Sadyang.. nagugulahan lang ako.

93 5 0
                                    

"Oh, Zhutem. Himala at dumalaw ka dito ng hinde weekend. Nakakain ka na ba? Sabayan mo na kami ng papa mo." Tumango lang ako at naghain na.



Habang kumakain, hinde ko mapigilang isipin yung nakita ko kanina. Naguguluhan talaga ako, ano ba yun? Anong ibig sabihin nun? Na may ibang pamilya si papa? *shakes head*



"Oh, may problema ba anak?" Nagitla ako nang tanungin ako ni papa.



Wala pa, pero naguguluhan po ako. "Ma Pa, ba't wala po kayong wedding ring?" Tila natigilan naman sila, nagtatanong at gulat ang mga mata.



"Z-Zhutem, nung bata ka pa lang tanong mo na sa'min yan ah?" -Mama



"Pero hanggang ngayon po hinde niyo pa din ako sinasagot."



SILENCE..



SILENCE..



Nagtinginan sila tapos ay tumingin sa akin. "Anak maiintindihan mo din kung bakit. Hinde lang siguro ngayon."



"Pero bakit po ba ayaw niyo pang ipaliwanag sa'kin? Ang laki ko na po oh." Natahimik lang silang muli. Tumayo na ako. Walang mangyayari sa pagtatanong kong ito. "Dito po ako magse-stay ng mga ilang araw." At umakyat na ako.



Aish, baka naman nanaginip lang ako. Pero hinde eh.. *calls Den*



"Pa, shot tayo after niyang trabaho mo." Pinatay ko na at isinubsob ang mukha sa kama.



This is so vexing. Kailangan kong ilabas to.



[The Lion's POV]



"Ano daw?" Napatingin na lang ako sa selepono ko. Biglang nag-aya. "May problema kaya?"



"Sinong may problema?" Sinamaan ko siya ng tingin at nag-ayos ayos sa counter. "Napaka naman nito. Boss mo ko ano tapos ginaganyan mo ko."



"Mind your own business, you ass."



Napatawa siya ng pagak. "Hinahayaan na nga kitang *karate chop sa batok* gumamit ng phone habang nasa work hours eh." Napabalikwas ako sa sakit at sinamaan siya ng tingin. Nako talaga, kung hinde lang dahil don sa kotse hinde ako magtatrabaho sa gagong to.

TLTL Book 2: She Tamed the LionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon