Camila's POV
Nasa rooftop na ako kung saan magmemeet kami ni Jaeden. Rooftop kung saan nangyari ang lahat. At ang rooftop kung saan nag-confess kami sa isa't isa.
11:00 na ng gabi. Nandito na rin siya. Hindi ko alam kung ano o paano kami mag-uusap. I just want to clear things up.
"Camila, since the very first meeting, minahal na kita. You're an extraordinary and the only girl na nagpabago sa akin, all throughout o sa lahat ng ex ko. Maybe, we can be friends again? Please. Camila, I'm begging you." naluluha niyang sinabi sa harap ko. Ang sakit talaga nang ginawa niya sa akin. Walang patawad. Hindi ko makalimutan, kahit naman 2 years na ang nakalipas, bakit ganito pa din ang nararamdaman ko? Magkahalong galit at lungkot ang nasa puso ko.
Pinunasan ko yung luha ko sa aking mukha. Siguro nga, hindi kami para sa isa't isa. Siguro panahon na para magbago.
"Jaeden, please. Wag mo namang gawin 'to sa akin. Nahihirapan din ako. Hindi lang ikaw. But maybe, itong sasabihin ko ay makatulong para mainitindihan natin ang isa't isa." sabi ko without looking at him ni isang beses. Ayoko na pagod na ako. Tama na.
"Please give me another chance, Camila. Please." nagmamakaawa niyang sabi. Ganito pala ang feeling nuh? Kapag hindi na ikaw ang naghahabol sa mahal mo.
"Maybe, we're not meant for each other. Maybe, we're ill-fated. I'm sorry but I got to go. Please take care of yourself. Don't beat yourself up." sabi ko sabay tanggal nang pagkakakapit niya sa akin at umalis na parang walang nangyari.
Ganun pala ang masaktan nuh? Masaktan ng paulit-ulit ng iisang tao lang nuh? Ganito pala. Kaya yung iba nagcocommit ng suicide.
Naalala ko pa ang dating Camila na simple lang, walang kaarte-arte, walang kaibigan. Nerd in short. Mas maganda pa ngang mabuhay nung binubully pa ako.
Ganito pala. Now I understand why people are getting depressed kapag naloloka sa pag-ibig. Pag-ibig nga naman.
Great, nabiktima din ako ng love. Love? Tingin ko yan ang pinakamalaking problema sa buhay nuh? Sinong nag-imbento ng salita na yan? At makausap nga. Kasi nahihirapan na ako eh.
YOU ARE READING
Fate | 태니
Teen Fiction"Please give me another chance to prove myself that I'm worth it. And we are not ill fated." -Jaeden and Camila ©2018