The First Day

2 0 0
                                        


Habang nagpapatuloy sa ng introduction in class, I've noticed that this boy behind me is sweating. Parang nenyerbos ata siya. Di ko alam kung dahil ba kay Louisa o sa introduction.

Siya na ang nag introduce sa kanyang sarili, " Ako si Cwyth Rynus Hernalo, you can call me Cwyth or rynus. I dislike bullies and boring classes." strait to the point tong si Mr. Rynus. " I like her" dagdag niya. Hindi mn niya tiningnan si Louisa pero halatang siya yung pinariringgan niya. Di ko alam kung alam ba ni Louisa na gusto siya nito.

Natapos nang maaga ang tatlong subjects na introduction lang ang inaatupag. Recess time na, mag sasnacks sana ako kaso wala akong kasamang lalabas. Pero lumabas parin ako. Di kasi nakukumpleto ang buhay ko kapag di ako nakakapag hugot. 

Pag labas ko saktong nandoon sina Mr. at Mrs. Ramirez ang pinakamatagal na mag syota sa buong campus. 4 years na sila sweet pa din. Pero ang iba 5 months palang parang weather na ng december COLD. Pero mag hihiwalay rin yan. Naniniwala kasi akong hindi sa pagiging matagal ang successful na relationship, nasa pagiging TTT, tunay, tapat at totoo. Mr at Mrs. Ramirez na yung tawag namin sa kanila kasi puro Ramirez sila di naman magkamag anak.

"Mrs. Jenny Ramirez, di ka ba napapagod sa katititig sa mukhang yan? Mag hanap ka nanang iba WALANG FOREVER!"sambat ko

"HAHAHA may nag bibinitter nanaman. Di ako napapagod at kaylan may di ako mapapagod."  ang sweet nun nakakadiri

"eywww ewan ko sa inyu, maghiwalay nga kayo!" tumawa lang sila sa sinabi ko

Pumunta ako sa new locker ko para ilagay ang mga notebooks. Di naman nagagamit introduction lang naman ngayon. 

Pagkatapos kong ilagay ang mga notebooks ko ay umalis din ako ka agad. Sa paglalakad ko nakita ko ang EX bestfriend ko kasama ang EX boyfriend ko. Tama sila nga, kaya naging EX kasi sila. Naku maghihiwalay din yan walang nag tatagal sa lalaking yan. Ewan ko nalang sa EX bestfriend ko, sinabihan ko na nga siya na wag patulan yan pumatol din. Di naman niya deserve ang EX ko Play boy ito, niloloko lang siya nyan.Pero ayaw maniwala ehh sabi niya mahal niya daw kaya kung kaibigan niya talaga ako hahayaan ko siya. Syempre di ko siya hinayaan at yun nag away kami. Kaya wala akong ganang lumabas dahil wala akong kasama. Nag bibinitter ako dahil lang sa kanila. Sakit ehh ang Bestfriend mo lang ang aagaw sa syota mo,saklap. Pero di ko pinapahalata na selos ako sa kanila. Kahit minsan din naman kahit pangit ang ugali ng lalakeng yan ay minahal ko naman din yan. 

Pumunta nalang ulit ako sa classroom at nakita kong kaisa-isang tao sa loob, si Louisa. Linapitan ko siya. Magkaklase kami noong elementary pero di kami close, I'm curious about her. di ko siya masayadong nakilala noon at gusto kong makilala siya ngayon. Masyadng known na kasi siya compare noon. Mas rumami ang nag kakagusto sa kanya, pati na rin siguro itong si Rynus. 

"Hi Louisa" bati ko sa kanya.

Nagulat siya saglit at nung nakilalang ako pala ay ngumiti siya." ahhh He..hello Anne" pag aalinlangan niyang tungo.  

"ba't nandito ka lang, ayaw mo bang mag snacks?" tanong ko sa kanya at umupo ako sa silya ni Rynus.  

Hindi niya sinagot ang tanong ko at umiwas ng tingin.Parang nalungkot siya. " oh bakit may nangyari ba?" tanong ko sa kanya

"wala, eh kasi yung bestfriend ko pinagpalit ako sa iba" ang sabi niya at yumuko

"Buti nga yung bestfriend mo lang ang nawala sayo pinag palit ka lang sa ibang kaibigan. Eh sakin hiniwalayan ako ng Ex ko dahil may pag tingin siya sa Bestfriend ko tapos yung bestfriend ko mas pinili ang Ex ko kaysa makasama ako saklap lang" 

Tumingin siya sa akin at nagsalita"kaya ka pala bitter? Hindi ka pa ba nakakamove on?"

"ako hindi pa naka move on? tssss matagal ko na siyang kinalimutan"totoo yun hindi ko na sila pinapansin at pinakekealaman. 

Maya-maya'y pumasok  na ang iba naming kamag aral, kaya lumipat na ako sa pwesto ko. Nung naka upo na ako ay tumingin uli ako kay Louisa. 

" Kain tayo ng sabay mamaya, kung okay lang sayo, wala rin naman akong kasama eh" sabi ko ko sa kanya at ikinangiti niya.

"sure" 

....................

Lunch time na at may kasama na akong lalabas. Kinuha ko na yung bag ko at niyaya si Louisa. 

"tara na Louisa baka wala nang space sa canteen mauunahan tayo" Sabi ko at saktong tumingin si Rynus sa amin. 

"tara" 

...

Nasa canteen na kami at saktong wala pang masyadong tao kaya naka upo kaagad kami. Umupo kami malapit sa may electric fan kasi iinit tong buong canteen pag marami nang tao. 

Tahimik lang kami walang imikan,siguro akward lang eh di naman kami close eh. Biglang tumingin sa likod ko si Louisa. Parang gulat na gulat kaya napatingin na rin ako sa tinitingnan niya. Nagulat din ako nung nakita ko si Nicolas sa likuran ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The BridgeWhere stories live. Discover now