Chapter 6

323 20 0
                                    



"Tingin ko, mas magiging mabuti ka talagang may-bahay kaysa sa'kin."

Aioua stared at her sister. Bago niya ito ginising, nagawa na niya ang lahat ng dapat gawin para hindi na nito kailangan pang kumilos. Nang lumabas ito ng kwarto at napansin ang halos kuminang na pad nito, wala na itong bukam-bibig kundi ang tungkol sa effective siyang maging asawa. Lalo na at nasasarapan ito nang husto sa niluto niyang pancit.

"Mag-aasawa ka na ba?" pang-uusisa niya na ikinatigil nito sa pagsubo. She thought her sister is trying to imply something.

Aiea blushed. "Is that a problem?"

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Sa nakikita niyang itsura nito, mukha ngang pinag-iisipan nito iyon. Aiea wasn't smiling but her eyes were twinkling. Ang... saya-saya nito tingnan.

Itinuon ni Aioua ang mga mata sa pagkain. "Hindi naman. Pero siguraduhin mo lang na matino ang papakasalan mo, Ate."

"Heart is nice. Hindi mo kailangang mag-alala sa'kin."

Parati niyang naririnig ang pangalan ng nobyo nito pero ni minsan ay hindi pa niya nasilayan ni anino nito. She thought Aiea isn't that serious. Kaya naman hindi rin siya nagtatatanong. But it seems like she should care more. Ayaw niyang ang makatuluyan nito ay gaya ng ama nila na pagkatapos magkalat ay maglalaho na lang na parang bula.

"Did he propose already?" may kaingatang tanong ni Aioua. Somehow, she felt a little distant knowing that her sister will soon have a family of her own.

"No. It's just my imagination." Kunot ang noong tiningnan niya ito. Ngumisi si Aiea. "I love my boyfriend but I love you too. Sa susunod na ako magpapakasal kapag alam kong okay na ang lagay mo."

"I'm fine," depensa niya kahit nakaramdam ng kaginhawaan sa sinabi nito. Pero baka nagsisinungaling lang ito at talagang gusto nang mag-settle down. Ayaw niyang ipagkait iyon dito.

"You are. Pero ayaw pa kitang iwan. Gusto pa kitang gabayan. I'm your big sister, after all."

"Oo nga. Kaya lang-"

"Twenty-one lang ako, Aioua. Masyado pang bata para pumasok sa relasyong walang labasan. At talagang imahinasyon ko lang iyon, ano ka ba. Huwag ka ngang masyadong seryoso. Kailangan mo pang makilatis si Heart at makikinig ako sa kung ano ang magiging tingin mo sa kanya."

"Kung ganon, papuntahin mo na siya rito," aniya.

"Busy pa siya."

"Walang busy sa isang taong may priority," wala sa sariling sabi niya. Nang mapagtantong napaka-direkta ng mga salitang nabitawan niya, agad siyang umayos. "I mean-"

Aiea smiled in amusement. "You got it. Busy siya. At busy din ako. Busy kami sa kanya-kanya naming priority. Kaya hindi pa kami pwedeng magsama. Dahil hindi pa namin priority ang isa't-isa."

"Parang ayaw ko na sa kanya."

Natawa ito. "Be fair, Aioua. Kahit ako, alam mong nasa trabaho ang halos lahat ng oras. At isa pa, walang pressure sa'min ni Heart. We love each other. That's all that matters."

"Siguraduhin niya rin lang na hindi ka niya sasaktan," may puntong sabi niya.

"He's the gentlest, nicest, sweetest and most wonderful guy I ever met. Hinding-hindi mangyayari 'yang sinasabi mo."

KARMA'S Appetite Series 5: Chef AieaWhere stories live. Discover now