Kabanata IV

174 12 6
                                    

"REALLY?"

"Wag mo kong sigawan, OK?"

"Di lang ako makapaniwala." O tingnan nyo si Kris di makapaniwala  sa kwento ko. Alam nya din kasi ang lahat dahil sa kanya ako madalas mag-share. Bestfriends na nga kami although ganun din ako kay Ara na kaparehas ko ng sitwasyon. Busy din ang parents nya at wala ring time sa kanilang dalawang magkapatid pero magkaiba.  Ok lang sa kanya na wala ng time ang parents nya basta nakukuha nya ang gusto nya.

"Tsss. Hayun na sila ulit. Busy!"

"Intindihin mo na lang"

"Ha? Pinipilit ko namang intindiin sila e pero minsan ba inintindi nila ako?"

"Naku George! Ang drama mo!"

"Dyan ka nga muna." tumayo na ko at kinuha ang bag ko. Iniwan ko si Kris nakaupo mag-isa. Kami lang kasing dalawa ang tao sa gym. Naglalakad na ko palabas ng makita ko si Kevin.

"Good morning George."

"Good morning too."  Wala sa mood na sagot ko. Nagdire-diretso na ko sa paglalakad. Kung saan ako pupunta ewan.Kung saaan na lang ako dalhin ng mga paa ko.

Kris' POV

Umalis si George. Haay. Napapakamot ako sa ulo ko.

*sigh*

"Oh? May problema  ka ba? Ang lalim ng yata  iniisip mo?"

Di ko namalayan na nsa tabi ko na pala si Kevin.

"Wala...wala"

"Sus! Alam ko meron"  inakbayan pa nya ako.

Sasabihin ko ba?

O sige, sasabihin ko na nga. Mapagkakatiwalaan ko naman sya and baka may maibigay pa syang advice saken. Tama...Yun nga!

"Bro, usapang lalake. Inlove na yata ako." tsk. Tsk. Ang korni ko.

I heard him chuckled. "Kanino?"

"Kay George."

"So? Anong problema dun?"

"Di kasi pwede"

"Bakit naman?"

"Ayaw nya."

"Have you tried already?"

"Hindi pa, kaso ayaw daw nya talagang magboyfriend. E kahit ganun yun alam kong di naman sya naa-attract sa mga girls e. Kahit baligtarin man, babae pa rin sya and another BIG reason kung bakit ayaw nya,  she give importance to our friendship."

"Subukan mo kasi. Court her. Prove what you want to prove and if it does'nt work atleast you try."

"Gusto ko nga e magbago sya ng dahil saken. Mawala yung pagka-boyish nya."

"Huh? What's wrong with that? Her style? Boyish? If you really love a person no matter how she looks, she acts you will accept all of that. Kahit pa ngongo sya, malakas humilik, malakas umutot tatanggapin mo ang lahat nang yun kasi nga MAHAL mo yung tao pero kung gusto mo syang magbago MALI ang sabihin mong mahal mo na sya. How could you say you love her kung ganun yung gusto mong mangyari."

Napatigil ako at napaisip sa sinabi ni Kevin. Tama sya. Mali ako. Bakit ba gusto kong magbago si George? Ang selfish ko naman pag ganun. Pano ko ba nasabing gusto ko sya? Masaya ako pag kasama ko sya, higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya. Alam ko namang alam nya yung bagay na yun pero sinabi na nya ang totoo. Di pwedeng maging kami. Kahit pa nga  joke lang na sasabihin kong liligawan ko sya against na talaga sya pero tama si Kevin di ko pa naman nasusubukan at walang masama kung aking susubukan. Baka magiba ang lahat.

"Oh? What's your decision?"

Tinignan ko si Kevin at nag-nod ako. Tumayo at lumabas na rin. Chineck ko ang oras and may klase na kame. Tumakbo na ko papunta sa room namen dahil late na rin ako. Pagdating ko wala si George.

Umupo na ko at tinanong si Ara kung nasan si George. Hindi rin daw nya alam kung nasan yun. San ba yun nagpunta? Tsssss.

Kevin's POV

Ganun ba talaga yun? Pag magbestfriend ang lalaki at babae, may tendency na ma-fall sila sa isa't-isa o yung isa sa kanila.

Psssh.

Ako na lang ang naiwan dito sa gym. Boring. Maaga kasi ako pumasok kahit wala pa naman akong klase.

Lumabas na rin ako ng gym at naglakad-lakad sacmay soccer field.

Si George yata yun. Nakasandal sa ilalim ng puno at may nakatakip na libro sa mukha nya at mukhang tulog.

Lumapit ako at sumandal rin sa puno bale magkatalikuran kami. Sarap pala ng feeling dito sa ilalim ng puno. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang katahimikan ng paligid.

"Anong ginagawa mo dito" biglang nagsalita si George.

"Nagpapahangin lang. Ikaw, di ba may klase na kayo nina Kris? Ano pang ginagawa mo dito?" Magkatalikuran pa rin kami

"Wala lang. Trip ko lang tumambay."

"Ok"

Nakatulog na ko sa pwesto ko at paggising ko nasa harap ko ang mukha ni George. Kanina pa nya yata ako tinititigan.

"Salamat naman at nagising ka na! Kanina pa kaya kita ginigising."

"Ha?"

"E late ka na yata sa klase mo."

Tinignan ko ang relo ko.

O_____O late na nga talaga ako! 30 minutes  

"hahahaha" Bigla naman syang tumawa.  O sige tawanan mo ko George.  -____-

"OH? late ka na! Bakit ayaw mo pang umalis?"

"Di na lang ako aatend."  sambit ko habang tumatayo at nagtatanggal ng nanlaglag na dahon sa ulo ko. 

"Ok. Decision mo yan e." tumayo na rin sya at nagpagpag ng dumi sa pantalon nya.

"Kain na lang tayo."  yaya ko sa kanya. 

"Sure!"      

Di naman pala sya mahirap yayain.

Naglakad na kami papunta sa university canteen. Ang sarap nyang kausap. Hindi maarte, very natural and may sense of humor.

Save the Last Game for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon