Chapter#17
Channel's Pov:
Makalipas ang nangyare, i mean after ng lahat lahat, natapos din, natapos na ang ilang buwan kong pagtitiis sa kanya. Ngayon heto malaya nako, malaya na ulit ako, tahimik na ulit yung buhay ko, gumagalaw ulit ako bilang isang simpleng studyante sa school, at dahil sunday ngayon, magsisimba muna ako, para bawas kasalanan, at makapagpasalamat na din kay Papa God. So isama ko na si Cindy, para naman masaya. Miss ko na kasing maging masaya.
Nag-open muna ko ng fb para icheck kung online sya, kaso offline, ang hirap pag walang load. So nagtingin tingin muna ako newsfeed ko, sa pagscroll ko, may di sinasadya akong nakita, post ni Gino.
Gino Santiago
34 minutes ago"Tama sila lahat ng bagay may katapusan"
Ngayon kolang sya nakitang nagpost ng kadramahan sa facebook, pero may kasama namang picture nya.
Bloblock ko na sana sya kaso may nagdala sakin para magtingin sa timeline nya, nagscroll scroll ako dun, nandun pa pala yung pictures namin sa resort, hayy kakamiss, pero hindi sya, yung resort!
After ng pagsscroll biglang nagchat si Cindy.
CindyRella
-Gala naman tayo now, mahihimatay nako dito samin.reply....
-Sige pero church muna tayo, ok lang?CindyRella
-Sure matagal na din ako hindi nakakapagsimba eh, punta nako dyan. See you!reply...
-Ok sige.So naligo na agad ako, kasi yung babaeng yun daig pa si flash, ang bilis.
After 20mns. natapos nakong maligo, nagbihis nako natural, hindi ko na dapat to kinukwento tama?
Nga pala si Kuya, wala, sunday pero wala sya ewan ko ba, di ko alam.
So after ko magbihis bumaba nako, at tulad ng inaasahan, nandito na sya.
"Oww, hi Channel, kumuha nako ng toast bread sa oven nyo ah, sayang eh mukang bagong toast, sino gumawa?" mahabang tanong nya.
"Si Kuya sino pa ba? wala pa nga sina Manang eh" sagot ko naman.
"Ahh ganon ba, galing naman pala ng kuya mo, tara na nga tatanghaliin na tayo eh, baka wala tayo abutan dun" sagot nya.
So umalis na nga kami, paglabas namin ng bahay naalala ko wala kaming car.
"Cindy san tayo sasakay?" tanong ko.
"Syempre naman lagi akong handa sa mga sitwasyon na ganito" confident na sagot nya.
"Handa? eh san na nga? late na tayo sa mass, 7:13am na" angal ko.
"Tara dun sa labas ng subdivision" sagot nya at nagsimula ng maglakad.
"Magtataxi tayo?" tanong ko pa.
"Wag ka na madaldal kasi" sagot nya.
Tumahik nalang ako at sumunod sa kanya, para lang ewan.
Paglabas namin nakita ko agad yung car ni Tyron.
"Si Tyron?" tanong ko.
"Yup, ayaw kasi sya papasukin nung guard dito sa subdivision nyo" sagot nya.
"Oh andyan na pala kayo, tara na" masayang bungad ni Tyron.
Nginitian ko nalang sya at sumakay sa car nya.
After a few minutes nakadating din kami, medyo kokonti yung tao this sunday, dati kasi laging puno, umupo na kami para makapagsimula na.
After 5mns. nagsimula na si Father magmass, nakinig nalang ako sa kanya ng mabuti. Then after mass, nagyaya na agad si Cindy sa mall.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)
Teen FictionUN-expected LOVE Story.. Saan nga ba nagsisimula ang pag-ibig? Kailan nga ba natin ito nararamdaman? O kailan nga ba ito dadating? Marami tayong tanong tungkol sa pag-ibig na napakahirap sagutin, minsan pa nga masasabi mo sa sarili mo na, IMPOSIBLE...