Friday, last day of the week. And I still have 5 days pa (next week) para makita ulit ang mokong na 'to. And for the first time talaga, ngayon lang ako nalungkot dahil Friday na. And bilis talaga ng araw. Hindi ba pwedeng forever trainer nalang namin sya? Hhmmm. Anyway, today is the day of our pre-language audit. Hindi naman ako nag-practice actually kasi hindi naman sa pagmamayabang, eh okay naman ang pronunciation ko. Haha! Pinaghandaan ko lang ang peg ko nung mga panahon na yun. Haha!
Sa office, isa sa mga wave mates ko na itago nalang natin sa pangalang Jed ang nakapansin sa beauty ko.
"Why so pretty, Jen? Inspired? In love?" Sabay kurot sa chubby cheeks ko. At syempre, super palakpak naman ang tenga ng lola mo.
"Oh! Thank you! You too! You look very handsome today!" Sabay hampas naman sa braso nya. Hindi naman talaga sya gwapo. It's just that, mukha lang syang maayos ngayon. Hehe!
But I'm not aware na habang hinaharot ako ni Jed, eh nakatingin pala samin si Eugene. At hindi ito ordinaryong tingin lang. As in masama ang tingin nya samin. Napansin ko nalang na nakatingin sya samin nung lumingon ako sa kanya. Nung start naman ng training, eh mukha namang maganda ang mood nya. But not until after nung pagharot sakin ni Jed. Or baka nagaassume nanaman ako. What do you think?
Nagsimula na ang aming pre-language audit. 21 kaming lahat, at isa isa kaming ieevaluate ni Eugene kung okay ba ang pronunciation namin. At dahil pang 14 pa naman akong isasalang (lulutuin lang teh, lulutuin?!), eh nakipag-chikahan muna ako sa mga new friends ko habang naghihintay kami sa lobby. In fairness, may friends na talaga ako after 4 days of page-emo! Isa sa mga friends ko dun, na itago nalang natin sa pangalang Gracie ang nakapansin sa kakaibang kinikilos ni Eugene towards me.
"You know what Jen, I've been noticing Eugene since day one, and it seems like he's looking at you all the time."
"Really?" Kungwaring hindi pa ako naniniwala pero napansin ko rin yung napansin nila.
"Yes. And haven't you noticed that he's always calling you during our discussion?" Pagdadagdag pa ni Gracie.
"I've noticed that. But I think he's just like that. I dunno. I really don't have an idea on why is he like that." Naku, sa totoo lang talaga, hindi ko alam kung bakit sya laging nakatingin sakin. At lalo pa kanina na ang sama naman ng tingin nya. Ayayay! Maya maya pa'y lumabas na sa training room ang una sa mga hinatulan, este sa nag pre-audit. Si Jed yun, actually. At laking gulat namin kasi naka busangot ang mukha nya.
"Why? What happened?" Pagtatanong naming lahat.
"That guy's stupid. I didn't do anything wrong with my words, but he keeps on telling me that my I'm eating my words. And he looks really mad at me. I dunno why, but I guess it's because of my jokes. Waaaaa! He took it too personally!"
Nawindang kaming lahat sa ginawang iyon ni Eugene kay Jed. Ba't parang ang mean mean nya today? At bakit si Jed pa ang una nyang binengga? Dahil ba nilandi ko sya? Ayyy! Ayokong mag-assume pero nakakapagtaka na kasi talaga eh.
Ganun din ang nangyari sa iba pa naming kasama. Kesyo sinungitan daw sila ni Eugene, pinipilosopo at kung anu ano pa. Lalo tuloy akong natakot na baka ako rin ay sungitan nya. At dumating na nga ang turn ko para sa pre-audit. Pagpasok ko sa room ay nakita ko sya na may kinakalikot lang sa PC nya, kaya umupo na ako malapit sa kanya. Bale, isang table lang ang pagitan namin. Nakatingin lang ako sa kanya at super blangko lang ang expression ko. Hinintay ko lang na kausapin nya ako. Maya maya pa'y...
