Chapter 1

3 0 0
                                    

"Excuse me."

Ang init. Ang sikip. Ang sakit na ng paa ko.

"Ay miss, sorry po!" Ouch! Masakit na ang paa ko tapos naapakan pa nila.

Hay nako. The things I do for love.

Bumalik bigla ang sigla ko nang ako na ang susunod.

"Hi miss! Goodmorning!" Masiglang bati sa akin ng kahera.

Ngumiti ako sa kanya pabalik habang kinukuha ang wallet ko.

"Miss, dalawa pong VIP1 tickets for Carpe Diem" ngumiti ito ng saglit habang may tina-type sa computer.

"Ay ma'am, sorry po, naubos na po lahat ng VIP tickets namin for Carpe Diem in Manila." Holy. WHAT?!

Napatingin ako bigla sa kaibigan ko at maski sya ay nabigla rin. Bumaling akong muli sa kahera habang pinapanatiling kalma ang sarili ko.

"Ahm. Miss, ano na lang po yung mga available na tickets?" Kahit GenAd pa yan, papatulan ko, makita ko lang ang Seventeen.

"Ang meron na lang po kaming seats ay sa Lower Box B at Lower Box A. A seat in Lower Box A costs 11,000 pesos, and 9,000 pesos naman po sa Lower Box B." Ay omg. Thank God at hindi GenAd.

"Sa Lower Box A po ba meron pang dalawang seats na magkatabi?" Shemz. Sana meron.

"Meron pa po." I sighed out of relief nung narinig ko yon.

"Sige po, we'll take two, yung malapit po sana sa stage."

.
It's already been 2 weeks nung bumili ng tickets ng bestfriend ko for the Carpe Diem concert here in Manila. I'm so excited to see Seventeen! I'm excited to meet them, my inspiration, omg.

It's August and the concert is in October. May 2 months pa ako para ihanda yung sarili ko. I have to practice my breathing, baka kasi bigla akong himatayin doon dahil sa kilig. Lalo na pag nakita ko na yung pinakamamahal kong si Kim Mingyu. Baka tuluyan na ako at magtawag agad ako ng magkakasal namin.

Tahimik akong gumagawa ng homework na tinamad akong gawin kagabi nang may biglang nag-ingay sa room.

"Momsh! Momshie Sky!" Lumapit sakin si Lyn habang rumarampa.

"Bakit? Ano problema mo?" Binaba nya ang bag nya sa upuan sa tabi ko at tumabi sakin.

"Kasi gurl, may nag-offer sakin ng mga merch para sa concert, umorder ako ng pang-satin dalawa, bale total bill natin ay two thousand pesos, tig-1k tayo, next week ang bayaran." Fudge.

"Hala? Hala beh ba't ka um-order ng walang pasabi?" Kakagastos ko lang ng 11k nung isang araw tas gagastos nanaman ako ngayon?!

"Kasi alam kong aayaw ka."

"Buti alam mo. Kaya bakit ka um-order? Gurl, wala akong pera." Myghad. Na-stress ako bigla. Nabalik ko na kaila mommy yung sobra sa perang binigay nila pambili ko ng ticket.

"Teka kasi patapusin mo muna ako. Nakakuha ako ng 20% discount kasi ako daw yung 100th client nila, kaya eight hundred pesos na lang babayaran mo." Sabi nya. Kahit na...

"And hallur! May pa-veil and flower crown pa sila as freebies. Mga supportive din yon sa fangirls, kasal kung kasal ang ganap sa concert." What the heck?

"Bahala na, bwisit." Ipinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko hanggang sa may dumating na teacher.

.
2 months. 2 months akong nasubsob ng bongga sa pag-aaral. May usapan kami nila mommy kasi na papayagan nila ako sa concert at sila ang magbabayad ng ticket ko, basta ba makapasok ako sa honors. And hell, it was really hard. Matatalino ang mga tao samin kaya mahirap makipag-kompitensya, lalo na yung mga palaban na matatas yung ego, mahirap silang pantayan. Yung mga teachers naman samin, mababait sila pero nakakainis pag sabay-sabay yung deadline ng projects tas isasabay pa nila yon sa exam.

The Love Story I Wish Existed | | SEVENTEEN KIM MINGYUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon