Diretso ang tingin ko sa board habang matamang nakikinig kay Ms. Lavinia na kasalukuyang nagtuturo ng Trigonometry. Just a peice of cake for me. Sa lahat ng subject, Math lang yata ang kaya ko. Kahit hindi ko pakinggan ang mga itinuturo niya ay pihadong papasa ako. I'm not bragging, pero parang gano’n na rin.
Tamad lang naman akong magparticipate sa mga group activities at projects pero may silbi pa rin naman ang utak ko.
Abala ito sa pagsusulat ng equations sa pisara ng may kumatok sa pintuan. Ilang sandali lamang ay bumukas ito. Bumungad sa amin si Aira, ang nahalal na presidente ng SC.
Kimi itong ngumiti kay Ms. Lavinia bago nagsalita.
“Good Morning po, ma'am. May I excuse Avia for a moment? We'll be having a meeting at the Student Council's office.”
Agad namang pumayag si Ms. Lavinia,“Okay,” Lumapit siya sa akin at binulungan ako, “Just review the new lessons at home. May pa-surprise quiz ako bukas. Shh.” Tapos ay kumindat pa ito.
I looked at her, mouth agaped. 'E 'di hindi na surprise 'yon! Lakas ng tama.
I groaned for the nth time today. Hinipan ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking mukha at patuloy na nagtipa sa laptop na nasa aking harapan. Habang si ma'am Chua ay patuloy na nagsasalita sa harapan namin. Ipinapaliwanag nito ang mga schedules at activities ng SC sa buong taon.
I'm the one in charge in making the minutes of the meeting. Malamang, ako ang secretary 'e.
“'Yung mga activities na 'yon ay hindi pa fixed. There's a big chance na mabago pa ang mga 'yon. Avia, idagdag mo iyon sa minutes.” Saad ng ginang.
I cracked a lopsided smile, “Noted, Ma'am.”
Tumagal pa ng ilang minuto ang meeting bago ito tapusin ni Ma'am.
“Okay. Meeting adjourned.” Tumingin ito sa relo nito na nasa kaliwang pulso, “Lunch na pala. Kumain na kayo.”
We bid goodbyes to each other. Syempre hindi mawawala sa paalamanan ang mga korning jokes at tawanan.
“Av, I need the minutes of the meeting on my desk ASAP. Ipasa mo 'yan bago matapos ang lunch n'yo.”
Tumango na lamang ako at nagtungo na sa cafeteria.
Iilan lamang ang mga estudyante sa cafeteria kaya naman mabilis akong nakahanap ng mauupuan. As usual, sa pinakasulok at pinakadulo ako naupo para tahimik.
Nang mailapag ko ang laptop sa lamesa ay nagsimula na ulit akong magtipa.
I bit by lip while trying to suppress my hunger. Kahit na gustong gusto ko ng itigil 'to at kumain na lamang, hindi ko magawa. Kagaya nga ng sabi ni Ma'am Chua, I need to pass this report asap. Ito ang pinaka-una kong task as the secretary of the SC simula ng magsimula ang school year na ‘to, kaya nakakahiya naman kung late kong maipasa.
Matapos ang ilang minuto ay hindi ko na rin kinaya. Mabilis ang mga hakbang ko patungo sa counter para bumili ng pagkain.
Hindi maaaring hindi ako kakain. Hindi pwede. Hindi ko kaya!
Nang maibigay na sa’kin ang binili ko ay nananakam ko itong tinitigan.
Kung nakalalusaw lang ang tingin, paniguradong kanina pa naging lugaw itong Fettucini ko.
Agad akong naglakad pabalik sa table ko ngunit malayo pa ako ay namataan ko na ang nakakairitang mukha ng tukmol na si Duke na pinapakialaman ang laptop ko.
Halos magkandarapa ako ng takbuhin ko ang pagitan namin.
Kapag nand'yan si Duke, laging nagkakaproblema! Baka madamay 'yong laptop ko!
BINABASA MO ANG
Love? Nakakain Ba 'Yun?
Fiksi Remaja"I'm not afraid of heights, deep oceans, and being in love. I'm afraid of falling, drowning, and getting hurt. I'm not scared of commitments, I'm scared of giving my all to someone and ending up with nothing again."