[March 2009]
After ng recognition para sa mga non graduating students nagayaan kaming magkakaklase na manuod ng sine baka daw kasi di na magkita kita eh.
Habang nakasakay kami sa jeep etong si Alexa, ang pinaka close ko sa aming magkakaklase ay nagsesenti mode habang nakikinig sa music ng sinasakyan naming jeepney.
Sorry Na - Parokya ni Edgar
Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na
Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo
At parang sirang tambutso na hindi humihinto
Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo
Sorry na
Ang nakakaloka, ang emo mode na nga siya tas nung biglang tumigil yung jeep mula sa mabilis na pagktakbo si Alexa muntik nang malaglag eh nasa dulo siya. "Aaaaayyyyyyy!!!" sabi naming mga girls "Hoy.." "Dali.." "Hala!" sabi ng mga boys tas bigla siyang hinila buti nakahawak siya sa jeep pagkaupo niya tinanong namin siya kung okay lang ba siya samantalang tong mga kolokoy boys tawa ng tawa halos humiga na sa jeep buti na lang at kami lang ang nakasakay magkakaklase (nakakaiyak tong scene na to para sa akin, hhhaaayyyy HIGH SCHOOL LIFE)
Nanood kami ng "Monsters vs. Aliens" at pagkatapos konting tambay sa SM then go na sa kaniya kaniyang bahay pero ako dumaan munang school kukunin lang yung mga gamit sa locker ko sa school di ko pa nauwi lahat eh.
Siguro lagpas 5pm na noong makapunta ako ng school buti kamo at anduon yung mga maintenance saka guards ng school kaya di nakakatakot. Pagkahakot (putcha! ambigat ah..) pero kinaya naman, habang naglalakad papuntang gate ng school bigla akong may narinig na mga lalaki sa bandang likod ko na ang ingay naramdaman ko na lang na lumapit yung isa "Ate, tulungan na kita.." sabi niya pagkakita ko si Macky pala "Ah sige, salamat" sabi ko sabay tawa "Bakit?" sabi niya na nakangiti "Wala lang" sabi ko, ewan ko ba imbis na idaan ko sa kilig bigla akong natawa eh (siyempre para di halata)
"Hatid na kita" sabi niya sabay para ng tricycle "Mga dre, mauna na kami ah" sabi niya sabay lagay ng gamit ko sa loob ng tricycle "Okay lang?" tanong niya sakin "Yes.." sabi ko "Sige mga dre.." sabay kaway niya saka sakay sa likod ng tricycle ako naman pumasok na.
Tinuro ko sa driver yung daan ng bahay namin tas pagkababa kinausap niya ko habang nasa tapat ng gate ng bahay "Ah, pwede.." simula niya, ako naman nakatingin lang habang binababa niya yung mga gamit ko sa lapag "Manliligaw sana ako.." sabi niya "Ha?" sabi niya, pakiramdam ko namumula yung mukha ko sa sobrang kilig (ata?) haha. "Sige" tuloy ko "Yes!" sabi niya sabay talon ng mababa "Yung gamit mo pala" sabi naman niya sabay buhat ulit sa gamit ko "Tara" sabi ko sabay bukas ng gate "Pwede pumasok?" sabi niya na di mapigil yung pagngiti "Yup" sabi ko, bago pa siya makapasok sumigaw na ko sa nanay ko "Ma! may bisita po" sigaw ko, nasalubong ko naman tatay ko nagmano ako "Good evening po" sabi niya pero nasa pintuan lang siya "Pasok iho" sabi ni papa "Sige po salamat" sabi naman ni Macky "Sino ming?" sabi ni mama (Ming ang tawag nila sa akin sa bahay) "Secret!" sabi ko, nasa kusina si mama mukhang nagluluto mga 6pm na rin kasi yun, "Upo ka muna Macky" sabi ko sabay turo ng upuan si papa nanunuod na ng tv nun "Bihis lang muna ako, Pa si Macky ah" sabi ko sabay punta ng kwarto.
Pagkatapos magbihis dumiretso muna akong kusina para magmano kay mama "Ma, schoolmate ko andiyan" sabi ko "Sabihin mo dito na kumain" sabi ni mama, pero bago ako makapunta ng kusina narinig kong naguusap si papa saka Macky "Iho, kung liligawan mo yang anak ko siguraduhin mo lang na di mo lolokohin pag sinagot ko kasi yung ate niyan maagang nagkaanak tas iniwan ng nakabuntis" sabi ni papa "Opo, di ko po lolokohin anak niyo gagawin ko lahat para sumaya siya kung sakali mang sagutin po niya ako" si Macky na nakatayo na at nakipagkamay kay papa, inabot naman ni papa yung kamay niya "Oy!" sigaw ko "Ano yan!" dugtong ko "Macky dito ka na daw kumain sabi ni mama ah" sabi ko "Okay lang pa?" dugtong na tanong ko naman 'Sige, okay lang ba sayo iho?" sabi naman ni papa sa kaniya "Opo, sige salamat po" sabi niya.
