Magarbo, Masaya, wala ng ibang iniintindi pa. Masasabi kong perpekto na ang buhay ko.
Ngunit wala nga palang perpekto. Walang permanente.
Sa isang kisap mata gumuho ang perpektong buhay ko.
Parang kanina lang masaya pa ako pero kinalaunan umiiyak na.
Parang kanina lang na sa akin na lahat pero bakit unti-unti na itong nawawala sa akin.
Parang kanina lang napakalapit ko na sa pangarap ko pero biglang may humatak sa akin pababa.
Parang kanina lang andiyan pa siya pero paglingon ko iniwan na niya pala ako.
Ako si Eve Michelle Carter at ito ang istorya kong parang kanina lang perpekto pa.