Chapter 7 His condo

26 0 0
                                    

Yumi Pov

Nakapasok na kami sa sinasabi nyang condo. Nakakainis nga eh bakit ba kasi umulan hindi tuloy kami makauwi sa bahay namin kaya naisipan nya na dito nalang kami sa condo nya

Sya lang ang may alam ng password ng room nya hindi nalang ako tumingin. Para saan pa?? Ngayon lang naman ako pupunta dito.

" Tara " sya

Pumasok naman ako. Umupo ako sa couch nya. Ayos naman pala pala dito malinis. Aakalain mong hindi lalaki ang nakatira dito.

" Manghang mangha ka naman sa unit ko " napatingin ako sa likod ko at nakita ko si ken na tanging boxer lang ang suot

" Wah!! Hayop ka!! Mag suot ka nga ng tshirt dun! Hayop hayo-- " biglang naputol ang pag sisigaw ko ng maramdaman kong may nag yu yugyog sa akin.

Grabeng panaginip aakalain mo talagang totoo grabe.. tumingin ako sa paligid para tingnan kung nasaan na ba kami.

Nasa tapat kami ng isang malaking building. Ala? Andito kaya condo nya??

" Bakit tayo nandito? " Me

" Nandito condo ko eh " ken

What the? Baka mag ka totoo lahat ng panaginip ko??

" Bakit hindi nalang sa bahay ko? Hindi ba pwedeng dumaan don? Bakit sa sobrang lakas ba ng ulan hindi pwedeng dumaan dun? "Me

" Hindi naman. Pano ko malalaman e tulog ka, isa pa alangan namang hulaan ko kung saan bahay nyo " ken

Bakit ba kasi ako natulog??

Bumaba na sya. Ala ang lakas ng ulan eh. Pano na ako??

Nakaramdam ako ng parang may nakapatong sa likod ko. Jacket pala nya to.

Pano na to? Ito nalang gagamitin ko?

Lumabas na ako sa sasakyan at tumakbo na kaagad papunta sa loob ng building

Nakita kong papasara na ung elevator kung saan andun din si ken

Grabeng lalaki to, hindi man biniyayaan ni lord ng pag ka gentleman

Nahuli na ako kaya nasaraduhan na ako ng pinto.

Nakita kong floor no.5 sya hihintayin ko nalang ulit. Pero ang tanong? Anong number??

Naghintay ako ng 3minutes mga ganon tapos bumukas na ung pintuan bago ako makapasok nakita ko pa si ken na naka cross arm sya

" Ano na? Pumasok ka na.. nilalamig na ako " ken

Ahh kaya pala.. pumasok na ako sa loob
Tinanggal ko ung jacket ko tsaka binigay aa kanya

" Oh mukhang mas kailangan mo pa yan kesa sa akin eh " me

" No. Sayo na yan, pati labhan mo yan " ken

" Ang arte naman nitong lalaking to. Ako pa papalabahin nya?? Hi- " naputol ang binubulong ko ng mag salita ulit sya

" Rinig kita, wag ka nang bumulong " sya

Kaming dalawa lang ang nandito sa elevator ngayon

" Ayoko eh bakit ba? " Bulong ko ulit

Bago pa sya makapag salita bumukas na ung elevator

Naglakad na ako.. nauuna ako sa kanya hanggang mapansin kong wala ng sumusunod sa akin

Napatingin ako sa likod ko.

Nak ng.. asaan na ung halimaw na un?? Hinanap ko to. Dumaan ako sa gilid ng mga pinto para tingnan kung may nakabukas ba? Pero wala akong nakita hanggang sa mapadpad ako sa last na room.. room no.305

Pabalik na sana ako ng may Humila sa akin.

" Wah! Wag po. Gusto ko pa pong mabuhay " sigaw ko

" Ang ingay mo talaga " napamulat nalang ako ng may narinig akong mag salita

" Hayop ka ken! Akala ko pa naman kung sino.. ayaw mo kasing magsalita eh, kanina lagpas lagpas na pala ako tapos di mo man lang ako tinawag.. aba nga naman siguro di ka binigyan ng malakas na boses ni lord ano?? Kanina ko pa iniisip na hindi ka rin binigyan ng pag ka gentleman Ni lord kasi nga hindi bagay sayo " me

Aba?? Wala lang kibo?? Nakatingin lang sya sa akin

" Alam mo. Ang daldal mo " un lang ang sinabi nya

" Aba.. ganon talaga ako.. paki mo ba? " Me

" Bahala ka nga " sya

Nakita kong napaka kalat sa unit nya

" Ano ba yan. Ang kalat naman ng unit mo " me

" Hindi po kasi ako nag papapasok ng tao rito. Maliban sayo at syempre sa akin " ken

" Ahh " me

Mukhang kabaliktaran ata ang mangyayari ngayon.

Humikab ako..

" Nakakaantok " me

" Dyan ka, sa kwarto ako " ken

Hindi na ako nag pa tumpik tumpik pa. HuMiga na ako sa malambot at mahabang upuan.

" Hayy.. good night " me

Hindi nya ako sinagot. Bago pa ako tuluyang makatulog, nakaramdam ako ng isang unan at kumot sa mukha ko.. may pagka mabait din pala sya. Kaya lang ang masaklap binato nya pa sa mukha ko.

Inayos ko na ang mga iyon at natulog na.

Maaga akong nagising i think 5:30 am palang.

Aalis na sana ako pero hindi ko mabuksan ung pintuan. Pumunta naman ako sa kwarto ni ken. Pag bukas ko nakatalukbong sya ng kumot.

"Uy ken, aalis na ako. Kailangan ko ng umuwi " me

" Ok " yun lang sagot nya

" Anong password ng pinto mo? " Me

" 070809 " mahinang sabi nya

" Ok thanks " me

Pero bago ako makaaalis nadali ako sa table na nasa tabi ng kama ni ken. Nalaglag naman ung notebook na nakapatong sa lamesa nya kanina. Nasa ulunan ito ni ken. Natamaan pa nga sya eh. Pero di man lang nagising?

Kinuha ko ito. Napadikit ung kamay ko sa ulunan nya

Ang init nito. As in sobrang init. Hinapo ko kaagad to.

" Hala ken. May sakit ka.. ang taas nang lagnat mo " me

Hinawakan ko parin ung ulo nya.

Sobrang init talaga parang piniprito na ung kamay ko.

Ang kulit nya kasi eh. Ayaw nyang maniwala sa akin, na mas kailangan nya pang mag jacket kesa saakin.

Akalain mo naman, tinatablan pa pala ng sakit tong halimaw na to?

Ano pa nga bang magagawa ko?? Alangan namang iwan ko dito at manginig sa sobrang ginaw at sobrang taas ng lagnat nya?

Kukuha nalang ako ng tubig at bimpo para punasan sya. Papatayo na sana ako ng hawakan nya ung braso ko.

" Dont leave me " mahina nyang sabi pero tama lang para marinig ko

"Oo, kukuha lang ako ng bimpo tsaka tubig " me

Abala to eh. Dapat pumapasok na ako eh.

Binitawan nya naman ung braso ko.

To be continued.

Campus playboy Is My Boy bestfriend = Boy FriendWhere stories live. Discover now