"Roller coaster?!" Gulat kong sinabi.
Sabi ni direk, magshu-shoot daw kami ng isang scene na may roller coaster ride so kailangan naming sumakay ni Jb sa isang roller coaster. Takot ako sa rides! Huhuhu. Ano ba 'tong pinasok ko? T________T
"Bakit, anong problema mo?" Tanong sakin ni Jb.
"W-wala naman." Sabi ko. "Nagulat lang ako na may ganung scene pala."
"Okay ready na. Sakay na kayo. Alam niyo na kung ano mangyayari." Sabi ni direk samin.
Pumila na kami ni Jb dun sa roller coaster ride. Habang nasa pila, nag-start nang mag-shoot ng ilang frames dun. Basta binigyan lang kami ng directions ni Direk Wen tapos kaya na namin yun. Sinasabi naman niya kapag cut na. Tulad ngayon..
"Cut!" Tumigil kami sa pag-acting. "Okay, standby. Let's wait for their turn to ride."
Kaya kami naghihintay kasi biglaan yung shooting namin dito so hindi nasabihan yung management. Bali walang special treatment. Haha. Pero kebs lang, para lang rin naman kaming nag-eenjoy ni Jb sa isang amusement park. Yung usual na ginagawa ng lovers. Yun nga lang hindi kami lovers in real life </3
"Huy! Ba't parang 'di ka mapakali diyan?" Tanong sakin ni Jb habang naghihintay kami sa pila.
"Hindi naman eh." Deny ko pa.
"Oh namumutla ka na! Pati pinagpapawisan ka." Sabay turo sa mukha ko. "Teka nga, natatakot ka bang sumakay?" Hindi ako sumagot at umiwas lang ako ng tingin. "Wag ka nang matakot. Kasama mo naman ako eh." Bulong niya sakin.
ANORAW?! Eto na naman siya sa mga banat niyang ganyan eh! Nakakaloka na talaga 'tong si Jb! Wala na akong nasabi.
Nung turn na namin, kinakabahan akong sumakay sa cart. Naunang sumakay si Jb tapos inalalayan niya ako. Gentleman naman pala 'to. May tinatagong bait kahit papano. Hahaha!
Naka-lock na kami in place pero hindi pa rin ako mapakali. Naglagay na sila ng camera sa harap namin para ma-film yung buong ride. Nung malapit na kaming umandar..
"Hawakan mo kamay ko." Nagulat na lang ako sa alok ni Jb sakin. "Sige na, para mabawasan yung takot mo." Sabi niya. Mukhang sincere siya talaga!
Hinawakan ko yung kamay niya and I instantly felt safe. Kakaiba yung naramdaman ko nung mga panahong yun. Parang naglaho yung takot at napalitan ng saya. Bakit ganitoooo??
"Don't worry, hindi kita bibitawan."
WAAAAAAHHHHH. Jb, why are you doing this to me?!? :">
Nung nagsimula na yung ride, sigaw lang ako ng sigaw the whole time. Bumalik pa rin yung takot nung umpisa pero nung patapos na, medyo nawala na. Mahigpit yung hawak ni Jb sa kamay ko, talagang hindi niya binitawan. Tapos tumitingin tingin siya sakin everytime para lang i-check kung okay ako. Sumisigaw at tumatawa rin siya with me. Ang mahirap lang dun, hindi ko alam kung part pa rin ba yun ng acting namin o totoo na.
Pagkatapos ng isang ride, ni-review ni direk yung shot tapos sinabi saming hindi pa siya satisfied so we had to film it again. This time, sabi ni direk, kailangan ko raw ngumiti at some point at ipakitang nag-eenjoy ako with Jb. 'Wag na raw akong matakot para matapos na. Haaay. Grabe, isang take na naman huhuhu.
"Kaya mo na 'to! Nandito lang ako sa tabi mo." Sabi ni Jb sabay ngiti sakin habang hindi pa nagsisimula yung ride. Hinawakan niya ulit yung kamay ko the whole time tapos ayun, ang sarap ng feeling.
Nung mga panahong yun, isang bagay lang ang nasa isip ko..
Sana totoo na 'to at hindi acting lang.
Pagkatapos ng shooting namin sa QC circle, nag-dinner muna kaming lahat. Tumabi sakin si Jb tapos kinulit na naman ako. Nakikipagtalo pa sa pagkain ko. Ewan ko talaga kung anong trip niya sa buhay ah!
"Kayong dalawa talaga, para kayong aso't pusa!" Sabi samin ni Eunice. "Try niyo kayang mag-date minsan nang magkasundo kayo?"
Wow naman si Eunice! Maka-suggest wagas! Date talaga?! O____O
"Oo nga naman, Jb! Ba't hindi mo yayain si Anna mag-date?" Isa pa 'tong si Pj. Magkapatid nga sila!
"Ako pwedeng pwede. Ewan ko lang siya." Sabi ni Jb.
Napatingin na lang ako sa kanya with a irritated look on my face. Loko kasi 'to eh! Kung anu-ano pinagsasabi.
"Ano Anna, pwede ka ba?" Tanong niya bigla nung nakatingin ako sa kanya.
"Ha??"
"Pwede ba kitang ma-date?"
OH. MY. GOSH. I just died :<
YOU ARE READING
Summer Fling [ON HOLD]
Fiksi RemajaSabi nga nila.. "In every girls life, there's a boy she'll never forget.. and a summer where it all began."