"Ate! tara na.." sigaw ko sa kwarto nila ate saka ng anak niya, 18 na ang ate ko nabuntis siya nung 16 pa lang siya, iniwan siya nung nakabuntis sa kaniya si Kuya Paul na classmate niya. Pamela pinangalan niya sa anak niya na 1 year old na ngayon, nagaaral ng 1st year college ngayon si ate buti na lang yung kuya namin na graduate na ng engineering ay nasa abroad at tinutulungan kami, pero si ate scholar din naman kaya walang masyadong problema.
Pagkababa ni ate kasama si Pam, "Oh.." sabi niya pagkakita kay Macky "Si Macky yan nanliligaw sa kapatid mo" sabi ni mama "Ma!" sabi ko sabay tingin kay Macky "Ah, ikaw ah ayusin mo lang" sabi ni ate "Ate!: sabi ko si Pam naman biglang lumapit kay Macky "Hello" sabi ni Macky kay Pam, pinalo naman ni Pam si Macky sabay takbo. Tumawa lang sila papa saka mama si ate naman kumuha na ng plato para pakainin yung anak niya.
Siguro almost 7.30pm na ng nakauwi si Macky "Salamat po tita, tito" sabi ni Macky "Ate, thank you din po" sabi ni Macky kay ate "Bye Pam" sabi ni Macky sabay tusok sa pisngi ni Pam "Sige po" huling sabi niya tas dumiretso na kami sa labas "Sige.." sabi ko "Wala bang goodbye kiss" tanong niya "Next time" sabi ko sabay dila sa kaniya "Haha" tumawa lang siya tas umalis na.
[April 2009]
Simula nung sinabi ni Macky na manliligaw siya halos 3 times a week siya kung dumalaw sa amin, minsan may dalang flowers, chocolates o kaya dougnut, pizza meron pa nga siyang binigay kay mama na orchids kasi mahilig si mama dun eh. Sumasama din ako pag may training silang mga varsity, sa school, sa village or subdivision. Tagapunas ng pawis, tagabigay ng tubig haha kahit mukhang tanga lang masaya naman (kilig lang)
Bago pa matapos yung buwan ng April si papa nagulat ako biglang inaya si Macky na makipaginuman daw eh sakto birthday ng pinsan ko na halos kapitbahay lang namin kaya tong mga loko loko kong pinsan at tito nakainuman ni Macky. "Ayos yang si Macky ah, pwede na" sabi ni ate sa akin "Haha" natawa lang ako "Oo nga, ang pogi" sabi ng isa kong pinsan "Hoy.. baka agawin mo pa yan sa akin ah" sabi ko "Baliw! may bf ako no.." sabi ng pinsan ko sabay nagtawanan na lang kami.
Hatinggabi na ng matapos yung mga kumag sa paginom "Ano ba yan!" sabi ko "Si Macky oh.. to kasi si papa eh" sabi ko "Ayos lang yan!" sabi nung isa kong tito "Ayos pala tong syota mo eh" sabi naman ng pinsan ko na papasok na ng loob ng bahay nila "Hindi ko pa yan boyfriend dun ka na nga" sabi ko "Pwede na to ming" sabi ni papa si Macky naman buti kinaya at di nalasing, nakatingin lang siya sa akin. "Kaya pa?" sabi ko sa kaniya "Yeah" sabi niya sabay tayo at yayakapin sana ako pero natumba bigla, sina tito saka papa natawa lang. Tinulungan ako nung ibang pinsan ko at hiniga sa sofa si Macky.
[Kinabukasan]
Mas nauna pang nagising sa akin sina Macky at papa kasi pagkababa ko sa kusina nagkakape sila samantalang si mama nagluluto ng pagkain "Oh gising ka na pala" sabi ni mama "Sabi ko dito hintayin ka eh" sabi ni papa sa akin sabay basa ulit nung hawak niyang dyaryo "Good morning" sabi sa akin ni loko, dumiretso naman akong banyo para maghilamos muna (habang pinipigil ang kilig kay Macky na ang pogi kahit bagong gising)
Pagkalabas ko ng banyo dumiretso agad akong kusina pero wala na si Macky "Wala na" sabi ni mama na nahalatang hinahanap ko si Macky "Tagal mo kasi eh" sabi ni ate sabay batok sa akin "Kainis naman" sabi ko sabay upo sa lamesa, tumawa naman sila pati si Pam nakitawa rin, ang liit pa naman ng boses hahaha.
Siguro nga eto na yung tinatawag nilang love, unang beses ko to na kinilig, napatahimik at nagmahal kaya naman isa lang ang hinihiling ko, na sana kung sagutin ko man si Macky at maging kami eh kahit maghiwalay kami sana magtagal naman at gusto kong sabihan tong si "heart" ko na hinay hinay lang at para naman kay "brain" hayaan mo muna si heart hahaha.
BINABASA MO ANG
Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)
Teen FictionA story of love that happened years ago. About someone's greatest "first love".