"Hi Jen." Sabay tingin sakin pero mukhang wala talaga sya sa mood.
"Hi." Matipid lang na sagot ko.
"Let me put this one for you." Kinuha nya yung headphone na gagamitin namin at sya mismo ang naglagay nito sakin. Siya na ang naglagay kasi hindi namin alam kung paano ba ang tamang way ng paglalagay nun habang nagaaudit. At talagang magkalapit na ang mga mukha namin habang nilalagay nya iyon. As in mga 3 inches away ata yun. Ewan! Dun ko pa sya mas lalong tinitigan at grabbbbbeeeeee! Mas gwapo pala sya sa malapitan. Nagulat nga lang ako nung gumanti rin sya ng tingin sa akin. Mga 3 seconds din kaming nagtitigan at grabeeee, abot langit na ang kilig ko nun.
"Awwww." Sabi ko after ung titigan moment na yun.
"Why?" "Sabi ni Eugene.
"Oh. Nothing. Hehe!"
"Okay, let's start. Are you ready?"
"Ready for what?" Hindi dapat ito ang isasagot ko, pero nakaramdam kasi ako ng kung anuman after nung titigan namin, kaya ito na ang nasagot ko.
"Haha! Ready for... ME?" Sabay tawa ulit sakin. Natuwa naman ako dahil unti unti na syang bumabalik sa wisyo. Lasing lang teh, lasing lang? Haha! "No, I mean are you ready for the audit? Haha! You know what, you always know how to make me laugh. You're crazy!" Pagdadagdag pa niya.
At natuwa naman ako sa sinabi nya. Hindi naman nakakatawa yung sinasabi ko pero, ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa naman sya sakin. Mukha ba akong clown? Haha!
"Hahaha! Did I say something funny? Hahah! Whatever. You are crazy!" Eh kasi naman, baliwag talaga sya eh.
At ayun nga, nagstart na ang pre-audit and infairness, maganda talaga yung kinalabasan nung sakin. Natural na natural lang. At saglit lang talaga sya. Nagtagal nga lang kasi chumichika pa kaming dalawa eh.
"I like how you delivered the script. You sound very pleasant and natural. Effortless." Comment ni Eugene sa performance ko.
"Thank you. Do I really sound natural? I think I sound robotic or unnatural."
"No. You sound very sweet and natural. Your clients will love you for that." Sabi ulit ni Eugene na parang sincere talaga sya sa sinasabi nya.
"That's so nice of you. Thanks!"
"By the way, do you have some time this weekend?" Tinanong ni Eugene na nagpagulat sakin. As in eto na ba talaga ang pinaka hihintay ko?
"Huh? Ahhh.. Um.. I'm free this weekend. Why?" Unti unti na akong kinikilig. At hindi na ako makapaghintay sa sasabihin nya. Magde-date ba talaga kami ngayong weekend? Waaaaa! I can't take this!
"Um.. Then, you should practice more of your script so you'll do much better next week. Okay?" With matching naughty smile.
Nakoooooooo! Napaka-ashumera ko talaga! Akala ko pa naman aayain na nya ako eh! Ba't pa kasi ganun yung tanong nya! Hmp! Kaasaaaaaaaaaaaarrrr!
"Oh! Oh.. Okay. I'll do that. Thanks!" At dali-dali na akong lumabas ng training room. Dismayado talaga ako sa narinig ko. Akala ko pa naman makaka-date ko na sya, Hmp. Assuming talaga ako kahit kailan.
BINABASA MO ANG
The Guy That Got Away
RomanceItago nalang natin ang mga bida sa pangalang Jen at Eugene. Hindi sila tauhan sa Ghost Fighter at lalong hindi ito tungkol sa lalaking naglahong parang bula dahil nabuntis nya si girl. Hindi iyon ang ibig sabihin ng "The Guy That Got Away" sa story...