Yana's Wake

81 1 1
                                    

I woke up early this morning. I don’t know what’s with me pero feeling ko ang gaan ng pakiramdam ko. I reached for my iPhone which is only on the side table and I checked it if I received any messages or calls. I felt disappointed when I saw that my boyfriend hasn’t texted me yet. We had a misunderstanding yesterday. Actually nagtatampo ako sa kanya. How could he forget our fourth anniversary?! Di naman ako yung tipo ng girlfriend na super demanding pero sana nagsorry na lang siya sakin at niyaya na lang niya ko kumain kami sa labas, mas okay pa yun! Mawawala pa tampo ko sa kanya nun. Madali ko naman ma-appreciate ang mga bagay. Ang kaso, sinabayan niya pa yung tampo ko. Kesyo, pagod na pagod na daw siya, masakit na daw ulo niya dahil sa thesis na dapat niyang tapusin, blah blah blah. Naiintindihan ko naman siya, lalo pa’t isa siyang Med Student. Pero kahit sana manlang konting effort, naglaan siya. Nasigawan din niya ko kahapon na ang dami ko daw arte at buti nga daw, sinundo pa niya ko sa University (magkaiba kami ng school na pinapasukan). First time niyang masigawan ako at taasan ng pride, tulad nito. Di pa siya nagtetext. Kaya naman lalong sumama yung loob ko.

           

Buti pa ang best friend kong si Vanessa, ang daming text sakin. Kaso pare-pareho ng laman. Pumasok daw ako ng maaga para asikasuhin yung mga dapat naming ipasa. Malapit na ang graduation pero kung anu-ano pang hinihing requirements.

           

Bumangon na ako para makapag-ayos na papasok sa school ng mapansin kong basag yung salamin ng sliding door sa balcony ng kwarto ko at nakabukas ito na siyang labis kong ipinagtataka. Sa pagkakatanda ko kasi, isinara ko iyon kagabi. Wala din akong kaide-ideya kung bakit basag iyon. Isa pang ipinagtataka ko eh may nagkalat na dugo sa sahig. Feeling ko si Kuya Jules ang may gawa nito -_- He loves to play pranks lalo na sakin. Ewan ko ba kung bakit ako na lang lagi ang trip nun. Nasanay na lang din ako. Di ko na lang muna pinansin iyon at naghalungkat na ko ng damit na isusuot ko. Today is wash day so I won’t wear my school uniform.

           

Papunta na ko sa banyo para maligo. Bakit parang ang tahimik? Usually every morning, nakabukas yung TV dahil nanunuod ng news si Papa habang nagkakape at si Mama at kuya naman eh palaging nagaasaran. Para lang kasi naming tropa si Mama.

           

“Ma? Pa? Kuyaaaaa?” sigaw ko habang pababa ako ng hagdaan. Sinilip ko sila sa mga kwarto nila pero wala sila doon. Wala din sa family hall. Wala din sa kusina.

           

Ah! Alam ko na. Maybe they’re busy preparing a surprise for me. Nabanggit ko kasi sa kanila last night na Magna Cum Laude ako at aakyat sila ng stage para sabitan ako ng medal sa darating na Graduation Day namin. Di ko din naman sinasadyang marinig ang usapan nilang tatlo kagabi na they will have a little surprise party for me. Tama. Yun na nga yon siguro.

           

Nakaayos na ko at ready to go na. Nakita kong magulo pa yung kama ko kaya I decided na ayusin muna ito. Magagalit na naman kasi si Mama. Baka sabihin na naman nun eh, sa tanda kong ito eh kailangan pa ko ipagayos ng beddings. Nang maayos ko na ito, napansin kong may blood stain yung bed sheet. Weird. Kakatapos ko lang kasi. Nasa ganyang pagiisip ako ng may magtext. Excited pa ko dahil baka ang boyfriend kong si Justine na yun. Pero yun pala si Vanessa lang. Tinatanong niya kung nasaan na daw ako. Umalis na ko ng bahay at naglakad na papunta sa school. Buti na lang at walking distance lang yung school namin. Ayaw kasi ni Vanessa ng nagiintay.

Yana's WakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon