Letting Go Letting God
By Al La"Mahal, pasensiya na. Tinatawag niya ko." Noong una hindi ko maintindihan kung anong ibig mong sabihin. Humarap ka sa altar at sinabing "Kailangan 'kong tumugon. Magpapari ako. Patawarin mo ko pero ito na ang sinisigaw ng puso ko."
Halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa mga narinig ko, gusto 'kong magalit pero para sa'n pa? Mahirap kalabanin ang siyang nagsakripisyo para sa'tin. Gusto 'kong ipakita sayo kung gaano kasakit pero nilabanan ko. Tinitigan ko ang mga mata mo sa huling pagkakataon at wala na 'kong nasabi kundi ang "Mahal kita. Masaya ako para sa'yo. Ngayon alam mo na kung anong gusto mong gawin at swerte ka dahil tinawag ka niya, maswerte ka dahil mayroong Kristo sa puso mo. Kahit kailan, huwag mong iisipin na masama ang loob ko. Asahan mo, palagi kitang susuportahan kahit maging ilang milya pa ang layo ko sayo. Masayang masaya 'ko para sa'yo."
Masaya 'ko para sa 'yo.
Iyan na lamang ang nasa isip ko habang unti unti kang bumibitaw mula sa mga yakap ko. Pinigilan 'kong tumulo ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko kahit sa totoo ay nilalamon na 'ko ng sakit mula sa mga katagang sinabi mo.
Niyakap kita hanggang sa maubos ang oras na akin ka pa. Ramdam ko ang saya sa puso mo dahil hindi pa kita nakikitang ganoon ka-saya. Hanggang sa natapos ang araw na umuwi tayo ng magkahiwalay, bahala kung kailan tayo magkita.
Ilang taon na ang lumipas at kahit papano ay nakalimot na 'ko pero minsan syempre, hindi maalis sa isip ko kung masaya ka ba d'yan, kung ayos ka lang ba, o kung ano nang lagay mo. Nagtiwala nalang ako sa kanya sa kung anong mangyayari, sabi nga nila "Come what may." nalang. Maraming nangyari sa loob ng panahon na 'yon, marami akong nakilala pero may isang taong bumangon sakin nung magkahiwalay tayo. Nakilala ko si Rick Masayang masaya kami sa relasyon naming, pareho naming nakikita ang hinaharap ng magkasama. Siya ang naging mundo ko magmula noong mawala ka sa tabi ko. Ibang iba si Rick sa'yo ngunit tila may pagkakapareho kayo sa t'wing hinahawakan niya ang pisngi ko kapag hahalik, ramdam ko ang kamay mo pero siya ang hawak ko, gustong gusto kong naririnig ang mga salitang "Mahal na Mahal kita." Pero bakit sa t'wing sinasabi niya ay boses mo ang naririnig ko? Anong kailangan kong gawin para makalaya? Anong kailangan kong gawin para magpalaya?
Nasanay na 'ko sa mga gawi ni Rick at tila unti unti na kitang nalilimutan. Patagal na ng patagal ang relasyon namin ngunit pasira narin ng pasira. Pinagplanuhan naming mag pakasal dahil inakala naming iyon ang magiging solusyon. Nagkasundo kami na pipilitin naming hindi gumawa ng ikasisira ng relasyon namin bago kami ikasal. Planado na lahat, ang kulang nalang ay 'yong gusto niyang bachelor at bachelorette parties. Pumayag ako na gawin 'yon. Ang mga kaibigan namin ang naghanda nito para samin at pareho kaming walang alam sa mga mangyayari. Natapos ang gabi ng bachelorette party ko at hindi ko namalayan na ang daming missed calls at texts na nagsasabi na napagtripan sina Rick sa lugar na pinuntahan nila at nagtamo ng ilang matitinding galos sa katawan. Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na 'yon kaya naman dali dali akong pumunta sa ospital kung san siya naroroon. Nakita ko ang mga kasama niya na may mga pasa sa katawan ngunit si Rick. Agaw Buhay. Nagumpisa raw ito nang maglakad sila upang magpahangin nang may mga lalaking lumapit at pinagkamalan silang mga adik. Nilabanan daw ni Rick kaya siya ang pinaginitan. Nang marinig ko ang kwento ay walang tumakbo sa isip ko kundi galit at lungkot. Tumungo ako sa chapel at nagdasal ng panandalian.
BINABASA MO ANG
Antholovegy
Short StoryHugotSeminarista's compilation of Seminarian-related #Oneshots by different authors.