon