Crush kita NOON pero hindi na NGAYON

39 7 15
                                    

"Ano ba Zake?!" singhal ko sakanya.

"Aerin baby naman eh" nakangusong sabi niya. Eww What a gross.

"Tigilan mo ako Zake!" sigaw ko ulit. Pinagtitinginan na kami dito sa Hallway pero wala akong pakealam!

Aalis na sana ako ng bigla akong yakapin ni Zake mula sa likod ko.

Naginit ang pisngi ko at sure ako na namumula na ako sa mga oras na ito.

"Hindi mo na ba talaga ako Crush?" may halong lungkot niyang tanong. Nangunot ang noo ko. Hinarap ko siya.

"Sinong nagsabi sayong Crush kita?! Noon lang yon pero hindi na NGAYON! gets mo?!" napaigtad siya sa pagsigaw ko at biglang napabitaw ang mga braso niya sa bewang ko. Tss serves him right! Parang bigla namang lumambot ang ekpresyon ko ng makita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya.

"Ah ganon ba?" pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin at tumalikod na bago magumpisang maglakad palayo sakin.

***

Nandito ako sa Canteen at nageemo ng biglang dumating si Zei, hindi ko na lang pinansin dahil wala naman akong sasabihin.
Isang linggo na ang nakakalipas ngunit hindi parin ako pinapansin ni Zake.

"Uy Aerin! Bakit ganyan mukha mo?" biglang sabat ni Zei sa gitna ng pageemo ko.
Nga pala, Kapatid ni Zake si Zei.

"Maganda" sagot ko na lang para di niya mahalatang may iniisip ako.

"Sus. Nga pala, si kuya may Gf na!" Parang bombang sumabog sa utak ko ang mga salitang shinare ni Zei. Dalawa lang silang magkapatid kaya sure ako na si Zake ang tinutukoy niya.

"Omygod! Ang sweet-sweet nila! Kaiyak" sabi niya pa.

"Kaiyak nga" sang-ayon ko.

Akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni Zei. "Besh, san punta mo?"

"Try to unwind" maikling tugon ko baka mapahaba pa ang usapan.

Paalis na sana ako ng marining ko ang sinabi ni Zei sa akin. "Besh, kaibigan kita at mahal kita pero sana wag mo nang sasaktan si kuya. Bawiin mo siya kung kinakailangan. I trust you Besh"

***

Hanggang ngayon ay may hangover pa ako sa Bombang sumabog sa utak ko. Naglalakad ako ng magisa dito sa Hallway. What i mean magisa is wala akong kasama not walang tao dito.

Naalala ko tuloy na dito ko nakita ang sakit sa mukha ni Zake.

Sabi niya Mahal niya ako.

Hindi ba niya alam yung 3 months rule?!

Bakit naghanap agad siya ng iba?!

Bakit parang madali lang para sa kanya ang ipagpalit ako?!.

Maraming mga tanong sa isip ko. Pero nagulat ako ng may sumagot...

As far as i remember, wala siyang sinabing mahal ka niya. So wake up! kasi hindi naman talaga.

Anong 3 months Rule ka dyan! Di naman naging kayo!

At anong naghanap agad siya ng iba? e diba ikaw itong nagtaboy sa kanya?

And syempre madali ka lang naman palitan ang most of all wag mo itanong yan dahil WALA NGANG KAYO!

Crush kita NOON pero hindi na NGAYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon