As usual, natahimik na naman sila pagkapasok ko. Kelan nga ba to nagsimula?Oh 3 weeks ago.Maingat na hinila ko ang upuan at tahimik na nilapag ang aking bag sa tabi. Ang awkward naman kung gagawa pa ko ng ingay. Baka kung ano pa masabi sakin eh.
"Morni-." Maging ang kapapasok lang na si Blake ay di na tinuloy ang sasabihin niya at naupo na lang din malapit sa akin. Tipid niya akong nginitian na sinuklian ko naman ng isang tango.
Sunod na pumasok si Kyle na blangko ang mukha at dumiretsyo sa kabilang side, kung nasaan ang upuan niya. Malayo sa amin.
Hindi nagtagal ay pumasok na rin ang nagkukwentuhan na Jude, Sab at Steph. Tahimik na nakatingin lang ako sakanila nang lingunin din nila ako. Kaagad silang nagsi iwas ng tingin at naupo sa tabi ni Kyle. Wala na kong ibang nagawa kundi bumuntong hininga.
"Jino hyung, Skie hyung tara cafeteria muna." Ani Ranz na nandito rin sa gawi namin. Pinanood ko lang ang paglabas nilang tatlo.
"Magiging okay rin ang lahat." Bulong ni Blake atsaka ako tinapik sa balikat. Sasagot pa sana ako nang may pumasok na nagpatahimik sa akin. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Morning Dash."Bati ni Sab dito.
"Morning din."Simpleng sagot niya. Nilingon niya ako pero agad ding nagbawi ng tingin at naupo na sa upuan niya. Ghad!Pakiramdam ko maiiyak na ako nang wala sa oras.
"Naluluha ka. Why?"Tanong ni Ash na nasa tabi ko rin. Napalingon din samin si Hannah.
"Hindi. Inaantok lang ako."Pagdadahilan ko at dumukdok na lang sa mesa ko. Rinig rin ang pagbati nila sa kapapasok lang na si Trix. Mapait akong napangiti.
Bakit nga ba kami umabot sa ganito?Ako ata talaga ang dahilan kung bakit kami nasira.
YOU ARE READING
Till The End?
Teen Fiction"So ano, Friends Till the End?" "Corny naman niyan." "Friends till the end, sus. Baka nga kapag nagkahiwa hiwalay na tayo eh tuluyan na rin mabuwag pagkakaibigan natin." "We wont let that happen. Magkakaibigan pa rin tayo sa hirap man o sa gi...