VIII

770 23 0
                                    

Hingal akong napahawak sa tuhod habang naghahabol ng hininga dahil sa pagkaripas ko ng takbo kanina palabas sa subdivision. Paniguradong wala na akong ligtas sa pagbuga ng apoy ni Matilda mamaya pag-uwi ko sa bahay.

Nagtatakang mga tingin ang ipinukol sa akin ng guard na nagbabantay sa harap ng subdivision. Tipid akong tumango at naghintay na ng masasakyang taxi.

Nasa labas pa lamang ako ng Cafe Illustrado ay tanaw ko na ang mga lapastangan kong kaibigan na nakaupo sa pinakasulok ng cafe.

Puno ang coffee shop at mukhang hindi magkamayaw ang mga waiters sa pagseserve ng order. Ni isang bakanteng upuan ay wala akong makita. Ngayon ang Grand Opening week ng coffee shop na ito kaya siguro punong puno ito. At isa pa, sikat agad ito sa mga kababaihan dahil ang mga waiters at cashier daw rito ay pitong magpipinsan na mga yummy'ng kalalakihan.

Nang pumasok ako ay agad na kumunot ang aking noo ng makita ko ang limang lalaki na naroroon din sa lamesang inu-okupa nila Yvonne. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha.

Napangiwi ako. Sino naman ang mga ito? Mga bagong lalaki ni Aaron?

Si Tara ang unang nakakita sa akin at agad niya akong kinawayan. "Bakla, halika rito. Bilis! Para kang lumalakad sa buwan d'yan."

Sinamaan ko siya ng tingin at agad na lumapit.

Ngunit ang unang sumalubong sa akin ay ang pagmumukha ni Duke at ng mga kabanda niya.

Wait.

What?

Si Duke at ang kabanda niya na naman!?

Ngumisi ng nakakaloko si Duke at bahagyang sumimsim sa pink lemonade na hawak. Hindi pa nito nailalapag sa lamesa ang hawak na basa ay masigla na agad itong bumati na may halong sarkasmo, "Hi, Ave Maria!"

"What the heck was that?" Tanong ko habang nakatingin sa repleksyon naming limang magkakaibigan sa malaking salamin sa comfort room ng cafe.

"We already told you. Nakiupo lang sila kasi wala ng vacant table," Paliwanag ni Yannie habang naglalagay ng lipbalm sa maputla at dry niyang labi.

Bumukas ang isa sa mga cubicle at lumabas mula roon si Yvonne, "Grand opening ngayon ng coffee shop so normal lang na jam-packed 'to."

Totoo namang puno nga ang coffee shop. But still!

Nalaglag ang mga balikat ko at sumimangot sa sariling repleksyon sa salamin.

Mukhang wala rin naman akong magagawa. Nakaupo na sila eh. Kahit papaano ay may manners pa rin naman ako para hindi sila paalisin sa kinauupuan nila. Maybe, I just need to endure it. Sandali lang naman.

Little did I know na ang 'sandali' na iyon ang isa sa pinamahiram na oras sa buong buhay ko.

"Oy, Ave Maria. Bakit kung saan ako nagpupunta, nandoon ka rin? Siguro stalker kita 'no?"

"Ave Maria, bakit ang bantot ng pangalan mo?"

"Buti pa 'yong mga kaibigan mo, mababait. Bakit ikaw hindi?"

"Nagmemenopause ka na ba?"

"Ave Maria, alam mo ba, 'yung yaya ko Maria din ang pangalan. Baka s'ya ang tunay mong ina."

"Ave Mari-" Bago niya pa maituloy ang binabalak niyang sabihin ay kaagad na tinakpan ni Benj ang bibig niya.

Lumingon sa akin si Benj, his remorseful eyes piercing through mine, "Pagpasensyahan mo na 'tong lalaking 'to. Lumaklak yata ng kahon kahong chocolates, sumobra sa pagiging hyper."

Tipid lamang akong tumango.

Tahimik naming nilantakan ang mga muffins at frappes na nakahain sa harapan namin.

Love? Nakakain Ba 'Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon