CHAPTER 2: WRONG THOUGHT
© Prettyanelle .
" O ano pang tinitingin tingin mo dyan? Susunod kaba o susunod?
Dun lang ako ulit natauhan.
Ng magsalita na ang anghel ay este ang mataray na babae na nasa harapan ko ngayon.
" Ayy. Sorry, Susunod ako syempre. Gusto ko ngang marinig yung storya mo e"
At mabilis akong tumayo mula sa aking pagkakaupo.
Sumunod lang ako ng sumunod sa kanya.
Hanggang sa napunta na kami sa dulo ng village.
Ang tahimik at ang hangin dito.
Para ngang ang sarap ng dito tumira e, E kasi naman ang ganda talaga.
Minsan nga dadalin ko dito si Megan, Siguradong matutuwa yun.
" Upo na! "
Grabeee. Ang ganda talaga dito, Para kang nasa paraiso na.
" Huyy! Ano ba?!
" Ayy. Gorilya. - Pagitla kung sambit.
" Ha? Ano? Sinong gorilya ha?" - Angil nya sakin.
" Sorry. Ikaw naman kasi ginugulat mo ko, Ayan tuloy nakakapagsabi ako ng kung ano"
" Hmpp. E pano panay kang nakatunganga dyan"
" Sorry na o? Pleaseee. "
" Okay " -
Bigla syang humiga sa malinis at berdeng berde na damo.
" Ahmm. Miss, Anong pangalan mo? "
" Summer "
" Wow. Bagay na bagay sayo, Ang hot mo kasi" Pero syempre yung dulo hindi nya na narinig dahil hininaan ko na.
" Ano ? "
" Ahh. Wala, Bakit ka nga pala umiiyak kanina ? Ano bang nangyari ?
So ayun nga. Kinuwento nya sakin yung mga nangyari.
Nakipagbreak pala yung boyfriend nya dahil hindi na sya mahal at may mahal na itong iba.
Naiintindihan ko naman although lalaki ako.
Kasi kung samin din ni Megan mangyayari yun siguradong masasaktan talaga ng sobra si Megan.
Pero syempre, Hinding hindi ko yun gagawin sa kanya.
Mahal na mahal ko si Megan at kahit keilan hindi ko sya lolokohin.
MEGAN's POV
Pagkatapos ko kumain ay humilata ulit ako sa malambot kung kama.
At dali kung sinambot ang phone ko.
Hindi nagtetext si Krismyloves.
Sabay pakawala ko ng malalim na buntong hininga.
Matawagan na nga lang si best fwend.
BestAshleng dialling .....
Agad naman sinagot ng nasa kabilang linya ang tawag ko.
" Besssssssst " Pasigaw nya bungad sakin.
Grabe muntik na mabutas yung eardrum ko sa lakas ng bunganga ng babaeng ito.
" No ba yan ang lakas naman ng bunganga mo bruha " May pagkairita sa tono ko.
" Hihi. Sorry best fwend, I have to tell you something.