TiredKinabukasan sabay kaming pumasok ni Ivan sa school. Sinundo n'ya ako sa bahay, pero hindi sumabay samin si Mico. Hindi pa rin daw kasi s'ya kampante kay Ivan baka raw saktan n'ya ulit ako.
"Ivan, sorry ah."
Lumingon sya sakin habang naglalakad kami.
"Sorry saan?""Sa inasal ni Mico kanina."
Pinagsiklop n'ya ang mga daliri namin at hinigpitan ito. "Nah. Deserved ko yung trato n'ya saking ganun."
Hindi na ako nagsalita pagkatapos n'yang sabihin yun, hindi na rin naman s'ya nagbalak na magsalita pa. Pagkarating namin sa harap ng gate ay humiwalay agad s'ya sakin na s'ya namang ikinagulat ko.
"B-bakit?"
"Dito rin nag-aaral si Kreyzel. Sorry, baka makita n'ya tayo. Pero 'wag kang mag-alala, liligawan ulit kita Ali, hangga't sa makuha ko ang matamis mong oo." Niyakap n'ya ako saka bumulong "Mauna kanang pumasok. Aantayin ko pa si Kreyzel dito."
Humiwalay na ako sa yakap at tumango sa kanya. Dahan-dahan lang ang hakbang na ginawa ko at nilingon si Ivan ng isang beses. Pagkalingon ko sa kanya ay nakita ko na s'yang hinalikan sa labi si Kreyzel, mabilis lang naman yung halik pero masakit.
Iniwas ko ang tingin ko nang napasulyap sakin si Kreyzel. Umalis na ako sa kinatatayuan ko't dumiretso na sa room.
"Ali! Binalikan mo ulit si Ivan?" Bungad sakin ni Aly nang maka-upo ako sa upuan ko.
"Hindi pa." Tipid kong sagot.
"Hindi pa? So may balak ka?"
"Oo?" Patanong na sagot ko rin sa kanya.
"Tsss. Nakoo Ali! Pero naniniwala naman ako sa kasabihan na "Love is sweeter the second time around." Malay mo mag work na yung relationship nyo this time. Support lang ako sayo bessy. Basta pag sinaktan ka n'ya ulit nakoo humanda sya sa sakin." Inangat n'ya ang braso nya at pinakita ang kanyang muscle kuno pero puro buto naman.
"Kala mo talaga malakas." Asar ko sa kanya.
"Hindi mo malalaman hangga't hindi mo pa nakikita, Ali. Well, try me. You don't want to see a monster inside my angel face and body."
Inirapan ko nalang s'ya sa sagot nya sakin. Umupo na rin si Aly sa upuan nya at saktong pag-upo n'ya ay sya namang pagpasok ni Ivan. Nilagay n'ya muna ang bag nya saka lumapit sakin.
May dala s'yang isang rose na may card na may nakasulat na "Alliah Blythe Fuentez soon to be mrs. Anderson, I love you so much." Napangiti ako nang inabot n'ya sakin ito.
Liningon ko si Aly na masama ang titig kay Ivan. Sasawayin ko na sana si Aly kasi nakatingin sa kanya si Ivan kaso huli na, dahil kinausap na s'ya ni Ivan.
"Hi Alyssa, good morning." Magalang na bati ni Ivan sa best friend kong di na maguhit ang mukha ngayon.
"What's good in morning?" Mataray na sagot nito.
"Sorry for hurting your best friend. Hindi ko ginusto ang nangyari."
"Shut up Ivan! Kung si Alliah ay na-uto mo at napaniwala mo sa kung ano mang sinabi mo sa kanya, pwes ako hindi. Pero kung binigyan ka na ng second chance ni Ali then don't waste it. If you really love her, then do everything.. everything, Ivan everything.. for you to win her back."
"No need to tell me that Alyssa. Gagawin ko talaga ang lahat para mapasa-akin s'ya ulit."
Palihim akong ngumiti sa sagot ni Ivan. Ewan ko ba kahit na nasaktan n'ya na ako ng sobra nagawa ko pa ring ngumiti at kiligin sa mga banat n'ya.
"Mabuti kong ganun" mataray na sagot pa rin ni Alyssa.
Imbes na sagutin si Aly ay binaling ni Ivan ang tingin n'ya sakin.
"Mamaya, punta ka sa bar. Sama mo na rin si Alyssa. Iloveyou." Pagkasabi n'ya nun ay bumalik na s'ya sa upuan n'ya.Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ako sa bar. Malamang sa malamang dun ulit kami sa Delcherro bar kung saan nangyari ang lahat, hayss. Pero nag-explain naman na s'ya kaya ok naman na siguro? Pero 'di pa rin maalis sa isip ko na pupunta kami sa bar kung saan nahuli ko s'yang may kahalikang ibang babae sakto pa sa two years anniversary namin.
Dumating na ang professor namin kaya natigil ako sa pag-iisip. Tumahimik na rin mga kaklase ko. As usual, bumabalik na naman si prof sa nakaraan, speaking of nakaraan.
Na-realize ko na may magandang naidu-dulot naman pala ang pait ng nakaraan. Oo, nasaktan ka o umiyak ka man pero hindi mo maipagkakaila na ng dahil dun ay mas naging matatag ka.
Dahil sa nakaraan ay natuto ka.
Hindi rin naman nag tagal si prof at naging mabilis naman ang takbo ng oras. Pagka-uwian ay gaya ng dati nasa ground kami ni Aly para antayin ang kapatid ko at si Ivan.
Habang naglalakad papuntang ground ay nakita ko si Ivan at Kreyzel na kakatayo lang, hahatid n'ya na siguro si Kreyzel tapos babalik s'ya dito mamaya para ako naman ang ihatid? Mapait akong ngumiti.
Isang puso, dalawang tao ang nasa loob. Gaano kaya kalaki ang puso ni Ivan at nagkasya kami? Hayss. Naaawa na rin ako sa sitwasyon naming dalawa. Kung hindi lang dahil sa business malamang masaya kami ngayon ni Ivan.
Umupo na kami ni Aly sa damuhan. Isinandal n'ya ang ulo nya sa akin.
"Ali, hindi ka ba nahihirapan?" Tanong nya sakin.
"Tired. So tired. Pero anong magagawa ko? Ayaw ng pamilya nya sakin? Sino ba ako para kalabanin sila? Magulang sila ng taong mahal ko." Malungkot kong sagot kay Alyssa.
"Why don't you try Ali? Try to talk to his parents. Sabihin mo na kung anong alitan nila ng magulang mo labas na kayo roon ni Ivan. Hindi paman ako ganun ka boto kay Ivan pero ayaw kong nakikita kang nahihirapan."
Suminghap nalang ako dahil sa napag-usapan namin ni Aly.
Hindi nagtagal ay dumating na ang kapatid ko at sumunod naman si Ivan.
"Ano Ali? Hatid kita sa bahay nyo tapos mamaya magkita nalang tayo sa bar?" Bungad ni Ivan sakin.
"Uhm" bumaling ako sa kapatid ko "Mico? Ayos lang ba? Uuwi akong maaga, hindi ako magpapagabi."
"As.if may magagawa ako ate pag humindi ako diba?" Sarkisto nyang sagot.
Pagkahatid sakin ni Ivan sa bahay ay umalis na agad sya. Sabi nya'y magkita nalang daw kami sa bar.
BINABASA MO ANG
Still Into You
Short Story•Completed Sa pagbalik mo ay babalik din ang kinakatakutan ko. - Copyright. Estrellajewel